Chapter 17

7K 265 27
                                    

Gulf's POV

Maaga akong gumising para ayusin ang mga dadalhin na gamit ng asawa ko sa isang linggong pananatili niya sa condo ni Mean.

Hinanda ko na rin yung susuotin niya. Ilang minuto pa ay ginising ko na sila para hindi na sila maabutan ng pinsan ko. Sumama muna ako sa asawa ko para sabay na kami pumasok. Dinala namin ang gamit niya at doon na rin siya naligo.

Maganda yung unit at malinis. Isa nga lang ang kama. Siyempre hindi naman ako magseselos dahil alam ko yung pagkakaibigan nila. Tsaka sigurado akong straight si Mean.

"Let's go, love?" Kotse ni Mean gamit namin ngayon kaya malamang magco-commute ako mamaya pauwi.

Natapos ang klase ng mabilis. Alas kwatro na ng hapon ng nag-uwian kami pero heto kami ngayon alas siete na nang gabi pero nasa condo pa din ako nila.

"Love,I have lot of stuffs to do. Let me go home." Nakahiga pa din siya sa kandungan ko. Animo'y maliit na pusa na naglalambing.

"I'll drive you home later." Saad niya sa akin.
"Dude, let me borrow your car."

"Feel free. Ihatid mo na si Gulf. Magkikita naman kayo ulit bukas." Natatawang paalala ni Mean sa asawa ko.

"Shit! Shit! Ang sarap sakalin ng pinsan mo habang natutulog. He is making me suffer." Padabog na tumayo si Mew sa couch nila.
"Let's go, love."

Nang maihatid niya ko sa tapat ng building,tumagal na naman ako dahil sa dami ng mga paalala niya.

Papasok pa lang ako ng bahay ng nag-ring agad phone ko. "Love, be careful okay? Mamaya ka na tumawag pagdating mo. I remembered everything. I love you." Binaba ko na ang phone.

Naligo lang ako at gumawa ng papers na kailangan ko isubmit. Hindi ako makafocus dahil maya-maya nagtetext si Mew. Tinawagan ko na lang siya at binuksan ang camera para makita niya ko habang patulog na siya.

"Love, I can't sleep." Paglalambing nito.

"Ssshhh. Sabi ko tumingin ka lang. Wag mo muna ako kausapin. Busy ako." Alas onse na ng nakita kong nakapikit na siya. "I love you so much. Goodnight." Nagulat naman ako ng gumalaw ang phone niya at bumungad sakin ang mukha ni Mean.

"Goodnight, Gulf. Drop ko na ha?" Mapait ang ngiti niya sa akin.

"Thank you for letting him stay."

"No worries."

"Goodnight, Mean."

===============================

Medyo na-late ako pumasok kaya nag freak out si Mew. Pag upo ko pa lang lumapit na agad sa amin si Mew.

"Fluke, alis!" Alis talaga? Hindi ba dapat excuse?

"Bakit hindi ka nagrereply?" Tanong niya.

"Love, late ako nakatulog kagabi. Mabuti ginising ako ni Earth. Chill lang, okay?" Nakangiting saad ko sa kanya.

"Ang linaw linaw ng sabi ko sayo eh. You should have texted me when you woke up." Padabog na nilapag niya ang burger sa desk.

Oh gosh. So moody.

Bumalik na sa upuan si Fluke.

"So scary naman the hubbybells. Kanina pa siya ganyan  kaya walang nag iispluk dito."

"Anong oras pa siya nandito?" Tahimik sa classroom namin.

"Andito na siya kanina bago pa ko dumating. Aburado na yan pagdating ko."

May time pa naman kaya chineck ko phone ko. Ang dami niya ngang miscall and text.

Lumapit na ako sa kanya. Hindi niya naman ako aawayin sa maraming tao diba?

MARRIED TO THE SWEETEST BULLY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon