Gulf's POV
"Bakit may pagdadabog? Mamalasin tayo, love." Gumagawa ako ng milktea na order nila.
"Mamalasin tayo sa kalandian mo." Saad ko sa asawa ko na harap harapan kung makipaglandian sa mga customer.
"You told me to be friendly." Pagrarason niya sa akin na parang tuwang tuwa pa siyang naaasar ako sa kanya.
"Exactly...do you need to share your phone number to be friendly? Gusto mo ba paskil ko na dito sa counter yung number mo para hindi naman hassle sayo."
May sinasabi ba akong nakakatawa? Nakalimutan niya bang may kasalanan pa siya sa akin kagabi?
"Sorry na. Let me help you." Siya lang ata nakita kong nagsosorry na kinikilig.
"Do I look like I am joking?" Tanong ko sa kanya.
"No, you look like my forever."
Napakalandi. Siyempre hindi ako ngingiti.Pinagpatuloy ko na lang yung ginagawa kong milktea at nang natapos na, kinukuha sa akin ni Mew ang hawak kong tray para siya na maghatid doon sa tatlong asungot.
"I am watching you. Just one wrong move, love. Babawasan ko ng one inch yang alaga mo gamit to." Ipinakita ko sa kanya ang mga bread knife na pinupunasan ko.
"You can't be serious."
"Oh well, let's see if I am serious or not then. Go!" Tinuro ko sa kanya ang lamesa ng tatlong maharot na customers.
Dahan-dahan siyang lumapit doon at nilapag ang milktea nila at bumalik sa akin para kumuha din ng cake na inorder nila kanina.
"Did you see it, love? No eye contact at all." Hinigit niya ang bewang ko at niyakap ako ng napakahigpit. "Buo pa rin mamaya yung nuebe ko. To celebrate na walang mababawas na one inch, how about we make love later?"
"Shut up. Focus on your work. Nakikita ko bawat galaw mo so watch out. Just one wrong move, doon ka sa tent matutulog."
Kinuha niya ang cake at nilagay sa tray para i-serve ulit sa lamesa nila. Sumisipol pa ang asawa ko habang naglalakad. Feeling pogi. Pogi ka ba? Utak ko din ang sumampal sakin ng "OO,SOBRA!" nang ngumiti sa akin ang asawa ko. Bakit kasi ang pogi nitong malandeng to?
Sabi ni Ericka ay handa na ang pagkain namin kaya tinanggal muna namin ang apron at kumain din sa dulong bahagi ng Myugap.
Hindi makakaila na agaw atensyon talaga si Mew kapag naglalakad siya. Minsan ang sarap patirin para maturn-off yung mga tumitingin sa kanya.
Pag-upo namin ay ngiting ngiti siya. "Just look at me." Utos ko sa kanya.
He started eating a spoonful of rice while staring at my lips. "Sarap."
"Anong masarap sa kanin?" Nilagyan ko ng ulam ang kutsara niya.
"No, love. Yung lips mo masarap."
"Gusto mo tusukin kita ng tinidor?" Tanong ko sa kanya.
"Lips mo pa lang nabubusog na ko, paano pa kaya kung yung..." Hindi niya tinapos ang sasabihin niya. Ibinababa ang mata niya sa pantalon ko sabay kagat ng labi niya. "Love, magsara tayo ng maaga."
Hindi na siya natapos sa kalandian niya. Pero mabuti na din na hindi pa siya nagsasawa sa akin. Halos tatlong taon na din kaming mag-asawa pero ganoon pa din ang trato niya sa akin.
"Okay lang ba kapag pumunta dito sa lugar natin yung mga ka-batch natin? Get together daw. Hindi pa ko pumapayag kay Fluke dahil gusto ko malaman opinyon mo dito."
"It's totally fine with me. How about you?" Balik na tanong niya sa akin.
"I have no problem with that. I miss my friends too."
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE SWEETEST BULLY (Completed)
Roman d'amourMewGulf Fanfiction ~boyslove~ I am Gulf Kanawut and I am married to the the sweetest bully.