Gulf's POV
"Gulf, can't wait to see you again. - First."
Nakatitig lang ako sa text niya ng biglang may nagchat sa akin.
"Sino ka-text mo?" Ang lakas talaga ng pakiramdam ng asawa ko.
Hindi ko naman masabi kung sino nagtext baka bigla na lang gumawa ng eksena yan dito.
Maya-maya pa dumating na si Mean dala ang ilang box ng pizza at milk tea.
Hindi man lang ako inalok ng asawa ko. Nakakainis.
"Rooftop." Chat niya sa akin. Ilang beses ba kami magkikita sa rooftop sa loob ng isang araw. Nauna siyang umalis at maya-maya lang ay sumunod na din ako sa kanya. Dinala ko yung mga libro ko para hindi nila mahalata kung saan ako tutungo.
Nakaupo na siya sa armchair na andoon sa rooftop. He pulled me and made me sit on his lap.
"Eat, love." Sinubuan niya ko ng kinakain niya at inabutan din ng milk tea na hawak niya.
"You're not chatting any guys behind my back, right?"
Napailing na lang ako sa asawa ko. I shouldn't be guilty right? It's not like I chat with anyone . I received a message but I didn't reply at all.
Pagkatapos namin kumain ay may kinuha siya sa bulsa niya. "I asked Mean to buy this. Taas mo damit mo."
Dito? Wild as shit. Medyo nag-init mukha ko sa utos ng asawa ko.
Nagtatakang tumingin naman sa akin si Mew. "What are you thinking, love? This is pain reliever patch." Ang lakas ng tawa niya.
"Nag-expect ka ba na may gagawin tayo dito sa rooftop? I never think na may mga imagination kang ganyan. We can try if you want though." Pang-aasar niya sa akin.
"What the hell, just put it in."
"Okay love, I'll put it inside you." Para akong nakuryente ng naramdaman ko ang mainit na hininga ni Mew sa likod ng tenga ko. Naramdaman ko ang paglapat ng katawan niya sa likuran ko.
"Love? What are you doing? I meant the patch on my back."
"I thought you are asking me to put my thing inside you. Rawr!" Pang-aasar sa akin ni Mew.
Nilapat niya ang patches sa bandang baba ng likuran ko. Sobrang sakit talaga ng katawan ko, kung makahampas kasi si Mew kagabi ng katawan niya sa akin akala mo walang bukas.
"Drink medicines too,okay? Dapat okay ka na pag-uwi natin."
"And why is that? Para ulitin mo na naman?"
"I'll be more gentle later, love, promise."
See? I was right? He is planning to do it again later.
I don't wanna share this but Mew is very perv when we're alone. So much.
"Bumalik ka na. Don't talk to Mean. Kapag lumapit pa siya ako bahala sa kanya. Kakalat utak niya sa sahig. Promise." Binatukan ko nga. That was extremely horrible. Kung makapagsalita si Mew akala mo hindi niya barkada si Mean sa loob ng apat na taon.
Nang bumalik ako sa classroom ay ang sama pa din ng titig sa akin ni Mean. Pinabayaan ko na lang siya dahil ayaw ko ng gulo. Iniisip ko na lang, asawa ko ang mapapahamak kapag pinatulan ko tong labanos na to.
Dumating naman si Mew at umupo ulit sa bandang harapan. Madalas yung mga bullies nasa likuran sa mga pelikula,pero sila Mew hindi ko alam ang trip bakit lahat sila nasa harapan.
Maya-maya pa nakita ko yung president ng department namin. Siya si Sam,isa sa pinakamadaldal na babaeng nakilala ko.
"Gulfie! Bebe!" Ang lakas ng pagkakatili niya.
"Sam, busy ako." Gagawin niya na naman akong model ng mga binibenta niyang sunglasses at mga relo. Tapos babayaran lang ako ng burger. Tinatapos ko na yung research paper ko due on next week at gumagawa din ako ng outline for Mew. Simple lang naisip kong topic para sa kanya kasi baka mahalata na hindi siya ang gumawa.
"Wait lang! Syet bebe. Wait hihinga lang ako." Halatang hingal na hingal siya sa pagtakbo mula sa kabilang dulo ng building hanggang dito.
"I saw him. I saw him. Syet I really saw him bebe. Paakyat siya dito with bouquet of flowers. Kyaaaaaaah." Kung pwede lang sungalngalin ang bunganga ng babaeng to.
"Sino ba yan?"
"Yung boyfriend mo." Natigilan ata ako sa sinabi ni Sam. This tactless brat. Ayaw ko lumingon sa likuran ko. Dahil sigurado ako narinig ng asawa ko yun.
"Boyfriend your face! Wala akong.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang lumitaw yung lalaking sinasabi niya sa harapan ko.
"Kana?"
"First?" Pakiramdam ko talaga nanlalambot ang tuhod ko sa kaba.
He is the main reason why I got married to Mew. Hindi pa siya nakikita ni Mew sa personal dahil lumipat si First ng third year highschool sa probinsya. Kinailangan kasi ng mga magulang niya na manatili doon para ma-manage ang mga business nila doon.
"Hindi mo ko nireplyan kanina. I texted you twice. Andito na ko nung nagtext ako sayo. By the way this is for you." Bakit kailangan niya pa banggitin yung tungkol sa text. Ngayon iisipin ni Mew na pinaglilihiman ko siya.
Inaabot niya sa akin ang bulaklak.
Nag-aalangan ako tanggapin dahil alam kong sobrang magseselos si Mew pero kasi mapapahiya si First. This guy is my bestfriend. Yun lang nahulog ako sa kanya dati. Sobra. Dati. Iba na ngayon,wala na kong ibang gugustuhin kundi asawa ko.
"Please?" Inaabot niya pa din sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at inabot ang bulaklak.
"Last na to ha?""Okay burgers naman next time." He still knows my favorite food. "I talked to your mom pala kanina, chineck ko kasi kung tama number mo eh. She asked me to to stay in your house for the meantime. Can I?
Hindi pa rin ako lumilingon kay Mew dahil alam na alam ko na kung gaano siya kagalit ngayon.
"Can't I, Kana?" Ulit niya pa.
Hinila ko muna siya sa labas ng classroom.
"First, you can't. May kasama ako sa bahay. Ayaw niyang may ibang tao. I'll help you book a hotel na lang. Ilang days ka ba dito?"
"Depende sayo. Sabihin mo lang I can stay na for good."
"That's funny, First. Hehehe." Pilit na tawa ko. "Mag-hotel ka na muna for the meantime."
"Thanks,my Kana." Pinisil niya ang dalawang pisngi ko. "Sige iikot muna ko sa school niyo , text ka pag out mo na ha? I'll wait."
Pagpasok ko hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Mew. Hindi ganito yung ineexpect ko na mangyayari. Salamat naman at hindi niya pinagselosan si First. Narinig ko yung malakas niyang tawa habang nakikipag lokohan sa barkada niya. Nakahinga ako ng maayos sa wakas.
Uwian na ng tinext ko si Mew na hindi ako sasabay. He replied "okay."
Palabas na ko ng classroom ng makita ko siya kasama mga alagad niya. Lalapit sana ako sa kanya para ibulong na sasamahan ko lang si First. Medyo malayo naman kasi distansya ng mga kaibigan niya.
"Ano tinitingin mo? May problema ka ba? Gusto mo kumalat utak mo dito sa harapan ko?" What the hell. Galit na galit tingin niya sa akin this time.
Unang tumawa ng malakas si Mean. "Oops,that was harsh."
Nanigas ako sa sinabi ni Mew,hindi dahil natakot ako sa kanya. Nasaktan ako. This is the first time na pinahiya niya ko simula ng naging kami.
"Kana! Let's go." Palapit na sa akin si First.
"I booked a dinner na." Hinila niya ko sa kamay at kinuha yung bag ko. I just let him. Nagulat lang talaga ako. I know that's his normal side but I never thought that he can treat me like this too.
"Okay, Let's go." Hinayaan ko lang siyang hilain ako palayo sa asawa ko.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE SWEETEST BULLY (Completed)
Roman d'amourMewGulf Fanfiction ~boyslove~ I am Gulf Kanawut and I am married to the the sweetest bully.