Gulf's POV
"Naligaw ata kayo?" Galit na tugon ni Mean sa dalawang kaharap namin.
"We're here to eat." Sagot ni Kao na bumitaw na sa kamay ko.
Nakatingin lang ako sa asawa ko. Gusto ko na tumayo at hilain siya para magpaliwanag. I grabbed my phone and tried messaging him to explain.
"Ang layo naman sa school niyo? Or andito kayo para makipagdate?" Ano bang problema nito, hindi ko alam bat ganito siya makapag-react. Gumagawa siya ng eksena.
"Eh ano naman sayo? Boyfriend mo ba to?" Nakangiting tanong ng nasa harapan ko.
Damn. Hindi ko na mabasa reaksyon ni Mew.
Bigla na lang hinila ni Mean ang kwelyo ni Kao.
"Mga classmates namin yan. Kung mambibiktima kayo, doon kayo sa school niyo." Sigaw niya.
"Stop it, Mean." Patayo na sana ako para umalis at hilain si Fluke pero nagsalita ang asawa.
"Let them Mean, it seems that our classmates are having fun. Don't ruin their lunch date."
Kalmado lang pagkakasabi ni Mew. Tumalikod siya paalis at sumunod din mga kaibigan niya.I'm doomed.
"Let's go,Fluke. You didn't told me we are meeting other guys." Kung sana ay hindi na lang ako sumama. Sana sa classroom na lang ako ulit nag lunch. Nakakainis.
"Stay, Gulf. Andito na tayo eh." Umupo ako ulit. I don't want to be impolite.
Tahimik lang ako habang busy silang nagkukuwentuhan. I am already composing my explanation for my husband.
I sent him chat messages pero puro seen.
Nang natapos kami mag-lunch ay hinihihingi pa ni Kao ang number ko. I admitted to him that I am in a relationship and I really don't give my number. Sana nagets niya na yun.
"I hate you,Fluke." Tawa pa din siya ng tawa. Sobrang kinikilig ang haliparot na to. Kanina habang kausap sila akala mo kung sinong mahinhin pero ngayon tili siya ng tili. Umabot pa yung kaharutan niya sa classroom kasi napapapadyak pa siya. Napatingin naman sila Mew. Tinulak ko nga ng mahina para madala pero muntik siya matumba.
"Gaad girl. Panira ka ng moment. In fairness, I am shipping KaoGulf na." Tili ni Fluke. Ang sarap i-uppercut ng lalaking ito.
Maya-maya pa ay ipinatawag kami ni Jake sa Dean's office.
Inutusan lang kami pumili ng representatives muse and escort para sa Department week.
Pati ba naman ito? Ako pa din? Nakapikon yung mga ganitong utos. Hindi naman related sa studies ko.
"Jake, on the board please." Utos ko sa kanya pagbalik namin ng classroom. "Guys, we are given a task to pick our representative for Mr and Miss Department. Now if you have someone in mind, voice it out. Let's do voting for the sake of fairness."
"Mew for the guy." Suggestion ng isang babae sa likuran.
"Jake, write Mew there." Utos ko sa kanya.
"Subukan mo isulat Jake babaon yung ulo mo diyan sa board."
Okay, mainit na naman ulo niya.
"Don't write it, Jake."
Hindi naman sa takot ako sa asawa ko. Ayaw ko lang makadagdag pa to sa inis niya."How about you, Phana?" I asked him directly. For me aside from my husband, Phana is the most good looking guy here. Let's skip Mean dahil badtrip talaga ako sa lalaking yun.
"No." Okay rejected again.
"Ikaw na lang,Gulf." See? Bwisit tong Mean na to.
"Sige pwede naman. Basta ikaw yung para sa Miss Dept."
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE SWEETEST BULLY (Completed)
RomanceMewGulf Fanfiction ~boyslove~ I am Gulf Kanawut and I am married to the the sweetest bully.