Mew's POV
Umorder lang kami ng hapunan para hindi na mapagod ang asawa ko. Ilang oras na din kami tumatagay habang yung asawa ako mukhang nag-eenjoy naman kasama si Fluke. Nakakatuwa lang panoorin na nakikihalubilo siya sa mga dating kaklase namin. Ang sarap tingnan na masaya si Gulf kahit mukhang palagi siyang nabubwisit kay Fluke.
Nakita ko siyang umahon at naglakad papunta sa akin kaya humugot ako ng tuwalya at sinalubong siya.
Madilim na kaya hindi na ako nag-aalala kung medyo manipis ang damit ni Gulf. Kanina pa siya nagrereklamo doon kasi siya lang daw ang mukhang tanga doon na nakasuot ng t-shirt.
"It's cold... Brrrrrr." Hinila niya ako doon sa lamesa kung saan kami umiinom. Inabutan siya ng tagay ni Mean na hindi niya naman tinanggihan.
"Gulf, can you hold your alcohol better now? I remember back in highschool days when you got drunk and you sang so loud that's how we find out that you have talent in singing." Sabi ni First sa kanya.
Alam kong wala namang sinabing masama si First pero heto ako naiinis na naman dahil hindi ko pa kilala si Gulf ng highschool at hindi ko alam na kumakanta si Gulf. Hindi ko rin siya nakita na sobrang lasing.
"I don't know. Matagal na akong hindi umiinom eh." Sagot nito kay First.
Halos nakailang shot na din si Gulf. Sinusubukan niyang sumabay sa amin.
Tinawag lang namin ang iba pa nang dumating yung pagkaing pinaluto namin.
"Magbihis ka muna, love." Utos ko sa asawa ko.
"I am tired, bihisan mo ako."
I was like what the fuck. The way he said it sounds flirty."Well, uhm... Ta-tara." T*ngina. Bakit ba kinabahan ako?
Inaasar na ako ng barkada ko dahil dito.
"Magbibihis lang ha? Balik agad dahil kakain pa." Nagtawanan sila sa sinabi ni Boom.
Tinaas ko lang gitnang daliri ko mismo sa harap ng mukha niya.
Inalalayan ko si Gulf sa kwarto.
"Love, lasing ka ba o sobrang inlove ka lang sakin kaya ka nagbblush?" Yun pa nga lang ininom niya pero sobrang pulang pula na mga pisngi niya. Ang sarap kagatin.
"Sobrang lasing na lang siguro." Nakuha niya pa tumawa.
"Ah ganun? Hindi ba pwedeng lasing sa sobrang pagmamahal sa akin?" Ganti ko sa kanya.
"Huwag ka na umasa." Tinaas niya ang dalawang kamay niya sa harapan ko. Hinubad ko ang damit niya para palitan siya.
"Shower ka muna, love. I think you need it." He glared at me. "I mean para mawala pagkalasing mo."
"Hindi ako lasing." Inagaw niya ang damit at siya na mismo ang nagbihis sa sarili niya. Bigla bigla niya na lang binaba yung short niya kaya napaiwas ako ng tingin.
"Virgin ka? Akala mo hindi mo pa to nakita ah." Lasing na nga talaga siya."Do you want to sleep, love?" Tanong ko sa kanya. Mukhang kailangan niya na talaga magpahinga.
"No. Magsswimming pa kami ni Boink."
"Boink is sleeping though."
"Eh di gisingin."
Palabas na siya ng kwarto ng bigla akong magpanic.
"Love, you are not wearing any shorts yet." I have never seen this Gulf's side. Noong magboyfriend kasi kami palagi lang siyang nag-aaral kaya wala siyang oras para uminom ng ganito. Kumuha ako ng bagong boxers at ng kanyang gray baggy pants at sinuot sa kanya.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE SWEETEST BULLY (Completed)
RomanceMewGulf Fanfiction ~boyslove~ I am Gulf Kanawut and I am married to the the sweetest bully.