Book 2 - Chapter 10

3.6K 186 23
                                    

Gulf's POV

Inunat ko ang aking mga binti at braso. Ang bigat ng pakiramdam ko. Nagising ako na parang binugbog sa sakit ng katawan. Tiningnan ko ang oras at ito ay halos alas kwatro na ng hapon. Nakalimutan ko kung anong oras ako nakatulog.

Nakita ko si Boink na natutulog sa sahig sa loob ng kwarto.

"Love." Sigaw ko mula sa loob. Sobrang inaantok pa din ako.
Nasaan kaya yun?

Sinubukan kong lumabas ng kwarto at wala din siya. Bumalik  muna ako at nagbihis para hanapin siya sa labas.

Naabutan kong nakatambay sila Mew sa lamesa sa labas. Wala na yung iba, natira na lang si Fluke, Boom, Phana at Mean.

"Love, hindi mo ba narinig? Kanina pa kita tinatawag."

Halos lahat sila nakatitig sa akin. Anong meron?

Pati si Mew kumukurap- kurap habang pinagmamasdan ako.

Nakita kong nakatakip ng bibig si Fluke. Bigla na lang siyang yumuko sa lamesa at dinig na dinig ko ang tawa niya. Halatang pigil pa siya sa lagay na yan pero iritang irita ako.

"Problema niyo?"

"Cyst!!! I cannot with you. I am now a fan." Pulang pula na siya kakatawa.

"Don't mind this mouse, love. Are you hungry?" Malambing na salubong sa akin ng asawa ko.

"Hindi pa naman. Masakit lang ang katawan ko." Sinabunutan ko muna si Fluke bago tumabi sa asawa ko.

"Cyst...I love you." Wika pa ni Fluke habang bukang buka ang tawa niya.

"Love oh, pinagtatawanan niya ko."
I feel awkward. May ginawa ba akong nakakatawa kagabi? Ang sarap sabunutan nito. Nag-iisip lang ako ng mga posibleng ginawa ko ng narinig ko din ang hagikgik ni Boom at Phaana habang si Mean ay nakangiti lang habang umiiling.

"Don't mind them love. Hindi ko sila papaluwasin ng buhay." Niyakap niya naman ako habang umaalog ang balikat niya sa pagtawa.

Nakakairita.

"I hate you all." Padabog akong tumayo at bumalik sa kwarto.

He really knows I hate being a laughing stock but instead of stopping them he is also annoying me by laughing at me too.

Ano ba ginawa ko? Bakit kailangan ako pagtawanan? Naiiyak na ako sa pagkapikon.

Hinugot ko ang mga gamit ni Mew sa kabinet at basta na lang pinasok ito sa maleta. Papalayasin kitang hayop ka!

Binuksan ko ang pintuan ng bahay at hinagis sa labas ang maleta. Sinilip ko muna sila pero nagtatawanan pa din sila. Hindi kayo titigil ah. Nakita ko namang napatayo si Mew nang nakita niya ang maleta.

Akala mo hindi ko tototohanin ang pagpapalayas sayo ha.

Kinandado ko ang pintuan sa sala at naghanda na lang ng makakain ko. Naririnig kong kumakatok si Mew. Ang saya saya mo kanina, magparty ka dyan sa labas...namukah!

Nagluto lang ako ng instant noodles. Sana maamoy mo tong paborito mo para magsisi ka sa ginawa mo sa akin.
Ang sakit na nga ng katawan ko, bubwisitin pa ko. Narinig ko naman na kumakatok na rin siya sa bintana ng kwarto. Umikot na siya sa labas ng bahay. Manigas ka, boy tigasin!

Lumagpas ang isang oras ay narinig ko ng kumakatok si Fluke. "Cyst, pabukas. I need to make palit na my shirt. It's kinda sticky na may katawan." Ang sarap hatawin minsan ng dos por dos nitong conyo na to.

Binuksan ko ang pinto. "Why you make katok namukang bwisit ka?" Gigil na bungad ko sa kanya. Akala niya ata siya lang kayang magmukang tanga. Nang nakita kong palapit si Mew ay hinila ko sa loob si Fluke at ni-lock ulit ang pinto. "Now spill. Why are you laughing? Did I make myself stupid last night?"
Nag-uumpisa na naman siyang matawa. "Magseseryoso ka o ifa-flush kita sa CR?"

MARRIED TO THE SWEETEST BULLY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon