Mew's POV
Nakatulog na si Gulf sa tagal ng videocall namin.
Narinig kong bumukas yung pintuan sa kwarto namin.
Fuck! Gulf is sleeping. Who would dare enter our room? I reminded him earlier to lock the room. Damn it.
"Earth, tulog na. Bukas mo na lang kausapin." Boses ni First yun. Hindi ako nagkakamali.
"Mukhang okay naman siya dito sa bahay niya First. Hindi ko alam kung gugustuhin niya sumama sa atin sa bahay." Boses ng pinsan niya.
"Think of it, inosente si Gulf. Nakita mo ba yung mga kaibigan niya na pumunta dito? Diba sabi mo may apat na pumunta dito. Sinasabi ko sayo hindi sila magandang impluwensya kay Gulf. He respects you, papayag yun kapag ikaw nagsabi."
"Let me try First. It would be fun to be in one house with my bestfriend and my cousin. Mababantayan ko din yung batang yun."
Narinig ko yung pagsara ng pinto.
Hayop na First to. Naalog ata utak niya ng pinanganak siya. Alam niya naman na may asawa si Gulf bakit niya pasasamahin sa bahay niya.
Naalala ko na naman yung photo album ni Gulf na nakatago sa cabinet namin. Ang dami nilang pictures ni First doon. Naiinis ako. Akala ko si Gulf lang nagkagusto sa kanya pero pati yung hinayupak din ata may gusto sa asawa ko.
Pumasok ako sa klase na mainit ang ulo.
Nakasalubong ko si First. Napakagandang umaga.
"I heard you last night. Fuck off, First. Kung ano man yung plano mo, sinasabi ko sayo papalpak ka lang. Ang peke mo!" Sabi ko sa kanya.
"First love never dies sabi nila. Feeling ko totoo. Ang saya kasi namin kagabi."
Sinungaling. Buong gabi kami magkausap ni Gulf."Talaga? Hindi mo kami masisira ng mga gawa gawang kwento mo. Magdamag kami nakavideo call, kawawa ka naman tanga."
" He'll be mine. I will let his mom know so he can find ways to separate you and I'll be the shoulder he can lean on. How about that Mew?"
"Try it. Let's see."
Akala mo kung sinong mabait na kaibigan sa asawa ko.
Ayaw ko muna kausapin si Gulf baka ano pa masabi ko.
Paano na lang kung tinabihan siya ni First matulog. Sinabi ko naman na mag-lock eh.
Buong araw kong hindi pinansin si Gulf. Naiinis ako sa kanya at baka ano naman masabi ko sa init ng ulo ko. I need to calm down first.
Tinawag ni First si Gulf sa classroom kaya mas lalo akong napikon. Kanina pa nakabantay sa akin ang mga kaibigan ko sa takot na baka ano gawin ko.
Ang tagal nila bumalik kaya inaya ko sila Mean mag milktea para magpalamig.
Kung sinusuwerte ka nga naman nakita ko pa sila na nagngingitian sa labas.
Hindi ko na mapigilan ang pakikipagtalo sa kanila. Bakit ba siya nagpapauto dito?
"You are being like that just because of a tagged post? Ang babaw mo."
"Why not ask that two-faced guy why I am being mad like this?" Utos ko kay Gulf. Magkaalaman na para hindi naman ako mukhang laging kontrabida.
"Love, what are you talking about? Nakakahiya kay, First. Let's talk, but not here." Hinawakan niya ang braso ko.
"Okay lang Gulf. Hindi ko din alam kung ano kasalanan ko." Ang sarap niya tadyakan sa mukha. Tangina lang talaga.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE SWEETEST BULLY (Completed)
RomanceMewGulf Fanfiction ~boyslove~ I am Gulf Kanawut and I am married to the the sweetest bully.