Simula
"Milli? Millicent, baby!" I heard Mommy shouting.
"Coming!" Ngumuso ako saka inalapag ang barbie na hawak ko. Nagtatakbo ako palabas ng kuwarto ko, saka nagpunta kay Mommy.
"Ayoko po n'yan, ayoko n'yan Mommy!" I said nang tangkang lalagyan niya nanaman ako ng mask.
"Hindi puwede, you need to wear it," Mommy said, saka ako hinila paupo sa may sofa sa tabi niya.
"Why?" I asked.
"Kasi nga po, para maging healthy lagi ang baby namin," she said saka pinisil ang pisngi ko.
"Why?" I asked again.
"Kapag healthy ka, hindi mo na kailangan mag stay sa hospital," sabi niya saka hinawi ang mga buhok na nakatakip sa mukha ko.
"Why?"
"Hindi ka mananalo diyan sa anak mo," Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses na 'yon.
"Daddy!" I said saka tumakbo palapit dito.
"Don't run, princess," suway ni Daddy sa'kin.
"Why?" I asked
"It's bad for your health," he said.
Ngumuso ako saka hinila ang suot na polo niya. "I'm healthy," I said saka umikot-ikot pinapakita ang kabuuan ko.
"Yes, you are...." sabi niya saka hinaplos ang ulo ko.
Ngumiti ako ng parang sa commercial ng colgate. "Thank you, daddy."
Inakay niya ako pabalik sa sofa, kung nasaan si Mommy. Naupo ako saka isinandal ang likod sa may sofa, dahil hindi ko masyadong maisandal ang sarili ay tumayo ako saka umupo sa may sandalan ng sofa. Ang mga paa ko ay sakto na sa may sofa, hindi nakalaylay ang mga ito dahil ko talaga siya maabot.
Nakanguso ako habang tutok ang mga mata sa TV, I'm watching Tom and Jerry. I love Jerry dahil katulad ko maliit din siya and I hate Tom because he's a bully!
"Sweetheart, come here," Mommy said.
Tumango ako habang nasa television pa din ang tingin. "Okay."
"Mommy?" tawag ko sa kaniya, busy siya habang nagkakalkal sa may closet ko.
"Why baby?" she asked.
"Where are we going?" I asked dahil nakaayos siya at hinahanapan niya ako ng maisusuot. Suot ko ang bathrobe habang nakaupo sa may bed ko. Inuuga ko ang magkabilang paa habang pinapanuod siya.
"We'll go to your Tita Veronica, because today is her birthday."
Ngumuso ako saka tumango sa sagot niya. Tita Veronica is her bestfriend, huminga ako ng malalim saka tumingala.
"Mommy?" I called her.
"Uhmmm?"
"Nandoon po si Yawi?" I asked.
Yawi is my bestfriend, anak siya ni Tita Veronica. Magkaklase din kaming dalawa kaya naman close kami. I don't care kung lalaki siya, mas gusto ko siyang kaibigan kaysa sa iba.
"Yes baby, nandoon siya."
Ngumiti ako dahil doon, atleast hindi ako mabobored. Hinawakan ko ang towel na nasa ulo ko saka 'yon inalis. Nangangawit ang leeg ko dahil mabigat 'yon.
"Mommy?" I called her again.
"Yes?" she asked.
Naglakad siya papalapit sa akin saka inilapag ang dalang mga damit sa tabi ko. Itinayo niya ako, nilagyan ng powder saka sinimulang bihisan.
YOU ARE READING
Promise to a Nighttime (Hide Series #2)
Lãng mạnStatus : Ongoing Posted : October 27, 2020 The moment Inoue Millicent met Tee Sebastian, agad niya ng inangkin ang binata. Naniniwala siyang ito'y para sa kaniya at siya ay para rito. Si Milli ay para kay Tee, si Tee ay para kay Milli. Pero paano ku...