Kabanata 1

44 9 0
                                    

Kabanata 1

"Attention, Students! please proceed to the auditorium for the announcement."

Sinakop ng mga reklamo ang buong room namin nang marinig ang boses sa announcement speaker. Itinabi ko ang plates na ginagawa saka, inayos ang mga gamit ko. Tamad na nagsilabasan ang mga kaklase ko, habang nag rereklamo. Kasalukuyan kasi kaming gumagawa ng mga plates, kaya ang lahat ay ayaw pa-istorbo.

Napasinghap ako nang mahulog ang pencil case ko, pinag-angatan ko ng tingin ang kaklase kong nakatabig no'n.

"Ooppps? Sorry?" she said, alam ko naman na hindi siya sincere pero tumango na lang ako.

"Pshh, loser," sabi niya pa saka hinawi ang buhok bago ako lagpasan.

Ngumuso ako saka hinipan ang bangs ko, yumuko ako upang pulutin ang pencil case ko nang may tumapak do'n. Sinubukan ko 'yong hilahin pero mas lalo niya lang diniinan ang pag tapak.

"U-uhh, 'yong pencil case ko." I said saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

Ngumiwi siya saka inalis ang pag tapak, pupulutin ko na sana 'yon nang sipain niya 'to palayo sa'kin.

Huminga ako nang malalim, saka tumayo at pinulot 'yon. Nang matapat ako sa kaniya ay pinagtaasan niya ako ng kilay. Yumuko ako saka iiwas na sana nang itulak niya ako sa balikat.

"Uhmm Jennif—"

"Eww! Puwede ba 'wag mo 'kong tawagin? Ayokong marinig ang pangalan ko diyan sa bibig mo! We're not close!" maarteng sabi niya saka paikot ng mata.

Nangunot ang noo ko. "Pero 'yon ang pangalan mo..."

Napuno ng mahihinang tawanan ang room namin, inosente kong tinignan ang mga kaklase ko. Hindi ko alam kung bakit sila natatawa, may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Oh my gosh! You're so boba!" sinabi niya 'yon habang pinapaikot ang buhok sa daliri niya.

"Hindi ako bobo," mabilis kong sagot.

"Bobo ka! Maarte ka pa—"

"Hindi ako maarte," pagtatama ko sa kaniya saka umiling.

"Ah talaga? Ang arte-arte mo, naiirita ako sa'yo kapag nakikita kita!..."

"Tama na yan!"

Natigilan kaming dalawa nang malakas na sumigaw ang president namin, si Vienna.

"Ms. Pabustan, baka nakakalimutan mo na anak ng Dean 'yang ginugulo mo?" masungit na sabi nito.

Ibinaba ang libro na hawak saka inayos ang eyeglasses. Pinagtaasan nito ng kilay si Jennifer saka ang iba pa naming mga kaklase.

"Kung sino man ang manggugulo kay Ms. Claveria, asahan niyo na sa Dean's office ang punta niyo! Naiintindihan niyo?" matigas na sabi nito.

Natahimik ang buong klase saka ako napayuko, kahit kailan hindi ko ginusto ang ganitong atensyon.

"Naiintindihan niyo ba?!" malakas na sigaw ni Vienna nang walang sumagot sa kaniya.

"Yes, president," they said in chorus

"Good, magsipunta na kayo sa auditorium!" utos nito na mabilis naming sinunod.

Bumuga ako ng hangin saka pinagpagan ang pencil case ko, nadumihan 'yon. Kinuha ko ang tissue sa may bag saka 'yon pinunasan. Sunod ang alcohol saka 'yon pinisikan.

"Kaya ka nasasabihang maarte, kasi lagi kang ganiyan."

Mabilis akong napalingon sa likod nang may magsalita, si Vienna. Kaming dalawa na lang pala ang natira sa room dahil nag si-alisan na ang iba.

Promise to a Nighttime (Hide Series #2)Where stories live. Discover now