Kabanata 6

30 9 0
                                    

Kabanata 6

"Please, please, Ma'am, May nangyari po kasi kahapon."

Hinabol-habol ko ang prof ko habang dala-dala ko ang pinapagawa niyang plates. Late akong magpapasa, late na rin akong pumasok ngayon para lang matapos ko 'to. Kaya naman sana ay tanggapin niya. Malaki ang magiging epekto nito sa grades ko kapag hindi niya tinanggap.

Huminto siya saka ako hinarap. "Look Miss Claveria, lahat ng kaklase mo nakapagpasa sa tamang oras, ikaw lang ang hindi, magiging unfair ako kung tatanggapin ko ang sa'yo."

Umiling-iling ako saka ibinaba ang mask ko. "Pero Ma'am, nabasa po kasi-"

"Ano ba namang klaseng palusot 'yan! Hindi mo ako makukuha sa ganiyang palusot, naku luma na 'yan!" ani niya saka nagsimula na ulit maglakad.

"Please, Ma'am, kahit minus 10 na lang po," pagmamakaawa ko.

"Millicent..." Humarap siya sa 'kin. "I don't know what's happening to you but I'm starting to dislike you. Lagi kang tulala sa klase ko tapos ngayon late ka na magpapasa ng project. You're one of our honor students. Don't lose it."

Inilahad niya ang kamay kaya naman mabilis kong ibinigay ang project ko. "Thank you, thank you Ma'am!" pasasalamat ko nang maglakad siya palayo.

Wala sa sarili akong naglakad sa hallway papunta sa building namin. Bumuga ako ng hangin saka hinipan ang bangs ko, kahit hindi ako sang-ayon sa minus points, wala din naman akong choice. Mas okay na 'yon kaysa hindi niya tanggapin ang project ko.

"Punyeta!" napaigtad ako nang may biglang sumulpot sa gilid ko saka umakbay sa'kin. Nahampas ko ang bibig ko, ngayon lang narealize ang nasabi ko.

"What did you say? Saan mo natutunan 'yon, huh?"

Inis kong nilingon si Yawi. "Wala 'yon, ba't ka ba nanggugulat! Balak mo yata akong patayin ng maaga?!"

Mahina siyang humalakhak. "Hindi naman, hindi pa naman ako ganoon kasama," habang naglalakad nilingon niya ang mukha ko. "So, anong ginagawa mo sa building namin?"

Natigilan ako, hindi alam ang sasabihin. Ayoko naman sabihin na may naglagay ng tubig sa locker ko, dahilan para mabasa ang mga gamit ko. Ayokong makaabot pa 'yun kay Daddy, siguro naman titigil na din sila kung sino man ang mga 'yon.

"Ah, wala naligaw lang ako," I answered.

Tumigil siya dahilan para mahinto din ako sa paglalakad. "Ha!" bumuga siya ng hangin saka hindi makapaniwala akong tinignan. "Ilang taon ka nang nag-aaral dito, ngayon ka pa naligaw?!"

Naitikom ko naman ang aking bibig, mukhang wrong move ako. Pero wala akong choice kundi panindigan ang rason ko. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "Oh bakit, bago ba maligaw kailangan pa nang requirements?"

"Ha, ewan ko sa'yo. Baliw ka!" usal niya.

Suminghap ako saka siya malakas na binatukan. "Ano kamo-"

"Dyan William! Bro!"

Nahinto ako saka nilingon ang tumatawag sa kaniya, naibaba ko ang kamay saka pasimpleng nagtago sa likod niya. Ang mga lalaking kaklase 'yon ni Yawi, kilala ko sila dahil madalas ko silang makita na kasama ni Yawi. Pero hindi ako kumportable sa kanila.

"Bakit, bro?" tanong ni Yawi sa mga ito.

Mabilis kong binalik ang mask ko saka umayos ng tayo, nang makita na papalapit sa amin ang mga kaibigan niya. Kinilabit ko si Yawi kaya tumingin siya sa akin.

"Una na 'ko," I whispered.

Nangunot ang noo. "Ha, bakit?"

Nilingon ko ang mga kaibigan niya na malapit na sa amin saka umiling. "Wala, sige na may klase pa ako!"

Promise to a Nighttime (Hide Series #2)Where stories live. Discover now