Kabanata 7

25 7 0
                                    

Kabanata 7

I looked at myself in the mirror, while brushing my long brown hair especially my bangs.

Saglit akong natigilan sa ayos ko, suot ang uniform na umikot ako upang tignan ang kabuuan ko. Gustong-gusto ko talaga ang uniform namin. Muli akong humarap sa salamin saka muling natigilan, inangat ko ang mga kamay sa reflection ko sa salamin, saktong tumama 'yon sa aking mga mata.

Kung dati ay gustong-gusto ko ang magkaiba nilang kulay, ngayon ay hindi na. Kabaligtaran ng mga kulay nila ang dala nila sa'kin, wala 'yong sigla puro na lang pangungutya at pait. I realized hindi pala masaya ang maging kakaiba.

Huminga ako ng malalim saka kinuha ang contact lens ko sa may side table, isa-isa ko 'yong kinuha at kinabit, nang matapos ay muli kong tinignan ang sarili.

"Hindi ka na monster," ani ko saka tipid na ngumiti.

"Milli? Come here! Hinihintay ka na ni Yawi!" Mommy said outside my room.

"Coming! Wait lang Mom!" Kunot ang noo kong sabi saka inayos ang mga ginamit ko, muli kong tinignan ang sarili sa salamin saka sinuot ang bag ko bago lumabas.

Sa staircase pa lang ay rinig ko na ang boses ni Yawi habang kausap sila Mommy, lito pa din ako, hindi alam kung bakit siya nandito.

"What's happening?" ani ko saka naupo sa may puwesto ko tuwing kakain, binalingan ko si Yawi na nasa kaliwa ko. "Bakit nandito ka?"

Nalukot ang mukha ko nang madrama siyang humawak sa dibdib saka tumingin sa parents ko. "Tita, ayaw po yata sa'kin ng anak niyo."

Napasinghap ako sa sinabi niya, pabiro ko siyang kinurot sa may bewang. "Anong kaartehan naman 'yan?"

"Tch," Inismidan niya lang ako saka tumingin at ngumiti kay Mommy. "Tita, ang sarap po ng food."

Gusto kong matawa sa kasipsipan niya, hindi naman si Mommy ang nagluto kaya masarap talaga ang food. Lihim na lang akong natawa nang makita ang ngiting-ngiting Mommy ko habang si Daddy naman ay gustong matawa, hindi lang magawa dahil takot siya kay Mommy.

"HOY, saan tayo pupunta, bakit dito ka dumaan?" I asked Yawi

May dala siyang sasakyan kaya naman hindi na ako nagpahatid pa sa driver namin, tinanggal ko ang mask na suot saka 'yon itinabi sa mini bag ko. Hinampas ko siya sa braso nang hindi siya sumagot. "Tinatanong kita."

"Tch, diyan lang, 'wag kang magulo," ani niya.

"Sira ka, may klase pa ako!" asik ko sa kaniya.

Saglit niya akong tinapunan ng tingin saka ibinalik ang tingin sa may kalsada. "Trust me," he said.

Wala na akong nagawa kundi mapasabunot na lang sa sarili, 'wag lang talaga kaming malelate sa klase dahil mayayari siya sa'kin. Hinayaan ko lang siyang mag drive habang ako ay tutok ang tingin sa daan, hindi ko siya kinakausap dahil inaantok pa ako. Kinuha ko ang phone niya saka 'yon iniconnect sa may speaker ng sasakyan niya.

Nagpatugtog ako saka pumikit, dinadama ang kanta. Umuugang sasakyan na para akong hinehele at malamyos na kanta na nagmumula sa speaker ang bumalot sa akin, hindi ko na namalayan na dinalaw na ako ng antok.

"Milli, wake up," ani ng boses sa tabi ko.

Humilamos ako sa mukha saka 'yon tinalikuran. "Five minutes more, Mom."

Umayos ako ng higa, hindi ako komportable sa puwesto ko kaya naman itinaas ko ang dalawang paa saka 'doon ipinatong ang ulo ko. Na-istorbo na ang tulog ko kaya naman pinipilit ko ulit na matulog, inaantok pa ako at ayoko pang bumangon.

Promise to a Nighttime (Hide Series #2)Where stories live. Discover now