Kabanata 10

25 3 1
                                    

Kabanata 10

"Is she okay?"

"Yes, bumaba na din ang lagnat niya. Buti na lang at hindi siya napaano, natatakot ako Lemuel, Sa tuwing gan'yan siya hindi ako mapakali, baka mamaya....."

"Shhhh, don't say that. Malakas ang prinsesa natin, baka nakakalimutan mo...."

Idinilat ko ang mga mata nang marinig ang bulungan sa gilid ko. Pagdilat ko ay nakita ko agad ang pamilyar na lugar, sigurado akong nasa kuwarto ko ako. Nilingon ko ang paligid at natigil sa dalawang tao na nakaupo sa may sofa.

"Mom, Dad...."

Napaigtad ang dalawa at agad na nagbaling ng tingin sa akin, hindi ko alam kung OA lang ba talaga ang Mommy ko o ano. Mabilis siyang lumapit sa akin saka ikinulong ang mukha ko sa kaniyang mga palad.

"I'm here, sweetheart. A-ano may masakit ba—"

Mahina akong natawa at hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko. "Mom, I'm fine."

"See, sabi ko naman sa'yo malakas ang prinsesa natin," napatingin ako kay Dad nang magsalita ito at lumapit sa amin.

Ngumiti ako saka binalingan si Mommy, "Si Millicent ang pinakamalakas, walang makakatalo!" pinasigla ko pa ang boses ko upang mawala ang pag-aalala ni Mommy.

Napailing ito saka hinawakan ang mga kamay ko. "Kayo talagang dalawa," she looked at me. "I know you're brave but....."

"Daddy oh!" I immediately cut her off

"Tch, get up sweetheart, hayaan natin d'yan ang Mommy mo na mag drama, ayan ang napapala niya sa kakanuod ng k-drama," ani ni Daddy saka napailing.

Natawa naman ako saka itinaas ang dalawang kamay habang nakahiga. "Daddy!" I called him.

"No way!" pagtanggi niya.

"Daddy!" I exclaimed.

"Princess, ilang taon ka na ba at magpapabuhat ka pa?" he asked.

I pouted. "Please, Dad? My handsome Daddy!" pang-uuto ko sa kaniya.

Si Mommy ay natatawa kahit naiinis pa rin sa sinabi ni Daddy na panay siya k-drama. Ilang minuto pa ang ginawa kong pamimilit kay Daddy bago siya napapayag.

"Awwiiiie!" tili ko nang buhatin niya ako sa likod. Yumakap ako sa leeg ni Daddy saka siya hinalikan sa pisngi.

"I love you, daddy," I whispered.

He smiled and immediately answered me. "I love you more, my princess."

Buhat-buhat niya ako na dinala sa may kusina, kung nasaan si Mommy. Nauna na itong bumaba dahil naiirita daw siya sa aming mag-ama, sus, kung hindi ko lang alam, nagseselos lang talaga siya!

Noong hapon na rin na 'yon ay hindi ako nagkamali, dahil pag-kauwi ko sa bahay ay talagang bumagsak ang katawan ko, lamig na lamig ako at hinang-hina. Hindi ko na nga alam na nakatulog na pala ako sa may sala dahil hindi ko na nagawang umakyat sa taas, nagising na lang ako nang madaling araw nang punasan ako ni Mommy.

Pero laking pasalamat ko pa din na weekend ngayon, kung hindi siguradong absent ako kahit na okay naman na 'ko, I'm sure na hindi ako papayagan ng parents ko.

"What's this?" I asked nang makita ang mga nakahain sa hapag.

Walang sumagot sa akin at basta na lang ako nilagyan ng pagkain ni Mommy sa plato ko. Nang makita na gulay 'yon ay napangiwi ako, inurong ko ang plato ko. "Ayoko po n'yan."

"Kainin mo, kailangan mo ng gulay at prutas para mas gumaling kana," Mommy said.

Napakagat ako sa labi nang makitang seryoso si Mommy, kapag ganiyan siya ay hindi ako maaaring hindi sumunod. Binalingan ko si Daddy nanghihingi ng tulong pero inilingan lang ako nito, sang-ayon din kay Mommy.

Promise to a Nighttime (Hide Series #2)Where stories live. Discover now