Kabanata 8
My watch made a loud sound. Naikuyom ko ang mga kamay na nakababa sa may lupa, habang ang isang kamay ay nakahawak sa dibdib ko. Damang-dama ko ang malakas na kalabog ng dibdib ko.
"Inoue," he called.
Iniangat niya ako kaya naman mula sa lupa ay napahawak ako sa braso niya, nag dugtong ang aming mga mata. Hindi ko alam kung nag iilusyon lang ba ako o ano, pero kitang-kita ko sa kaniya ang pag-aalala.
"A-are you okay? D-did your chest hurt? I..." utal na sabi niya.
Nag-aalala siya sa'kin!
Mukhang hindi nakatulong sa akin ang bagay na 'yon, imbis na kumalma ay mas lalong nag-ingay ang relos ko.
"Millicent!" Yawi called, kita ko sa gilid ng mga mata ang mabilis niyang kilos papalapit sa amin.
Lumapit siya sa amin saka ako hinawakan sa balikat. "Are you okay? Dadalhin kita sa clinic, Milli!" nagpapanic na ani nito.
Umiling ako saka pilit na ginalaw ang kamay ko upang pindutin ang relos ko, nang magawa 'yon ay humigpit ang kapit ko kay Tee, saka ako napapikit. "Wag na, kakalma ako,"
"Pero...."
Mukhang hindi siya kumbinsido, pero kaya ko talaga. Hindi ako puwedeng maging mahina sa lahat ng bagay, lalo na ngayon ayokong magkaroon ng dahilan si Tee upang hindi niya ako magustuhan.
"Yawi, kaya ko!" mariin ang pagkakasabi ko.
Rinig ko ang paghinga niya ng malalim, sumusuko. "Fine!" ani niya saka ako inilapit sa kaniya, dahilan para mapatingin ako kay Tee, nakikipagtitigan ito kay Yawi. Saka saglit na tumingin sa akin, bago mapunta sa kamay ko na nakahawak sa may braso niya. Sinundan ko 'yon ng tingin at gusto kong mahiya dahil nadumihan ko pala 'yon puro lupa ang kamay ko habang nakahawak sa white polo niya!
Agad ko 'yong tinanggal at wala pang ilang minuto ay agad din itong tumayo at umalis. Mukhang badtrip, siguro dahil sa'kin, nadumihan ko pa tuloy siya. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, sumubsob ako sa dibdib ni Yawi saka inalis lahat ng negative na naiisip ko habang pinapakalma ang sarili.
Slowly, I felt myself calming down. Nag-aya na ako kay Yawi na pumasok at okay na nanaman ako, natataranta pa din siyang inalalayan at hinatid ako papunta sa may building namin. Saglit siyang huminto sa may cafeteria upang kumuha ng tubig saka 'yon ibinigay sa'kin. Nakita ko pa doon si Tee pero mukhang hindi niya ako nakita.
"YAWI, okay na nga ako.... papasok na ako, pumasok ka na rin, ha?" pagtulak ko sa kaniya.
"Are you sure?" he asked.
I nodded and smiled. "Kaya ko, ako yata si Millicent!" pagbibiro ko.
"Sira, basta 'yong gamot mo, inumin mo, okay?" ani niya.
"Yes, master!" I said saka kinuha ang bag ko na hawak niya.
Ilang minuto pa kaming nagkulitan dahil ayaw talaga niyang umalis, gusto niya pang makisit-in dahil kilala naman daw niya ang prof ko. Pero syempre hindi ako pumayag, alam kong may kailangan din siyang gawin. Saka lang siya sumuko nang bantaan ko siya, sakto pagtalikod niya sa akin ay ang pagdating ng prof namin.
Kinuha ko ang tissue at hand sanitizer ko sa may bag saka 'yon ipinunas at inapply sa kamay ko. Naaamoy ko pa kasi ang lupa doon kahit na galing nanaman ako sa restroom para maglinis ng nadumihan sa'kin saka sinuot ang mask.
Nang matapos ay saka ko kinuha ang pen at binder ko, nag tetake down notes ako habang nakikinig sa prof namin na nagtuturo ng History of Archi. Hindi ko alam kung ilang libro ba 'yang history-history na 'yan dahil nang first year kami ay nagtuturo na din ng ganiyan.
YOU ARE READING
Promise to a Nighttime (Hide Series #2)
RomanceStatus : Ongoing Posted : October 27, 2020 The moment Inoue Millicent met Tee Sebastian, agad niya ng inangkin ang binata. Naniniwala siyang ito'y para sa kaniya at siya ay para rito. Si Milli ay para kay Tee, si Tee ay para kay Milli. Pero paano ku...