Kabanata 4
The first week flew fast. I usually spend my time in the library para mag-aral. Minsan kasama ko si Yawi, pero dahil busy din siya, madalas na ako lang mag-isa.
"Millicent, sama ka samin?"
Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko dahil katatapos lang ng klase namin kay Miss Jimenez at lunch break na, may isa pa kaming klase mamaya kaya naman hindi pa kami maaaring umuwi.
"A-ah..." tatanggi na sana ako nang biglang may sumulpot sa tabi ni Almira.
Transferee siya mula sa kabilang school, isang linggo pa lang ang nakakaraan ng pumasok siya dito. Pero masasabi kong okay naman siya, hindi masama ang ugali niya katulad ng iba.
"Girl, 'wag na. Tayo na lang!"
Lihim na lang akong napanguso ng lumapit sa kaniya si Jennifer, hindi rin naman pansin dahil naka mask ako. Hinawakan niya sa braso si Almira saka 'yon hinila, naguguluhang nagsalitan ng tingin sa aming dalawa ni Jennifer si Almira.
"Huh? Bakit..." litong tanong nito saka pilit na inaalis ang pagkakahawak ni Jennifer sa kaniya.
"Basta, tara na." saka niya hinila ito, saglit pa akong tinignan ni Almira na hindi ko na lamang pinansin pa.Napabuntong hininga na lang ako saka nagtuloy sa pag-aayos ng gamit ko.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin, natatakot na ako magtiwala sa iba. Ngayon ko lang nalaman na sobrang nakakatakot maghanap ng kaibigan. Hindi mo alam kung sino ang seryoso, at kung sino ang pagtitripan ka lang.
Simula nang araw na 'yon, saka ko naramdaman ang pagbabago sa sarili ko. Kung dati ay madalas pa akong nakikisama sa iba ngayon hindi na. Mas masaya maging mag-isa, hindi nakakatakot. Higit sa lahat iwas dissapointment.
"MISS INOUE, pinapagising na po kayo ng Daddy niyo. He needs you in ten minutes," rinig kong ani ng secretary ni Daddy sa may labas ng room ko.
"Copy!" sigaw ko saka marahas na hinila ang kumot na nagtatakip sa mukha ko.
Ginawa ko ang morning routine ko saka nagsuot ng uniform bago bumaba, sa staircase pa lang ay rinig ko na ang kalansing ng mga utensils na nanggagaling sa dining area. Nang makababa sa hagdan ay muli kong inayos ang sarili saka marahan at patalon-talon na naglakad papunta sa may dining.
"Booo!" Gulat ko sa kanila habang nakasilip sa may pintuan ng kusina, humagihik pa ako nang makita ang muntikan ng pagkasamid ni Daddy habang umiinom ng coffee.
"Jesus!"
Tumawa ako saka tuluyan ng pumasok sa kusina, bumeso ako kay Mommy na ngayon ay tatawa-tawa. Bumaling ako kay Daddy na ngayon ay masamang tingin ang ibinibigay sa'kin.
"Saan mo natutunan 'yang mga kalokohan na 'yan, ha?" masungit na tanong nito.
Hindi ako nagpadala sa pagsusungit nito saka humalik sa pisngi nito bago sumagot. "Sa school!"
"Are you sure? Ganiyan ba ang itinuturo sa college?"
Humablot ako ng tissue saka kinuha ang utensils habang pinupunasan 'yon ay tumingin ako kay Daddy saka tumatango-tango.
"Opo, tinuturuan din po kami kung paano mag color-color saka po mag drawing ng people—"
"Inoue Millicent!"
Napaigtad ako sa biglaang pagsigaw ni Daddy, ibinaba niya ang kutsara't tinidor na hawak saka ako mariin na tinignan habang si Mommy naman ay natatawa lang sa gilid, ang kj naman kasi ng Daddy ko.
Ngumiti ako saka nag peace sign. "Daddy charot lang 'yon!"
Nalukot ang mukha niya saka hinilot ang sentido. "Charot, hindi ba't carrot 'yon?"
YOU ARE READING
Promise to a Nighttime (Hide Series #2)
RomanceStatus : Ongoing Posted : October 27, 2020 The moment Inoue Millicent met Tee Sebastian, agad niya ng inangkin ang binata. Naniniwala siyang ito'y para sa kaniya at siya ay para rito. Si Milli ay para kay Tee, si Tee ay para kay Milli. Pero paano ku...