Kabanata 9
"Grabe talaga! May pagsundo pa, akala ko puro aral lang ang president natin, tapos may lovelife pala?!"
Bungad sa akin ang issue na 'yon nang makaupo ako sa may seat ko, may ten minutes pa bago mag simula ang klase. Hindi ko alam kung broken hearted o nag iinarte lang talaga ako, masama ang pakiramdam ko simula nang paggising ko nang umaga.
Tapos sumabay pa 'to, ano naman kung sinundo siya, uso naman 'yon magkakaibigan! Parehas silang matalino kaya naman baka nagkasundo na maging friends silang dalawa, ganoon lang 'yon.....
"Ano ka ba, hindi naman maitatanggi sa mukha na may laban. Hindi na nakakapagtaka 'no, bagay kaya sila!"
Malayo!
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
Nangalumbaba ako sa may desk ko saka pinaglaruan ang pen na hawak ko, ibinaba ko ang mask ko saka pinalipad ang bangs ko. Wala akong magawa, naiinip ako pero tinatamad ako, hindi ko alam kung normal pa ba 'to.
Ilang saglit pa ay dumating na ang prof na hinihintay ng lahat, nagsimula ang klase namin sa History of Archi, nakasanayan na yata namin na tumulala sa klase na 'to. Ayos 'yan sabay-sabay kaming babagsak.
Umihip ang malakas na hangin, bigla ay napayakap ako sa sarili ko. Sa umaga kasi ay nakabukas lahat ng bintana for fresh air, kapag may araw na doon lang binubuksan ang aircon.
Kinuha ko ang bag ko sa may likod ko saka kinuha ang cardigan ko, long sleeve naman ang uniform namin pero hindi pa rin 'yon sapat para mainitan ako. Nang matapos ay muli na akong nakinig sa may prof namin, nakasanayan ko na talagang mag take down notes sa klase na 'to.
Sa kalagitnaan ng klase ay nabaling ako ng tingin kay Vienna nang tawagin siya ng prof para sumagot, siyempre pinuri siya nito dahil tama nanaman ang sagot niya.
Bumuga ko ng hangin saka ibinaba ang pen na hawak ko, nangalumbaba ako saka tumitig lang sa kaniya. Matalino siya, mayaman, maganda kahit na hindi siya palaayos. Pero hindi rin naman ako palaayos ah! Powder at tint lang ang ginagamit ko.
Umawang ang bibig ko nang lumingon siya sa likod, tumingin siya sa akin kaya naman mas napagmasdan ko ang mukha niya. Pointed nose, brown eyes and kissable lips. Maliit ang mukha niya hindi katulad ko na mataba, kahit anong gawin ko kasi na massage sa cheeks ko ay hindi 'yon lumiliit.
"Miss Claveria!"
Napaigtad naman ako nang marinig ang boses ng prof namin, nagugulat na napaayos ako nang upo.
"Kanina pa kita tinatawag, you're not listening!" sermon nito lumabi ako nang marinig ang tawanan ng mga kaklase ko.
Mula sa pagkakayuko ay sinilip ko si Vienna, nakatingin pa rin siya sa akin. Kaya pala siya nakatingin dahil tinatawag na ako ng prof namin, pero heto ako sinusuri pa ang mukha niya.
"A-ah Ma'am, sorry po," paumanhin ko.
Pasimple akong nag-angat ng tingin dito, sinalubong ako ng masungit na mukha nito, inilingan lang niya ako na parang dissapointed sa akin. Nagsimula na ulit ang klase na hiyang-hiya ako, ngayon lang ako napagalitan ng prof naming 'to, kaya suguro siya ganiyan kadissapointed.
Ngumuso ako saka nakinig na lang pero paminsan-minsan ay nililingon ko pa din si Vienna, hindi ko alam kung bakit. Basta nang makita ko na close siya kay Tee ay parang naging interesado na ako sa kaniya, bawat galaw niya ay pinapanuod ko. Talaga nga namang napaka girlfriend material niya.
Pero sana naman magkaibigan lang sila, walang-wala ako sa kaniya kung sakali man. Hayss sana lang talaga.
Natapos ang klase na wala ako sa sarili, humikab ako pagkalabas ko nang room namin, matapos 'yon ay inayos ko na ang mask na suot. Wala akong gana kumain kaya naman sa field na lang ako tatambay. Ayoko sa library dahil siguradong aantukin lang ako roon.
YOU ARE READING
Promise to a Nighttime (Hide Series #2)
RomanceStatus : Ongoing Posted : October 27, 2020 The moment Inoue Millicent met Tee Sebastian, agad niya ng inangkin ang binata. Naniniwala siyang ito'y para sa kaniya at siya ay para rito. Si Milli ay para kay Tee, si Tee ay para kay Milli. Pero paano ku...