Kabanata 5

27 8 0
                                    

Kabanata 5

Our last prof didn't show up today. Kaya naman sobrang gulo sa buong room namin, halo-halo. May nag po-phone, nag dadaldalan at mayroong gumagawa ng plates. Bigla ko tuloy naalala ang plates ko, hindi ko pa pala 'yon natatapos!

Mabilis akong tumayo saka kinuha ang mga gamit ko, inunahan ko ng lumabas ang mga kaklase ko. Sa likod ulit ako dumaan, saka dumiretso sa may locker area. Pagkarating ay ipinatong ko ang mga libro ko sa may locker ko saka 'yon binuksan.

"Oh my god!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may mahulog na kung ano mula sa loob ng locker ko. Mula sa paa ko ay naramdaman ko ang tubig, pinag-angatan ko ng tingin ang loob ng locker ko saka ako nanghihinang napaatras.

"N-no..." Mabilis ang kilos ko na kinuha ang lahat ng gamit ko sa loob no'n. "Bakit may tubig..." usal ko saka isa-isa 'yong pinunasan gamit ang panyo ko.

Gusto kong maiyak nang makita, na halos lahat ng gamit ko ay nabasa. Mariin akong napapikit bago binuksan ang folder ko, gusto kong maiyak nang makita na pati ang plates ko ay basa na rin. Kumupas ang kulay no'n at lukot-lukot.

"W-wala na..." naiiyak kong sabi saka 'yon marahan na pinagpagan, na para bang sa ginagawa kong 'yon ay magiging ayos ang itsura no'n. Inalis ko ang mask ko dahil bumibigat ang pakiramdam ko.

Pigil ang sarili ko na umiyak na nilingon ko ang paligid. Lahat ng nasa may locker area ay nakatingin sa akin, may ibang naaawa at may ibang natatawa pa. Nagbaba ako ng tingin saka mabilis na kinuha ang mga gamit kong basa. Umalis ako don habang nakayuko, hindi pinapansin ang bulungan ng mga nakakasalubong.

Nang makalagpas sa hallway ay nanghihina akong napaupo sa may bench na nasa gilid. Inilibot ko ang tingin sa paligid saka ko nilapag ang aking mga gamit. Pasimple kong pinawi ang luha ko saka 'yon iniisa-isang tignan.

Hindi naman mahalaga ang iba, ang iniisip ko ang plates kong basang-basa at kung minamalas nga naman. Bukas na ang deadline no'n kay Miss Jimenez.

"Paano na ngayon," usal ko sa sarili saka nanghihinang sinandal ang ulo sa may pader.

Umihip ng malakas ang hangin kaya naman napapikit ako, dinadama 'yon. Saka ko lang naalala ang gamit ko sa may gilid, tinignan ko 'yon at nanlaki ang mga mata ko nang hindi na makita doon ang plates ko.

"What the...." marahan akong napatayo nang makita ang plates ko na ngayon ay tinatangay na ng hangin. Naglakad ako saka 'yon sinundan, parang nakakaloko ang hangin dahil sa tuwing pupulutin ko 'yon ay nililipad. Papunta na sa may field ang plates ko, maraming tao doon. Dahil sa takot na matapakan at lalong masira ay mabilis akong naglakad saka 'yon hinabol.

Nalaglag 'yon sa may damo kaya naman napangiti ako saka lumuhod upang pulutin ko 'yon. "Buti naman ayos ka lang," pagkausap ko dito saka 'yon pinagpagan.

Hindi pa ako nakakatayo nang may biglang sumulpot na mga paa sa harapan ko, tiningala ko 'yon pero halos masilaw lang ako sa araw at hindi ko sila mamukhaan. Yumuko ulit ako saka umayos na ng tayo.

"Oh! Si Millicent pala 'to e!"

Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang pangalan ko, saka mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang mga nasa harap ko. Ang buong team ni Tee!

"Hello! Tee," bati ko dito saka siya nginitian.

"What are you doing?" masungit na tanong nito saka ako hinagod ng tingin.

"Huh?" hindi agad ako nakasagot.

"Ano daw ang ginagawa mo, sabi ni Capt-" Hindi na natuloy ni Leo ang sasabihin nang bigla na lang siyang batukan ni Sean.

Promise to a Nighttime (Hide Series #2)Where stories live. Discover now