Kabanata 2
Hindi ko pinansin ang kit ko na nahulog, inilibot ko ang paningin. Hinahanap ang lalaking kanina ko pang gustong makita, hindi nga ako nagkakamali dahil nandito siya, pumasok siya!
Mula sa entrance door, ay nakatayo doon si Tee, naka basketball outfit na ito habang medyo basa pa ang buhok. Nakasakbit ang isang strap ng bag niya sa isang balikat, mukhang kagigising lang nito.
"Coach naman?" salubong ang kilay na sabi nito. "Kulang ang tulog ko, eh."
Hindi pinansin ni coach ang reklamo niya, pinagtaasan lang siya nito ng kilay saka tinalikuran. Wala na itong nagawa kun'di sundin na lang ang inutos nito. Lumapit si Tee sa isang bench saka doon nilagay ang kaniyang mga gamit, kinuha nito ang isang towel mula sa bag niya saka saglit 'yong ipinunas sa basang buhok.
Napangiti ako nang magtama ang paningin naming dalawa, nag salubong ang mga kilay niya saka ako inilingan. Ngumuso ako saka muling umupo nang sinimulan niya ang pag la-laps.
Nanunuod lang ako sa kaniya nang biglang tumunog ang alarm ko, kinalkal ko ang mini bag na dala habang nasa kaniya pa din ang tingin, nalukot ang mukha ko nang hindi makapa ang hinahanap. Saka lang nag sink in sa'kin ang nangyari.
"Oh my!" singhap ko saka mabilis na pinulot ang kit ko, patuloy sa pag-iingay ang alarm ko at nasisiguro kong nakakakuha na ako ng atensyon.
"Tulungan na kita."
Nag-angat ako ng tingin at mabilis na tumango nang makilala 'yon. Nagtulong kami sa pagpupulot ng mga gamot ko, maraming nadumihan at nasayang pero buti na lang at may natira pa sa loob ng kit. 'Yon na lang ang iinumin ko, saka ko na lang papalitan ng bago ang mga nasayang.
"K, salamat!" ginulo niya ang buhok ko bago ako talikuran, mukhang kararating niya lang din. Magkaibigan nga talaga silang dalawa!
Nang mawala siya ay nag pisik ako ng alcohol sa kamay saka binuksan ang kit, napanguso ako nang makita na ilang piraso na lang ang natira. Siguradong lagot nanaman ako nito, kinuha ko ang isang tablet ng gamot saka 'yon ininom, thirty minutes pa ang susunod ko na inom ng gamot kaya naman itinabi ko muna 'yon.
Muli kong pinanuod ang practice ng basketball, patingin-tingin ako sa may relos ko upang makita ang oras, kailangan ko pa kasing bumalik sa room at may susunod pa akong klase. Nang mag tawag ng water break si coach ay mabilis kong inayos ang sarili saka lumapit sa bench nila Tee.
"Tee! Hello!" masayang sabi ko saka yumakap sa kaniya, nakaupo siya kaya naman madali ko 'yong nagawa.
Napuno ng tuksuhan at sigawan ang buong basketball court, hindi na ako bago sa kanila dahil madalas akong manuod ng practice nila basta nandoon si Tee!
"Ayun oh! Sana all, captain!"
Ilang na natawa na lang ako sa mga tukso ng ka-team niya. "Tch, alis."
"Huh? bakit?" tanong ko nang puwersahan niyang inialis ang pagkaka-akbay ko sa kaniya.
"Mainit," sagot niya saka bigla na lang tumayo, natahimik ang buong court pagkaalis niya. Feeling ko tuloy ay ang awkward, pero hindi ako magpapapigil dahil lang doon! Inayos ko ang buhok ko saka inipit 'yon sa magkabila kong tainga.
"Teka lang naman, Tee!" sigaw ko sabay habol sa kaniya.
Pumasok siya sa may locker room kaya naman doon din ako nagpunta, dahan-dahan ang ginawa kong pagpasok dahil baka mamaya ay naka bold siya, hindi pa kami puwede sa ganoong bagay!
"Tee?" mahinang tawag ko habang nakasandal sa may pader, walang sumagot kaya naman dahan-dahan akong sumilip sa loob.
"Ay wala?" nangunot ang noo ko nang hindi siya roon makita, lumabas na ako sa pinagtataguan ko saka marahan pa ring naglakad.
YOU ARE READING
Promise to a Nighttime (Hide Series #2)
RomanceStatus : Ongoing Posted : October 27, 2020 The moment Inoue Millicent met Tee Sebastian, agad niya ng inangkin ang binata. Naniniwala siyang ito'y para sa kaniya at siya ay para rito. Si Milli ay para kay Tee, si Tee ay para kay Milli. Pero paano ku...