Kabanata 3

25 8 0
                                    

Kabanata 3

Nakapalumbaba ako habang nakikinig kay Miss Jimenez, walang pumapasok sa isip ko, lutang ako sa mga oras na 'to. Kaya wala akong choice kundi mag self study sa bahay mamaya, hindi pa rin maalis sa utak ko ang nangyari noong isang araw. Nakakahiya talaga ang pangyayaring 'yon, ganoon ba ako ka-ignorante para hindi agad ma-gets na ganoon ang maaari nilang ginagawa? Pero kasi naman, sino ba naman kasi ang makakaisip non, nasa university kami tapos may ganoon!

"Miss Claveria!" Nagulat ako nang mangibabaw ang tinig ni Miss Jimenez .
"I've been calling you for three times now!"

Ibinaba ko ang mask na suot saka nagkagat labi. "U-uh Yes, Miss?"

Sobrang kahihiyan ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon. Buti na lang at nakapag advance study ako at alam ko ang tamang sagot, kundi ay talagang bibinggo ako kay Miss Jimenez. Kahit lutang ay pinilit ko pa rin na ibigay ang atensyon ko sa nagtuturo, ayoko na ulit maspecial mention, nakakakaba 'yon masyado.

Matapos ang klase kay Miss Jimenez ay agad ng nagsilayasan ang mga kaklase ko. Last sub na kasi namin, ang iba ay nag paiwan dahil hindi pa tapos sa plates. Ako naman ay tapos na pero kailangan ko pang lagyan ng cover para iwas disgrasya, halos ilang linggo ko rin 'tong pinaghirapan, kaya kailangan ingatan.

"Millicent, tara!" Nag-angat ako ng tingin noong may tumawag sa'kin, hindi ako agad nakasagot nang makita kung sino 'yon.

"Tara na, mag kaclub kami sama ka?" Lumapit pa sa akin si Jennifer saka hinawakan ang ilang hibla ng buhok ko. "Join us! Malay mo 'eto na 'yong way para maging kaibigan ka namin?"

Hindi ko alam ang sasabihin at isasagot, basta na lang ako tumango, hindi na inalam ang puwedeng mangyari. Gusto ko rin naman magkaroon ng kaibigan bukod kay Yawi, gusto kong maging normal na students kagaya nila.

"Good, let's go!" siya na ang kumuha ng bag ko saka niya isinakbit ang kamay sa braso ko, pinagitnaan nila akong magkakaibigan.

Lahat ng madaanan namin ay napapatingin sa amin, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil weird, 'eto ang first time na may kasama akong mga kaibigan. Habang nasa hallway ay diretso lang ang lakas namin, nagtatawanan sila habang nag kukuwentuhan, hindi ako makarelate kaya naman tumahimik na lang ako.

Habang naglalakad ay agad akong kinabahan nang makita na makakasalubong namin si Yawi. Building ng Architecture 'to kaya nasisiguro kong ako ang balak niyang puntahan, bawat maraanan niya ay napapatingin sa kaniya minsan pa nga ay tinatawag pa siya.

Nang malapit na kami sa isa't isa ay pasimple akong yumuko, sinisiguradong hindi niya makikita. Nakahinga lang ako ng maluwag nang malagpasan namin siya.

"What's wrong, Millicent?" kinakabahang nilingon ko si Jennifer saka hilaw na ngumiti. "Ahm a-ano wala naman...."

"Gosh! Akala ko naman kung ano, payuko-yuko ka pa kasi! Arte nanaman no?" tanong niya.

Natigilan ako sa tanong niya, hindi makuha kung isang biro ba 'yon o ano. "Huh?" naitanong ko na lamang.

"Aish, nevermind, bilisan mo na lang maglakad," sagot niya saka humiwalay sa akin, ganoon din ang mga kaibigan niya.

Pagkalabas ng University ay silang tatlo na lang ang magkakatabi, habang ako ay nasa likod nila. Bumuntong hininga na lang ako habang nakikisabay sa kanila papunta sa parking lot. Siguro makikisabay na lang ako sa kanila, hindi kasi ako pinapayagan nila Mommy na mag drive kaya naman may drived pa ako na susunod at maghahatid.

"A-ah teka.." pigil ko sa kanila nang tangkang sasakay na sila.

"Why? Bilisan mo na, sayang ang oras." sagot ni Jennifer saka sinenyasan ang dalawa na sumakay na sa kotse niya.

Promise to a Nighttime (Hide Series #2)Where stories live. Discover now