Part 3

26 2 0
                                    

Kinabukasan...

Day 3 of 'Escape getaway'

Kahit pa maingay noong gabi ay nakatulog pa rin si Calvin dahil na rin sa kalasingan. Hindi niya mawari amg oras kung kaya't lumabas na siya ng kwarto at bumaba.

Tumambad sa kanya ang napakagulong lugar nila. Naroon sa tila sala ang ibang babae at natutulog na katabi si Oscar. Pagdungaw naman niya sa labas ay hinanap ng paningin niya si Dion. Lumabas siya ngunit wala ito roon, tanging yung dj lang at ibang babaeng naroon na halos nasa sahig na natutulog.

Pumanik naman siya sa kwarto ni Dion at tama nga ang hinala niya. Nasa kama ito at may katabing ilang babae sa kama.

Hindi na niya nilapitan ang mga ito at hinanap nalang niya sa sahig ang shorts ni Dion.

Ilang sandali pa ay may naririnig siyang tumutunog. Alam niyang phone niya ito kaya hinanap niya itong mabuti.

Nagmumula ang tunog sa ilalim ng kama kung kaya't dumapa siya roon at dinungaw ito. Nakita niya roon ang pantalon ni Dion at mukhang naroon nga ang phone na tumutunog.

Nadukot niya ito at nakitang ang mama niya ang tumatawag.

"Hello mom?" pagsagot niya kaagad at nagmamadaling lumabas ng kwarto. "What's wrong mom?"

Sa kabilang banda...

"Magiingat ka palagi, Cars ah? Kapag nagkaproblema ka, kahit ano, kahit nasaan ka pa, pupuntahan kita." pagmamaktol pa ni Aki habang nakayakap kay Carly. Narito na sila sa airport dahil pabalik na ng Maynila si Aki, at didiretsong Surigao naman si Carly.

"Wag ka ng magalala, Aks. A-update naman kita. Basta alam mo na ang gagawin ah? Nakatawag ka na nga kina mommy kanina na nawawala na ako. For sure, magpapadala na ng mga tao nila dito yun para mahanap ako."

"Oo, they're seems so worried on what I've said to them. Feeling ko makakalbo ako pagbaba ko ng eroplano sa NAIA. Hays.."

Natawa naman si Carly at humiwalay na sa pagkakayakapan nila.

"Naka-off ang phone ko ngayon, but once I landed on Surigao, iti-text kita ha? Don't worry." panigurado naman nito sa kaibigan.

"Okay. Good luck talaga sa journey mo. Magiingat ka ha?"

At sa huling sandali ay nagyakapan ulit sila bago pa maghiwalay ng landas.

Totoong kaninang umaga ay nagpanggap na si Aki na nawawala na si Carly sa hotel room nila na walang pasabi sa kanya ngunit dala nito ang lahat ng bagahe niya. Totoong napagtanto ni Helena na baka tumakas na si Carly dahil sa ayaw nito magpakasal. Halos mahimatay ito ngunit nakuha ni Thomas ang phone at ito na ang nakausap ni Aki. Nagi-guilty man, pinanindigan nito ang pakiusap ng kaibigan sa kanya. Kaya ngayo'y pabalik na siya ng Maynila dahil ang alam na ng lahat ay nawawala na si Carly.

I'm so sorry mommy, daddy. But I cannot marry Calvin yet. He's quite a good man, pero hindi pa talaga ako handa. Soon, you'll understand me.

Sa isip isip na lamang ni Carly habang nakatanaw sa bintana ng eroplano. Naalala niya rin na ano kayang iisipin ni Calvin kapag nalamang nawawala na siya? Magaalala kaya ito sa kanya?

"Hindi yun magaalala sayo. Ni hindi ka na nga nireplyan kahapon. Does mean wala siyang paki kung nasaan ka man!" medyo inis nitong bulong sa sarili at napansin niyang parang narinig siya ng matandang babae na katabi niya kaya nanahimik siyang muli at dumungaw na ulit sa bintana.

Sa kabilang banda...

"Mom? Would you please calm down? Wala akong naiintindihan." mahinahong saad naman ni Calvin sa ina niya habang kausap sa phone. Lumabas pa siya sa may pool area para makasagap ng mas malakas na signal.

Accidental Escape (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon