Part 16

30 1 0
                                    

"Argh.. Ang sakit.."

Reklamo kaagad ni Carly ng maalimpungatan. Napasapo niya ang kaliwang bahagi ng ulo at inalis din kaagad ang kamay niya dahil masakit ito. Tila nabukulan yata siya doon at naalala niya ang nangyari sa kanya.

Pero napadilat siya ng tuluyan dahil ang pagkakaalam niya ay nasa kitchenette siya noong nauntog siya sa pader ngunit ngayon ay nakahiga na siya sa kamang natutupi sa bangka.

Tuluyan siyang bumangon at napalibot ng tingin, halos mapalundag siya sa kinahihigaan ng makita si Calvin na nakaupo at sandal sa pader. Tanging boxer shorts lang ang suot nito at ang tuwalyang nakabalot sa balikat niya. Tila nakatulog ito roon.

Dahan-dahan siyang tumayo ngunit nakaramdam pa rin ng sakit ng ulo. Ramdam niya ang malakas na pag-uga ng bangka ngayon kaya sinilip niya sa bintana sa tabi ito at nakitang malakas nga ang ulan sa karagatan.

Sinubukan niyang magkondisyon para makatayo ngunit nahihilo pa rin siya dahil na rin sa nangyaring paguntog niya sa pader at nainom na alak. Dahan-dahan naman din siyang punagapang nalang sa sahig ng bangka para makalapit kay Calvin.

"Calvs? Calvin?!" pagtawag niya dito at tapik sa tuhod nito, ngunit ni hindi siya pinansin nito. "Calvin!" pagtapik pa nitong mabuti sa tuhod ni Calvin ngunit may napansin siya. "Ang init mo ah? Nako! Calvin!"

Hirap man ay sinubukan ni Carly na maupo sa tabi ni Calvin at sinapo ang ulo nito at leeg.

"Inaapoy ka ng lagnat. Pambihira naman oh.. Calvin? Gising!" pag-uga pa nito sa braso ng binata kung kaya't tila nagising na ito.

"Calvin? Ayos ka lang ba?" pagaalala naman nito.

"You're awake.."

"Anong ginagawa mo rito? Papaano mo -- nalamang nandito ako?"

"I always knew where to find you, can't you even realized that?" sagot pa nito na tila nakuha pang mabiro habang nakatingin sa kanya.

Napapatigil naman si Carly at tila naaawa kay Calvin. Mukhang nagpaulan ito at sinuong ang bumabagyong karagatan para lang mapuntahan siya. Tila tunay yata talaga ang sinabi nito tungkol sa nararamdaman para sa kanya.

Napalihis siya ng tingin rito na tila na-ilang.

"Ahm, ikaw ng mahiga doon. Kailangan mong makapagpainit."  paglinga-linga pa ni Carly at napapakapit sa pader dahil malakas ang pag-uga sa loob ng bangka. "Ta -- tara, do -- doon ka mahiga." tumayo naman si Carly at sinusubukang alalayan si Calvin.

Dumantay naman si Calvin sa balikat niya at nabigla siya roon at halos sumubsob din kay Calvin ngunit nakatayo din siyang muli. Naalalayan na niya si Calvin na makatayo na rin.

"Huwag ka naman magpabigat! Nahihilo pa kaya din ako." saad pa nito pero tila hindi na siya naintindi ni Calvin.

Hirap man, naiupo na rin niya si Calvin sa hinihigaan niya kanina. Tinulungan niya itong makahiga at tinanggalan pa ng suot na tsinelas. Inayos nito ang tuwalyang nakabalot rito at tumingin-tingin sa paligid. Naghanap kaagad siya ng kung anong tuyong maaari pang magamit ni Calvin at isang tuwalya na lamang muli ang nakuha niya.

Napansin niyang namumula na ang mukha nito at ramdam niya ang init ng buong katawan na nito. Pansin na rin niya ang panlalamig ni Calvin kaya hindi na ito halos makabangon pa.

"Ahm.. Magiinit ako ng tubig para mainitan ka. Sandali lang!" pagiwan niya pa rito at kahit sumusuray dahil sa pag-uga ng bangka, nagtungo siya ng kitchenette niya at hinanap ang takure.

Nilagyan niya ito ng tubig ngunit napagtanto niyang sa lakas ng alon ay baka mahulog lamang ito kaya ibinaba na lamang niya. Kumuha na lamang siya ng baso ng tubig at iyon ang dinala kay Calvin.

Accidental Escape (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon