Nakahubad ang pang itaas na bahagi ni Calvin, tila nakabahag sa pambaba ngunit mahaba ito hanggang ankle niya. May mga nakasabit ring kung anong palamuti sa bewang niya, at kwintas na gawa sa mga pangil ng baboy ramo. Mayroon din siyang suot na mga bracelet na gawa ng mga katutubo mula sa mga iba't ibang materyales.
Habang si Carly ay nakasarong na mahaba na nasasayad na sa paahan niya. May kwintas rin siyang perlas at iba pang kabibe. Puno rin ang braso niya ng mga bracelets at may head dress siyang gawa sa pinatuyong bakawan at may mga bulaklak na nakagay rin.
Hindi napigilan ni Calvin na mangiti ng makita si Carly na ganito ang pustura. Tila nahihiya naman ito sa kanya at mga taong nanonood sa kanila.
Tila nautusan na si Carly na maglakad sa aisle na puno ng mga bulaklak patungo sa tabi ni Calvin. Nangingiti na lamang din siya doon kahit pa nahihiya siya.
"You look great." bulong ni Calvin at lalong nahiya si Carly rito.
"Ehem! Bawal magsalita ang mga ikakasal habang seremonyas." saad naman ng alabay.
Pumuwesto silang muli sa harapan nito at kumuha na ng mga dahon-dahon ang alabay at sinimulan ang isang dasal.
Pinagaypay pa nito ang mga dahong hawak kina Carly at Calvin.
"Ngayon, kunin mo ito." inabot kay Calvin ang dahon-dahon na hawak niya. "Ipaspas mo sa iyong asawa iyan ng tatlong beses."
Kinuha naman ito ni Calvin at gayun nga ang ginawa niya.
Kinuha ulit ng alabay ang mga dahon at iniabot kay Carly.
"Ikaw naman, gawin mo rin iyon ng tatlong beses sa kanya."
Inabot nga ni Carly iyon at ginawa ang inutos sa kanya.
Kinuha ng alabay ang mga dahon at itinapon sa baga ng apoy na nasa malaking kawa. Lumakas ang siga nito na halos lagpas sa kanila kaya napatingin silang lahat doon.
"Ngayon ay magharap kayong dalawa." gayun nga ang ginawa ng dalawa. "Tumingin kayo sa isa't isa na tila tinatangi niyo ang bawat isa."
Gusto matawa ni Carly ngunit pilit niya itong pinipigilan, napapatikum bibig na lamang siya ngunit si Calvin ay nangingiti ng bahagya.
"Maglapit kayo na halos isang dangkal nalang ang pagitan." ginawa naman ito ng dalawa at pinandidilatan naman ni Carly ng mga mata si Calvin. "Magdaupang palad kayo." nagtaas nga sila ng magkabilang kamay nila at pinagdikit ito.
Napapatingin na lamang sila sa isa't isa.
Nagtaas rin ng dalawang kamay ang alabay at itinapat ito sa kanilang dalawa, nagsambit ulit ng dasal ang alabay at nagtaasan naman ang mga kamay ng naroon na tribo. Tila inaalayan nila ang ikinakasal ng dasal at basbas dahil sumasabay sila sa dasal na nasa katutubong wika nila.
Nang matapos ang dasal ay ibinaba na ng alabay ang kanyang mga kamay at dumilat.
"Maaari na kayong humarap muli rito." utos sa nito sa dalawa kaya gayun rin ang ginawa ng mga ito.
May lumapit sa kanilang isang babae at lalaki at nagabot ng tig isang bao na may lamang inumin.
"Ngayon, kunin niyo ang mga inuming iyan." utos ng alabay at kukunin sana ito ni Calvin gamit ang isang kamay niya ngunit tinapik ito ng alabay kaya napatingin sila roon. "Hindi ganyan, dahan-dahan niyong kunin ng dalawang kamay niyo."
Nauna si Calvin gumawa nito at sumunod naman si Carly. Parehas nilang hawak ang baong baso.
"Ikaw lalaki, dahan-dahan mong painumin ang iyong kabiyak ng hawak mong inumin habang hawak mo lamang ito. Ingatan niyong walang matatapon o mabitawan ito."
BINABASA MO ANG
Accidental Escape (COMPLETED)
ChickLitMarriage is a Sacred and Safe Haven. But in Business Traditions, it is a merge deal between two families wanted their wealth to become secure. Both parties agreed upon merge marriage, except those people who will be involved and will be continually...