Part 5

27 2 0
                                    

Makalipas pa ang ilang sandali ay nakarating na rin sila sa Sumilon Island. Pareho pa silang nagunat-unat dahil sa tagal ng pagkakaupo sa bangka.

Nakapunta na rin sila sa isang resort doon at kaagad na nag-book si Calvin ng mga kwarto nila.

"What? There's no more rooms?"

"I am so sorry sir, we're already fully booked. But there's only one room left, and it's in double size bed." saad pa ng receptionist.

Napabuntong hininga naman si Calvin dahil isang kwarto nalang pala ang natitira sa resort. Napalingon naman siya kay Carly na abalang kumuha ng pictures sa lugar.

"Okay sige. I'll get that room. But once na may mag-checkout, let us know, okay?"

"Sure sir. Just a moment please."

Kaagad rin silang pumanik na sa kwarto na tila excited pa si Carly.

"Uhh haaa! Sa wakas, nakahiga na rin ako sa kama!" pabagsak pang higa ni Carly sa kama.

Hindi naman makaimik si Calvin at nilapag lang ang ilang gamit nila sa mesa sa tapat ng kama.

"Oh? Bakit nandito ka pa?" takang tanong naman ni Carly rito nang maiangat ang ulo niya.

"This will be my room too." tila walang ganang sagot naman nito sa kanya.

"Huwat?! Share tayo ng room?"

"Wala ng ibang kwartong available. Pero nagpasabi naman na ko kung sakaling may mabakante, lilipat nalang ako."

"Huwat?!" bumangon naman si Carly at naupo sa kama. "Hoy Calvin ah? Porket ikaw ang gumagastos dito baka gusto mong mag-take advantage na sakin?!" bintang pa nito sabay yakap sa sarili niya.

"Tss? Do I have to? Fiancé naman kita eh? Saka hindi ko kailangan mamilit, they come to me willing --"

"Stop! I don't want to hear how girls running after you! I don't care!" pagtataray pa nito sabay irap.

Pinamewangan naman siya ni Calvin.

Bumuntong hininga naman si Carly na tila naiinis. Pero alam niyang wala naman siyang choice dahil kailangan niya si Calvin.

"Yabang.." bulong nalang ni Carly sabay tayo at diretsong banyo. "Wag kang maninilip ah?!"

"As if may makikita ako?"

Nagulat naman si Carly sa sagot na pangaasar pa ni Calvin kaya napabaling siya ng tingin rito. Napanganga siya rito at halos mag-make face bago pa tuluyang isira ng padabog ang pinto ng banyo. Napangiti lang ng bahagya si Calvin at napailing nalang.

Makalipas ang mahigit isang oras ay nasa nasa Baranggay Tan-awan na sila kung saan sila maaaring makapag-whale shark watching.

Nag-inquire na sila at nakakuha rin ng mga snorkeling gears na gagamitin nila. Matapos ang demonstration sa kanila kung paano ang gagawin habang lalangoy kasama ang mga butanding, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Carly.

"Rrr! Nakakatakot yata? Hindi naman tayo malulunok ng mga yun di ba?" pagaalangan pa niya habang nakasakay sila sa bangka patungo sa gitna ng dagat upang doon makasisid.

"Hmm! Akala ko ba gustong-gusto mong gawin ito? Tapos takot ka naman pala?"

"Oo nga pero syempre -- iba pala talaga ang feeling kapag nandito ka na noh? Yung gagawin mo na talaga siya. Kaysa yung pinaplano mo palang at pinapangarap gawin."

"I agree."

"Teka? Bakit parang relax na relax ka dyan? Hindi ka ba kinakabahan? Hindi mo ba first time?" tila nagtataka namang tanong ninCarly kay Calvin dahil napansin niyang tila walang reaksyon ito at tila chill lang.

Accidental Escape (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon