"Sir? Akala ko ba sabi niya -- babalik lang siya dito kapag nandito na rin yung mga engineers bago simulan ang construction?" nagtataka pang bulong ni Pio kay Calvin ng lapitan niya ito.
Napaikot naman ng braso niya si Calvin at masama ang tingin kay Ben na tila sinusuri ito.
"I thought it so.."
Natingin naman si Pio sa ginawa ni Calvin kaya ginaya niya ito at kunwari rin ay inangasan ang dating niya.
"Hi miss Venus, miss Carly." bati ulit nito ng makalapit na sa kanila.
"Hi sir Ben. Ba -- bakit ka narito?"
"Ahm, nabalitaan ko kasing magkakabagyo, naisip kong baka may masalanta dito kaya nagpasya akong bumalik para makapagbigay tulong."
"Wala naman nasalanta dito eh. Sumaglit nga lang yung bagyo." biglang singit ni Pio na umaangas naman.
"Ah, mabuti naman po kung ganun." sabay ngiti pa rin nito. "Mabuti pala nakita ko kayo dito, wala rin kasi akong kakilala masyado eh." nahihiya namang tugon pa nito.
"Ay oo nga sir Ben! Salamat din naman sa mga tulong mo."
"Hi mr. Calvin, nandito rin pala kayo."
Tumungo naman si Calvin sa kanya na tila walang reaksyon.
"Are you staying longer? Because as you can see, everything is in good hands here." patutsda naman ni Calvin kaya kaagad siyang pasimpleng siniko ni Carly pero hindi njya ito ininda.
"Ahh, ang ibig niyang sabihin ay -- okay naman din kami dito. Huwag ka ng magalala." tila pagpapalusot at pagtatanggol ni Carly kay Calvin.
"Ah, oo naman." at nangiti naman din ito.
Tumulong si Ben sa mga repacking kaya hindi nagpahuli sina Calvin at Pio. Tumulong din sila sa pagsalansan at lagay ng mga ipamimigay sa mga truck at mobile ng barangay habang si Venus ay nagbibilang at si Carly naman ay nagliligpit na ng ilang kalat.
"Miss Carly, tulungan na kitang magwalis." bungad naman ni Ben ng lapitan si Carly, inagaw kaagad nito ang walis kay Carly at hindi naman na nakapalag si Carly sa pagkabigla.
"Ah, sige. Salamat sir Ben.
"Pwede bang -- Ben nalang? Kasi parang lakas makatanda ng sir o mister eh." saad pa nito at nangiti na lamang din si Carly.
"Okay okay, pero Carly nalang din ah? Lakas kasi makatanda eh. Hehe.." nagkangitian naman silang dalawa.
Saktong balik ni Calvin sa area nila habang nagkakarga ng mga na-repack na ayuda ay nakita niyang naguusap at mukhang nagkakasiyahan sina Ben at Carlu kaya napahinto siya at sinamaan talaga ng tingin ang mga ito.
"Tss.."
"Nako! Makatulong na nga rin kaagad kay Venus doon at baka maunahan ako!" tila parinig ni Pio ng madaanan si Calvin at napansin ang pagtitig nito kina Carly at Ben. "Tabi, tabi po sir. Baka ako mapagbuntungan." at nilagpasan nito si Calvin.
"Carly!" pagtawag naman ni Calvin rito ng makalapit siya sa dalawa kaya natigilan ang mga ito sa paguusap. Napatingin din ito sa kanya.
"Oh? Tapos na kayong magkarga ng mga ayuda?"
"Actually, kailangan pa namin ng tulong sana doon." napatingin siya kay Ben. "Lalaki sana para tumulong din sa pagkarga."
"Ah sige. Tutulong ako sa inyo. Tatapusin ko lang itong kalat dito."
"Ngayon na sana kasi -- dapat maikarga na daw lahat eh."
Napapatingin naman si Carly kay Calvin na tila duda sa mga sinasambit nito.
BINABASA MO ANG
Accidental Escape (COMPLETED)
ChickLitMarriage is a Sacred and Safe Haven. But in Business Traditions, it is a merge deal between two families wanted their wealth to become secure. Both parties agreed upon merge marriage, except those people who will be involved and will be continually...