Part 9

22 2 0
                                    

Ilang minuto na silang nagiinuman doon na dalawa ngunit walang nagkikibuan sa kanila. Kinuha na ni Calvin ang isang buong bote ng whiskey at siya na ang tumatagay kay Carly hanggang sa naubos na pala nila itong dalawa.

"Ang lakas mo rin pala talagang uminom ah." bati pa ni Calvin rito habang binubuksan ang panibagong bote ng alak nila.

"Tss! Inuman lang pala eh!" tila tipsy namang sagot ni Carly sa kanya.

Nagumpisa muli silang uminom na dalawa.

Biglang itinaas ni Carly ang baso niya at minasdan ito.

"Cheers para sa mga taong pa-fall!" sigaw nito na rinig ng ilang nasa bar area at ilang mga naka-table sa likuran nila.

"Cheers!" sigaw din ng mga taong naroon. At sumabay din sila ng paginom kay Carly.

Napatingin naman si Calvin sa kanya na hindi malaman ang gagawin na.

"Hindi ako pa-fall noh." pasaring naman nito.

"Sinabi ko bang ikaw? Si Rick yun wag kang assuming!" pangbabara pa nito.

"Tss.. Hindi mo rin talaga makalimutan eh noh?" tila inis namang sagot pa ni Calvin at kinapantig ng tainga ni Carly.

"Anong hindi ko makalimutan?! Duh?!" inis naman ding tugon ni Carly. "Ikaw nga halatang miss na miss yung ex mo nung nagkita kayo. Pakayakap-yakap pa! Hi Calvin, I did not expect to see you here! Pwe!" paggaya pa nito sa maarteng boses ni Shanon sabay pangookray dito.

Natawa naman si Calvin sa ginawa niya.

"Tawa-tawa ka dyan, sipain kita eh." pag-irap pa ni Carly sa kanya sabay inom ng alak.

"Hahaha! Nagseselos ka ba?"

"Huwat?! Me?! I'm jealous?! Are you drunk?!" mariing pagtanggi naman ni Carly roon.

Natatawa pa rin si Calvin at napapainom nalang ng alak niya.

"Bakit naman ako magseselos dun? Mukhang aso yun!"

At humagalpak na nga ng tawa si Calvin. Hindi lang dahil sa mga sinasabi ni Carly, kundi ang arte nitong nagseselos nga. Hindi niya malaman pero natutuwa siyang masaksihang nagseselos nga ito.

"Tumigil ka nga!" sabay hampas ni Carly sa braso ni Calvin.

"Okay, okay haha! You're so cute." saad pa nito sabay inom ng alak niya.

Napatingin naman ng masama pa si Carly sa kanya.

"You're so cute. Hehe" paggaya pa ni Carly sa sinabi ni Calvin na tila pa-sarcastic.

Hindi na naman ulit napigilan ni Calvin na matawa rito.

"Stop making fun of me!" sabay ambang susuntukin na ni Carly si Calvin ngunit pinigilan siya nito.

"Okay, okay! I'll stop! You're just so cute when you are jealous."

"I said, I'm not jealous!" halos pasigaw namang sagot nito.

"Fine!" tila pagsenyas pa ni Calvin ng pagsuko rito.

Nagpatuloy sila sa paginom na tila hindi pa rin nagkikibuan.

Tss.. Hindi naman talaga ako nagseselos dun! Ang kinakainis ko ay yung hindi niya pagsabi doon sa babaeng aso na yun na fiancé niya ako!

Tila mababaw lang ang dahilan ni Carly ngunit apektado pa rin siya rito. Tila nakaramdam siya ng kaunting insecurities rito dahil ex-girlfriend ito ni Calvin.

Nang maubos na naman nilang muli ang isang bote ng alak, tumayo na si Carly sa kinauupuan stool bar, tila susuray-suray na ito kaya pagkabayad ni Calvin ay sinundan naman niya ito sa paglalakad.

Accidental Escape (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon