Lumipas ang ilang minuto ng paglaot nila ay may natatanaw na si Carly na isla at tanaw na rin doon ang isang lighthouse."Teka, huwag mong sabihing --" nabibigla naman si Carly sa nakikita pero ngiti lang ang sagot sa kanya ni Calvin.
Nang tuluyan silang nakadaong sa pangpang, hindi pa rin maalis ang pagkamangha at bigla ni Carly sa kung saan siya dinala ni Calvin.
"Papaanong -- papaano mo nalaman dito?" takang tanong niya kay Calvin ng maalalayan siyang makababa nito sa bangka.
"Well, let's just say -- I got some help." hinaya naman ni Calvin ang kamay niya kay Carly. "Shall we?"
Inihaya rin naman ni Carly ang kamay kay Calvin at naghawak kamay silang naglakad sa buhanginan ng beach.
Tila patungo sila sa lumang lighthouse na naroon. Pero bago pa man sila makalapit ay napahinto si Carly at minasdan itong mabuti.
Namamangha siya sa ayos ng lugar na puno ng mga bulaklak ang harapan ng lighthouse at may nakapaikot na mga kandilang naroon.
"Calvin, a -- anong mayroon?"
"Come on, I'll show you some." paghatak pa rin ni Calvin sa kanya hanggang sa makalapit sila roon ng tuluyan at nakita niya ang magandang romantic setup doon.
"Pa -- papaanong --"
"As I said, I got some help. Venus told me about this place, she said this was your favorite place to go when you wanted to be alone."
Totoong sa islang ito na may lumang lighthouse natutungo noon pa man si Carly kapag gusto niyang mapagisa at nalulungkot siya. Dito sana siya tutungo noong na-stranded siya ngunit hindi na natuloy.
Dinala pa ni Calvin si Carly sa gitna ng mga kandilang nakapaligid at sabay silang humarap sa dagat. Tamang-tama malapit ng mag-sunset.
"Remembered how much we love to watch the sunset. Remember the first time we did it?" napatungo na lamang si Carly sa kanya habang minamasdan rin ang dagat.
"Carly.." pagkuha muli ni Calvin ng dalawang kamay ni Carly at ngayo't magkaharap sila. "When the first time I saw you, I was too afraid on what will you think or say about me. For the first time, I cared about to someone on what will thought about me. So then, I did everything to know more about you and for you to make know more about me too. " napapatulala lang naman din si Carly sa kanya.
"I want to be someone who deserves you. I want you to like me for who I am, not just because that's what they told us to do, because -- because after all this time, I liked you first before I found out that I have to marry you."
"Wh -- what do you mean?"
"Remember the first time we met?"
Pilit naman inalala ni Carly ang una nilang pagkikita ni Calvin.
"Noong lunch sa bahay?"
Nangiti at umiling naman si Calvin sa kanya kaya nagtaka si Carly rito.
"May iba pa bang --" tila biglang may naalala naman si Carly. "Ahh! I remembered." nangiti nalang din siya rito. "Sa fire exit. Tumakas ako sa party noon, tapos ikaw parang galit ka sa kinakausap mo tapos nagkagulatan tayo kasi nagtapo tayo dun."
Natawa naman silang parehas nang maalala ang mga pagmumukha nila noong gabing yun.
"Nerdy ka pa noon." paghawi pa ni Calvin sa buhok ni Carly na napupunta sa mukha.
"So, nag-glow up na ba ako ngayon?" biro pa ni Carly rito.
"Hmm.. I like the nerdy one."
Nahampas naman ni Carly si Calvin.
BINABASA MO ANG
Accidental Escape (COMPLETED)
Chick-LitMarriage is a Sacred and Safe Haven. But in Business Traditions, it is a merge deal between two families wanted their wealth to become secure. Both parties agreed upon merge marriage, except those people who will be involved and will be continually...