Pagkabalik nila sa resort ay nauna ng mag-shower si Carly. Tila may ginawa pa muna si Calvin at sakto ng matapos si Carly ay siya naman din naligo.
Matapos nun ay inaya ni Calvin si Carly na mag-dinner na sila at kaagad rin silang lumabas ng kanilang kwarto.
Nangunguna pa sana si Carly sa paglalakad patungong restaurant ng resort ng hatakin at pigilan siya ni Calvin.
"Oh? Akala ko ba --"
"Hindi diyan ang table natin." saad naman ni Calvin.
Inakbayan niya si Carly at hinaya sa may beach front ng resort. Doon nasilayan si Carly ang isang naka-set up na table for two sa harap mismo ng beach.
Tila namangha at nabigla siya dito dahil mukhang pinaghandaang mabuti. Maayos at napaka-romantic ng table setup nila with sulo at candle lights.
"Oh my.." tila natutulala naman siya ng makita ito.
"Let's go?" paghaya pa ni Calvin ng kamay niya at may pa flower path pa sa buhanginan na dinadaanan nila patungo sa table nila. Inalalayan naman siyang makaulo muna ni Calvin bago ito naupo sa tapat niya.
"How did you --"
"Hmm.. We'll, I've been offered earlier about their dinner by the beach, so I also think -- you might like it." tila nahihiyang sagot naman ni Calvin sa kanya
"I might like it? I love it! I never expected any of this." natutuwang saad naman ni Carly habang minamasdan ang paligid nila.
"You don't actually have to do this but -- thank you." dagdag pa ni Carly.
"I -- I just wanted this make it more special."
"It is so special. I've never been into a date like this." sabay ngiti pa niya rito.
"A date?"
"Ahm, I mean --"
"Yes, of course. It is a date. Me too, I've never done this before."
"Really?" tila natutuwang hindi makapaniwala naman si Carly rito.
Hindi niya rin akalain na may soft and sweet side rin pala si Calvin. Ibang-ibang Calvin na ngayon ang pagkakakilala niya rito kumpara sa una nilang pagkikita.
Parang ito yung Calvin na hindi mahirap tanggapin at mahalin.
"Good evening ma'am, sir. This is your 1990 Hardy's Sauvignon Blanc from Spain. Would you like to have some glass?" magiliw na paglapit naman ng lalaking waiter sa kanila na nakahaya ang wine.
"Ahm, yes please." sagot naman ni Carly.
Naglagay ito sa parehas na wine glass nila.
Inabot naman ni Carly ang glass at pinaikot-ikot ang wine saka inamoy.
"How did you know this is my favorite varital grape of wine?" tanong naman ni Carly.
Nagkibit balikat naman si Calvin at nangingiti nalang din.
"I don't know, it is just a guess."
Nangiti naman si Carly at hinaya ang wine glass kay Calvin upang sila ay mag-toast
"Let's toast for our escape?" saad pa ni Carly.
"Our accidental escape." biro pa ni Calvin at nag-toast nga sila ng kanilang mga baso at tikim na rin ng wine.
"Sana sinabi mo man lang na may pa-dinner by the beach ka pala, eh di sana yung isang maxi dress ko ang sinuot ko. Mabuti nalang talaga naisipan ko lang magsuot ng ganito." pagmamaktol pa nito dahil naka-maxi dress lang siya ng tube at lampas tuhod ang haba.
BINABASA MO ANG
Accidental Escape (COMPLETED)
ChickLitMarriage is a Sacred and Safe Haven. But in Business Traditions, it is a merge deal between two families wanted their wealth to become secure. Both parties agreed upon merge marriage, except those people who will be involved and will be continually...