Part 7

21 3 0
                                    

Habang binabaybay nila ang kalsada patungong Sitio Sabang, medyo tahimik lang sila sa loob ng sasakyan kaya binuksan ni Carly ang radyo at nagpatugtog. Hindi naman umangal si Calvin at minasdan lang sila.

Binuksan din nito ang bintana sa gawi niya kaya pinatay ni Calvin ang aircon na.

Dumungaw doon si Carly at sinasalubong ang ang masarap na simoy ng hangin ng lugar. Maayos at maganda ang paligid ng kalsada dahil kagubatan ang nakapaligid rito. May nadaanan rin silang beach at kinuhanan ito ni Carly ng litrato.

Matapos niya kumuha-kuha ng litrato ay lumingon siya kay Calvin at sinadyang kuhaan ito. Napansin naman ito ni Calvin kaya napapasulyap siya kay Carly.

"Ang seryoso naman nito." komento pa ni Carly.

"Gwapo naman."

"Tss.. Balakajan!"
Pagaasaran pa nilang dalawa pero pareho rin silang nangingiti.

Bumalik si Carly sa pagkakadungaw sa paligid. Tila nae-enjoy niya ito dahil mukhang liblib ang lugar kahit pa may mga nadadaanan silang ilang bahay at kahit paaralan.

"Ano kayang feeling ng tumira sa ganito noh? Yung malayo sa sibilisasyon pero malamit sa nature. Ang tahimik siguro." sambit naman niya.

"Gusto mo ba sa ganito tumira?"

"Hmm.. Oo, gusto kong subukan. Yung malayo sa malls, sa matrapik na kalsada at sa magugulong pamilya." parehas naman silang natawa sa pasaring ni Carly.

"Ako rin." saad naman ni Calvin kaya napalingon naman sa kanya si Carly.

"Minsan ko rin pinangarap tumira sa malayo. Sa bundok o isla. Yung walang manggugulong mga barkada at mangdidiktang pamilya. Yung simpleng pamumuhay lang. Ako lang."

"Ikaw lang?"

"Oo, ako lang. At yung -- yung taong mahal ko." pagsulyap pa nito saglit kay Carly kaya tila nailang ang dalaga sa kanya.

Umiwas naman ng tingin si Carly sa kanya at balik sa pagkakadungaw sa bintana. Hindi naman din niya mapigilang hindi mangiti kahit pa nakatingin sa malayo.

Napadungaw naman sa kanya si Calvin at nakita nito sa side mirror na nakangiti siya kaya napapangiti na rin ang binata.

Nagpatuloy ang byahe nila at tirik na rin ang haring araw dahil malapit ng magtanghali. Pagkadating nila ng Sitio, kaagad silang nagtanong kung saan maaaring tumuloy. Puno na rin ang mga hotel/motel sa paligid kaya nag-ikot pa sila para makahanap ng tutuluyan.

"Welcome to our resort!" bati ng receptionist ng makarating sila sa isang magarang resort. Mukhang dito nalang bakante dahil mukhang exclusive ito.

"Calvs? Sure kang dito pa tayo? Ang sosyal masyado e, kwarto palang, pang tuition ko na noon." bulong naman ni Carly rito.

Natawa naman ng bahagya si Calvin rito.

"It's okay. Basta para sayo." pangaasar pa nito.

Hindi naman malaman ni Carly kung bakit napapadalas na ang pagpapa-cute sa kanya ni Calvin. Hindi kaya crush na rin siya nito?

Rin? Bakit Carly? Crush mo na rin siya?

Habang inaasikaso ni Calvin ang pag-check in nila, narinig ni Carly na dalawang kwarto ang kukunin sana ni Calvin.

"Kahit isang kwarto nalang." singit niya rito.

"Sigurado ka?" tila nagulat naman si Calvin sa sinabi nito.

Nahiya naman si Carly dahil baka isipin nga ni Calvin na gusto niyang magkasama na sila sa iisang kwarto.

"Ahm, ano kasi.. Kasi ang mahal ng kwarto! Mag-extra bed nalang." tila kinakabahan pa niyang paliwanag at halos lamunin ng kahihiyan.

Accidental Escape (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon