1

78 11 1
                                    

***

"Pumapayag kami sa mga gusto mo, kaya sana pumayag ka rin sa pabor ko sayo. Minsan lang naman 'yon mangyari sa isang taon."


Hindi ako agad nakasagot sa sinabi ni moma. Yes, lahat ng gusto ko binibigay nila. Tulad na lang nga pagiging home schooler. Yes, homeschool. Naghired sila daddy ng mga professional teachers and professor para sa'kin, in that case, para lang akong nag aaral sa isang normal na paaralan pero mas advance ang sa akin.

I looked at moma who's also looking at me. Syempre, naghihinatay ng magiging sagot ko. She keeps on telling me na dapat akong pumunta sa anniversary nila. I already told her na it's a "no" this year dahil unlike dati, hindi lamang ang pamilya namin ang dadalo kundi mga kilalang tao pa.

"Amber, apo. Just this one. After that, hindi kana namin pipilitin sumama sa iba pang events if ever na ayaw mo." Nakaupo pa rin s'ya sa kama. Habang ako, nakatayo at nakasandal pa rin sa bukana ng pinto.

I don't want to come near her dahil mas lalo akong hindi makatatanggi kapag kumapit na s'ya sa mga kamay ko.


"I'll think about it, moma." Tanging sagot ko, nasabi n'ya kasing sa kanilang mansion gaganapin ang party at mapupuno iyon ng panauhin and guess what, sobrang laki ng mansion nila moma, mapaloob man o mapalabas kaya alam ko na triple o higit ang taong bibisita sa araw na iyon.


Ngumiti siya at nagtungo palapit sa akin. "Thank you, apo." Saad n'ya habang yakap-yakap ako.





Nagpaalam na rin si moma pagkatapos ng usapan namin, may pupuntahan pa raw kasi sila ni dido. At nasabi n'ya rin sa akin na ako lang naman ang rason kung bakit siya tumigil dito.


Nakahiwalay kaming tatlong magpipinsan sa bahay ng mga magulang namin. Tatatlo kami rito, ako, si Seren at si Liah, pero madalas ako at si Seren lang ang nandito dahil laging wala si Liah.


Kung ako ayaw sa tao, s'ya naman ay isang ganap na social butterfly at dahil sa pagiging friendly n'ya, halos lahat ata ng bahay sanay na kapag pumupunta s'ya roon ng walang pasabi. Buti nga hindi siya pinagtatabuyan eh.


Pero minsan, hindi lang kaming magpipinsan dito. May mga bisita rin kami na biglang bumibisita kay Seren. Not my story to tell.


"Liah, ikaw nanaman ba kumuha ng floral dress ko?" Bungad na tanong ko sa kaniya ng makababa ako sa sala.


Nakaupo sila ni Seren sa sofa habang nakaharap sa tv. Yes, nasa salas ang tv namin para lahat kami makapanood. "Ah eh, hehe. Ibabalik ko naman mamaya." Sagot n'ya habang nakapatong ang kamay unan na nasa may lap n'ya.


"Siguraduhin mo lang na ibabalik mo, walang damit na bumabalik sa'kin simula nung nakaraang linggo." Saad ko at nagtungo sa kusina.


Hindi ko na nilingon pa si Seren dahil alam kong hindi naman s'ya magsasalita at nakatungo lamang. Nahihiya raw s'ya sa'kin dahil halos ako ng ako nag aalaga sa kaniya minsan kapag may nangyayari dahil laging wala at nasa layasan si Liah.


But it's okay for me, s'ya lang naman napaglilibangan ko kapag wala akong ginagawa. Lalo na kapag nandito si Leu kaso nga lang, isang beses sa isang linggo lang ata 'yon magpakita. Hindi siguro pinapayagan ni Seren.


Matapos kong kumain ay hinugasan ko na muna iyon bago ako bumalik sa aking silid. Wala akong prof ngayon dahil hindi lang naman ako ang tinuturuan nila. By schedule rin kung kailan sila magkakaroon ng klase sa akin.

***


"Amber, miloves! Kanina pa kita tinatawag pero parang sobrang nakakalunod naman ang iniisip mo. I don't know how to swim." Tila maarteng saad ni Liah.


As usual, nandito na nanaman s'ya sa kwarto ko para manggulo. Kung hindi lang talaga tulog si Seren, nando'n sana ako sa kwarto n'ya at hindi roon pumapasok si Liah dahil ikagagalit ni Seren kapag gamit niya ang pinakealam ng babaeng ito.


"Please lang, Liah. Marami akong iniisip, isama mo pa ang invitation nila moma na kadarating lang at sa akin pa nakapangalan." Inis kong ipinatong ang maliit na black envelope na naglalaman ng invitation para sa nalaapit na anniversary nila.


Lumapit siya sa akin at sinilip ang envelope na ibinaba ko. "Alam mo, miloves. Pagbigyan mo na si moma. Ang gawin mo na lang, pumunta ka roon pero uuuwi ka rin agad." Pabibigay ideya n'ya pero umiling lang ako.

"Kilala mo si moma. Sa oras na makita n'ya ako, hindi na ako no'n lulubayan hanggang natapos ang party." Knowing moma, masyado n'yang sinusulit ang pagsama ko sa nga family outing or mga big events na nadadaluhan ko.

"Ikaw naman kasi, bakit ba napaka introvert mo? Shy type yarn?" Hindi ko na s'ya pinansin, sa halip na makapag isip ako ay hindi. Aasarin n'ya lang ako kung papatulan ko pa ang pang-aasar n'ya.

Lumabas ako ng aking silid at iniwan s'ya, sa susunod na Martes pa naman iyon gaganapin at Huwebes pa lamang ngayon. May apat na araw pa ako upang makapag-isip.

Nagtungo ako sa salas at naabutan ko roon si Seren na nanonood ng TV, "pupunta ka?" Tanong n'ya sa'kin ng hindi inaalis ang tingin sa pinanonood. "Pag-iisipan ko pa." Tumingin ako sa kaniya, nitong mga nakaraang araw ko pa kasi napapansin na may malalim din siyang iniisip.


Umupo ako sa tabi n'ya dahilan para mapatingin siya sa'kin. "May problema ka ba?" Tanong ko na ikinaiwas n'ya ng tingin. So tama nga ako? Madali lang basahin si Seren.



Umiling siya at saka yumuko. "Seren, you know na you can tell me everything. Kahit gaano pa kabigat." Naramdaman ko ang pagtaas baba ng kaniyang balikat, tanda na umiiyak s'ya.


"What's wrong?" Pilit ko siyang iniharap sa akin. "It's just...uh, i feel stupid. I hate what i did." Saad n'ya na nagpakunot ng noo ko, sa dami ng stupidong nagawa n'ya hindi ko alam kung ano pa ang nadagdag.

"What do you mean?" After that, she told me everything. As in lahat, stupido nga. Pinagpahinga ko muna s'ya matapos iyon. Hindi ulit s'ya makatingin sa akin dahil sa kahihiyan. Medyo sanay naman na ako pero siya ay hindi.


Nang bumalik na ako sa aking silid ay wala na roon si Liah, siguro ay umalis nanaman. Tumingin ako sa closet ko at doon ko napagtanto na kulang nanaman ng isa ang akin damit. Bwisit na Liah 'yon talaga. Ginawa akong boutique.

Kinuha ko ang cellphone ko at saka ko dial ang number niya. Pabagsak akong humiga sa kama. Nakapagisip na ako, after three rings ay nasagot na ang tawag.


"[Hello, sweetheart?]"

"Hello, dido? Can you tell moma na yes, pupunta po ako sa anniversary n'yo."

*******

Our Last Dance (CS1)Where stories live. Discover now