13

48 11 0
                                    


(A/N: NAGTATAKA BA KAYO KUNG BAKIT SUNOD-SUNOD UPDATE KO? TINAPOS KO NA KASI MUNA SA WRITER APP YUNG BUONG STORY PARA SUREBALL NA AKO NA MATATAPOS KO HAHAHA. JULY PA AKO NAG-START, NGAYON KO LANG NATAPOS— AY NO, KULANG PA PALA. KAKASIMULA KO LANG SA EPILOGUE, MAY SPECIAL CHAPTER PA AT BAKA MAY IDAGDAG PA AKONG POV NG IBANG SIDE CHARACTERS)

"KANINA ka pa tulala" it's Seren, she's slowly coming out from her cocoon. Hindi na s'ya nahihiyang makipag-usap sa akin.

Maybe she realized na kami-kami lang halos ang makakapagprotekta at makakaintindi sa bawat isa.

"May iniisip lang" sagot ko.

It's been a week simula nung engagement party at ni isang mensahe o balita tungkol kay Eros ay wala akong natatanggap.

Huling beses na nakahagilap ako ng balita ay umalis daw si Eros para sumama kila Psyche pabalik sa Australia.  Si Aga naman ay isang linggo pang mananatili rito sa Pilipinas. Si Liah naman ay MIA. Aalis daw muna s'ya for 3 days pero hindi n'ya sinabi kung saan s'ya pupunta.

"The last time I checked, there's a lucky guy na nanliligaw sayo di ba? What happened?" nandito kaming dalawa sa kwarto n'ya. 

Mas gusto ko rito dahil napakalinis maggamit ni Seren, tahimik din ang kwarto n'ya at kitang-kita rito mula sa bintana n'ya ang malawak na garden namin.

"Tinaboy ko ulit" walang ganang sabi ko, dati man ay kahit ilan ang itaboy ko ay ayos lang, back to normal. Pero bakit ngayon ay tila may mali sa akin. I told him na hindi ko siya kayang mahalin pero nakikita ko pa lamang ang bahid ng sakit sa mata n'ya ay parang may kung anong kumukurot sa dibdib ko.

"You like him, don't you?" hindi ako nakasagot sa tanong n'ya.  Dahil kahit anong sabihin ko sa sarili kong hindi ko s'ya gusto ay hindi ako makasagot ng "hindi" kapag tinanong na ako ng diretso.

.

"Hindi mo alam? Or ayaw mo lang aminin?" nilingon ko na s'ya, prente s'yang nakaupo habang nakatingin sa akin.

Sumagot ako at tila na napangiti s'ya dahil sa narinig.

"Hindi ko alam dahil ayaw kong aminin"

.

Napailing-iling pa s'ya bago ako iniwan sa sala.

Tatayo na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Message from Agape:

Hey, are you busy? Nabo-bored ako, labas tayo?

Message from Agape:

Susunduin kita maya-maya, sasama ka kahit ayaw mo kasi gutom na ako, ayaw ko mag-isa dahil magmumukha akong alone.


Binasa ko na lang iyon at hindi na nagreply, naggayak na ako at hinintay s'yang dumating.

.
"HOY, Fleur! Bitawan mo nga ako!" halos mapailing ako ng makitang nakasabit ang mga braso ni Fleur sa bisig ni Aga.

"Aga naman, ngayon na nga lang tayo nagkita eh. Ayaw mo ba ng kiss ko para pawelcome back?" pangungulit ng isa pa.

"Kung hindi lang talaga dahil kay Seren, matagal ko na naihagis sa dagat 'yang si Fleur." saad ni Aga at dali-daling lumapit sa akin.

Napahalakhak naman ang babae dahil sa narinig, nagpaalam na itong aalis na kaya naman nakahinga ng maluwag si Aga. Alam n'ya kasing hindi sya titigilan ni Fleur hangga't hindi s'ya nakakaalis.

Our Last Dance (CS1)Where stories live. Discover now