***
—
@eros_xnth
Bebelabs pala ha.@eros_xnth
Ang pangit naman ng napili mong callsign.@eros_xnth
Nga pala, nakauwi kana ba?@eros_xnth
Kain ka marami ha? Magpapakasal pa tayo.—
"UGHHHH!!!!" Pabagsak kong ibinaba ang cellphone ko matapos kong patayin iyon. Paano ba kasi nalaman ng lalaking iyon ang twitter ko?!
Simula ng makauwi ako ay hindi na ako tinigilan ng impaktong 'yon! Pinagsisisihan ko ang ginawa at sinabi ko kanina. Akala ko dati ay matindi na si Marius, may mas masaklap pa pala sa kaniya.
"Hoy, miloves! Kanina pa kita naririnig! Sino ba ang umaway sayo?" Kyuryos na tanong ni Liah ng sumilip s'ya sa pinto.
"Wala, may ic-claim kasi dapat akong book kanina, kaso ngayon ko lang nalala kaya hindi ko naabutan." Pagdadahilan ko kahit hindi naman totoo.
Naniwala naman s'ya kaya hindi na s'ya nagtagal sa kwarto ko.
—
"[DALI na, Amber. Hindi ko talaga napansin kanina eh kaya hindi napasama.]" mariin kong ipinikit ang aking mata dahil sa sinabi ni Mr. Vallejo.
Tumawag kasi siya sa akin para sabihing may kulang sa pointers. Sinubukan kong buklatin iyon at gaya nga ng sinabi niya. May ilang wala sa naibigay n'ya. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa limang pages rin iyon.
"Are you the one na mag-aabot sa'kin nito this time?" Tanong ko, matagal bago s'ya nakasagot.
"[O-Ofcourse, Amber. Alam mo naman kasi na ayokong bumagsak ka sa magiging test mo. Baka magalitan ka at ako ng parents mo.]"
"Fine, just meet me sa park malapit dito sa village." Bumuntong hininga ako at saka pinatay ang tawag.
—
Nagsuot ako ng cap dahil ala una na ng hapon, medyo tirik ang araw kaya kailangan ko ng pamandong.
Nilakad ko lang ang park dahil malapit lang naman 'yon dito sa village. Kakaunti rin ang taong pumupunta roon dahil masyado ng luma ang lugar pero dahil ayoko sa matao, mas gusto ko rito.
Umupo ako sa duyan at itinayon iyon habang naghihintay. Mainit sa mga oras na ito pero dahil sa malalaking puno na nagsisilbing silong ay hindi ganoon kahapdi sa balat.
Nasa kinse minutos ata ako ng naghihitay ng maramdaman ko ang pag-upo ng isang tao sa tabi ko.
"Yaan na ba lahat 'yon, Mr. Vallej—" nilingon ko s'ya kaya hindi natapos ang sasabihin ko.
"Ikaw nanaman?!" Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti.
"Where's your dad? Bakit ikaw ang narit—"
"Siya dapat ang pupunta rito, kaso dahil sa sama ng pakiramdam n'ya hindi ko na siya pinatuloy. Sinong magmamaneho ng umiikot ang paningin?" Saad n'ya ng hindi tumitingin sa akin.
He's different in personal, pero sa twitter account ko, napaka jolly at feeling close ng mga messages n'ya. Pero hindi talaga ako sanay sa presensya n'ya sa personal dahil tulad kanina sa bahay nila, masyadong s'yang unpredictable.
![](https://img.wattpad.com/cover/246424396-288-k376107.jpg)
YOU ARE READING
Our Last Dance (CS1)
RomanceCERRIDWEN SERIES #1 Si Shanelle Amber, nag iisang anak ngunit hindi tulad ng ibang only child o "unica hija/hijo" ng isang mayaman o kilalang pamilya, hindi n'ya nais ang atensyon na nagmumula sa ibang tao. Hindi niya ugaling makisalamuha sa iba at...