—
"PAGOD kana ba?" nakaupo kami sa may bench habang nakatingin sa papalubog na araw
Ang haba ng araw, kung saan-saan kami kumain. Sumakay rin kami sa ilang rides na nadaanan namin kanina.
"Kaunti, anong oras ba tayo uuwi?" tanong ko kay Aga. Katulad ko ay nakamasid lamang siya sa papalubog na araw. Kulay kahel din ang langit ngayon kaya naman sa halip na umuwi agad ay nagpasya kaming manood na muna ng dahan-dahang pagbaba ng araw.
"Maya-maya, susulitin ko lang yung huking araw na nandito ko." agad na nangunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.
"What do you mean? I thought next week ka pa aalis?" sa halip na sumagot ay hinila n'ya ako at ipinahilig ang aking ulo sa kniyang balikat.
"Next week pa sana kaso baka mahuli ako, may kailangan akong bawiin." nangunot lalo ang aking noo. Naramdaman n'ya ata iyon kaya bahagya siyang tumawa.
"Ang noo mo, baka tumanda kang maaga."
"Agape naman!" natawa s'ya lalo. Napaka dalang jo s'yang tawagin sa full na first name n'ya.
"Wag kang gan'yan, baka tawagin mo ako sa second name ko ay ikamatay ko bigla" natawa na rin ako sa sinabi n'ya.
.
Knowing him, kagaya ko ay ayaw n'ya rin na tinatawag s'ya sa ibang pangalan. I mean, hindi naman actually ibang name, may pangalan lang kaming ayaw namin ipatawag. Kung ako ay mas preferred kong Amber ang tawag sa akin, s'ya naman ay Aga lang."Pero ano nga? Aalis kana?" naramdaman ko ang pagtango n'ya.
"Why?" dagdag ko pa.
.
"Kasi kung nakakamatay ang tingin ay nung isang linggo pa ako pinaglalamayan. Tsaka sige nga, Cupid pangalan ko tapos Eros ang sa manliligaw mo, sinong mas bagay kay Psyche? Si Cupid 'di ba?"Nagloading ako sandali bago napapalakpak. "Sabi ko na, sabi ko naaa!! Ikaw haa! Kaya pala ang sama rin ng timpla mo kanina!" napailing-iling s'ya at napangiti.
"Kaya nga sabi ko sayo, babawiin ko yung akin para tumahimik ang mundo nating dalawa. Hindi sila compatible at hindi rin tayo compatible." tama naman s'ya, I agree. HINDI BAGAY SI EROS AT PSYCHE.
.
Nagpaalam na s'ya dahil maghahanda pa raw s'ya sa pag-uwi n'ya bukas. Nalaman ko rin na aalis na si Psyche bukas kaya naman pala nagmamadali na rin yung isa umalis. Alas 8 pa lamang ng gabi kaya nag-isip ako ng maari kong gawin.Pumunta ako sa bahay nila Sir Ralf para sana kausapin si Eros pero wala raw s'ya doon. May pinuntahan daw. Sinabi nila kung saan s'ya nagtungo kaya dali-dali akong sumakay sa taxi at nagpababa sa bar.
-
MARAMING tao kaya noong una ay halos ayaw kong pumasok pero dahil gusto kong makausap si Eros ay ginawa ko pa rin.
"Hi, miss"
Hindi ko pinapansin ang lahat ng nadaraanan kong lalaki na pilit akong kinakausap, natatakot man ay nagpatuloy pa rin ako sa pagpasok.
Nalaman kong nasa V.I.P s'ya kaya naman umakyat ako sa 2nd floor at doon naghanap. Nang makita ko s'ya ay halos hindi ako makagalaw sa tinatayuan ko.
Nanginginig man ay lumapit pa rin ako, alam kong hindi ko dapat nakita 'yon. He's letting a girl kissing his neck, parang may kung ano na namang tumutusok sa dibdib ko habang papalapit sa kan'ya.
"E-Eros" tawag ko sa kan'ya, tinapunan n'ya lang ako ng tingin pero hindi n'ya ako pinansin kaya wala akong nagawa kung hindi ang lumapit pa sa kan'ya.
"C-Can we talk?" bumuntong hininga s'ya bago tumayo at sinenyasan akong sumunod sa kan'ya. Naglakad s'ya patungo sa fire exit at sumandal do'n.
"Talk" malamig na saad n'ya. Bakit ang sakit na makitang ganito s'ya?
"I-I just want to say sorr-"
"'Yan lang ba? Sinabi ko na sayo na mahal ang oras ko." alam kong nakadaloy na ang alak sa kan'ya. Lasing lang s'ya kaya ganito ang trato n'ya.
"Uh, I-I thought you like me?" hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Wala akong mahanap na salita.
"Tinaboy mo na ako, so i know na wala akong mapapala sayo." parang normal lang sa kan'ya 'yon.
"Ah, that. I'm just bored. Nalaman ko kasing wala ka pa halos nagiging boyfriend so ibigsabihin madali kang kunin. I just need someone to be my reboun-" hindi natapos ang sasabihin n'ya ng mabilis ko s'yang nasampal.
Halata ang gulat sa mata n'ya kaya agad akong napaurong. "A-Akala ko... haha, ewan, gago ka." natawa na lang ako dahil sa sinabi ko.
.
Boys being boys, mga gago. Tila natauhan din s'ya dahil biglang bumalik yung lamlam ng mata n'ya."E-Elle" hahawakan n'ya sana ako pero mabilis ko siyang nilayuan.
.
"G-Gago ka, gago! Alam mo bang mah- mas mabuti ngang hindi mo alam! Ayoko na makita ka ha? Gusto mo balikan si Psyche? Pwes, magsama kayo habang buha- Ay no, someone is already making a move. Hindi mo deserve mahalin dahil gago ka, manggagamit! Tama si daddy, hindi ako sigurado sayo." hinawakan ko ang kwintas sa leeg ko at binaglas iyon bago ibinato sa kanya..
"You know what? I'm about to press that kaso nagbago na isip ko. Saksak mo sa baga mo, gago! Kaya wapang tumatagal sayo, kaya iniiwan ka ng taong mahal mo" muli kong nakita ang pagdaan ng sakit sa mata n'ya pero wala akong pake. Mas masakit ang nararamdaman ko."E-Ell-"
"Huwag kang susunod! Ipapapulis kapag sumunod ka sa akin" gustuhin man n'yang sumunod ay hindi n'ya magawa.
First time ko na nga lang magpapasok ng tao sa buhay ko tapos magiging rebound pa? HAHAHAHA.
Kinuha ko ang telepono sa pouch ko at tinext si Agape habang naglalakad palabas sa bar.
—
To Aga:
Kunin mo na ang sayo, tapos na ako sa akin. I'm rooting for the both of you. Ingat.—
Eros being eros, his love can cause great joy-
"Hindi ako mapapagod isayaw ka, hindi ako mapapagod piliin ka, at hindi ako magsasawang intindihin ka at hintayin ka." mga katagang binitawan n'ya noon—
—biglang gumuho dahil sa binitawan n'yang salita ngayon.
"Ah, that. I'm just bored. Nalaman ko kasing wala ka pa halos nagiging boyfriend so ibigsabihin madali kang kunin. I just need someone to be my rebound"
Eros being eros, if his love can cause great joy, it can also cause great sorrow.
-----
YOU ARE READING
Our Last Dance (CS1)
RomanceCERRIDWEN SERIES #1 Si Shanelle Amber, nag iisang anak ngunit hindi tulad ng ibang only child o "unica hija/hijo" ng isang mayaman o kilalang pamilya, hindi n'ya nais ang atensyon na nagmumula sa ibang tao. Hindi niya ugaling makisalamuha sa iba at...