4

85 11 0
                                    

***

"Ginagawa mo rito?" Tanong ko ng makalapit siya sa'kin. Nakatayo pa rin kami sa may initan. Hindi pa rin kasi ako umaalis sa kinatatayuan ko magmula kanina kaya nandito kami at magkaharap.


"Namiss kasi kita hehe." Hindi na ako nagsalita at saka tiningnan ang hawak n'ya. "Akin ba 'yan?" Knowing him, alam na n'ya halos lahat ng paborito ko.

"Aye! Aye! Captain!" Sagot n'ya habang inaabot sa akin ang plastik habang nakasaludo pa.

Nangmabuklat ko 'yong plastik ay naalala ko 'yong lalaking nakasabay ko sa bakery kanina. Tinatawag n'ya nga pala ako, nilingon ko 'yong pwesto n'ya kanina pero wala na s'ya roon kaya hinayaan ko na lang.

"Tara sa bahay?" Kilala naman s'ya nila mommy kaya okay lang kahit magpatalon-talon pa 'to sa master's bed room ay ayos lang, basta aayusin n'ya ulit.

"Commute ka?" Tanong n'ya kaya tumango ako bilang sagot. Hindi na ako nagsalita dahil may laman 'yong bibig ko.

At dahil may dala s'yang sasakyan, sa kotse n'ya na lang kami sumakay. Inaantay pa nga ako nung tricycle na sinakyan ko kanina kasi gaya nga ng sabi ko, sila lang halos ang nakakapaglabas-masok sa village.

Hindi naging tahimik ang biyahe dahil napakdaldal nitong katabi ko.

"So ayun nga, di'ba sa Australia ako nag i-stay, ang daming chikabeybs, baby-beyb! Ang puputi!!" Parang nasasabik na kwento n'ya na ikinakunit ng noo ko. "So, ano ngang ginagawa mo rito?" Kanina pa kasi 'yang tanong na 'yan pero hindi n'ya talaga sinasagot. Iniiba n'ya ng topic, as if naman may pake ako sa nangyari sa kaniya sa Australia.

Napansin ko ang paglingon n'ya sa akin at nagbigay ng nanunudyong nguti. "Ikaw ha, nagseselos ka 'no?" Nguniti-ngiti pa siya na para bang tuwang-tuwa sa iniisip n'ya bago muling nagsalita.

"Nagbabakasyon lang ako saglit kasi nga namiss kita, baby-beyb ko." Gusto ko ibato sa kaniya lahat ng tinapay na hawak ko pero dahil paborito ko 'to ay hindi ko na lang ginawa.

Nakarating kami sa bahay at pinagbuksan n'ya rin ako ng pinto ng makababa s'ya.

Nang makapasok ako sa loob ay humingi si Marius kay yaya ng juice, oo, Marius name n'ya. Nakalimutan ko sabihin dahil busy ako sa pagkain ng tinapay kanina.

"Nga pala, Marius—"

"Bebelabs na lang kasi itawag mo sa akin." Pataas-taas na kilay pa n'yang suhestyon kaya inirapan ko s'ya bago ipinagpatuloy 'yong sasabihin ko.

"Saan mo nabili 'to?" Muli akong kumuha ng tinapay at kinain iyon.

"Ah, napadaan kasi ako sa paborito mong bakery kanina, tapos nakita kong bagong luto kaya pinakyaw ko na lahat— ay no, may isa pa pala akong tinira hehe." Paliwanag n'ya. Tinitigan ko muna s'ya saglit kaya nginitian n'ya ako ng mapang-asar.

"Oh, naiinlove kana ba sa'kin? Sabi ko sayo, baby-beyb, ligawan mo na ak—" hindi ko na s'ya pinatapos sinasabi n'ya dahil mabilis kong nadampot ang throw-pillow at ihinampas sa kaniya.

"Kaya pala!! Alam mo bang kulang na lang patayin ko 'yong kaagaw ko sa piyanono kanina?! Buti na lang shy type ako kaya di ko na tinuloy, baka sabihin feeling close ako gaya mo!" Saad ko at hindi pa rin tumitigil sa paghampas sa kaniya.

Narinig ko ang mahihina n'yang tawa kaya di ako tumigil, sa lahat ng nasaksaktan, ito 'yong natutuwa pa eh.

"Ito na 'yong juice mo, hijo, oh." Ibinaba ni yaya Melda 'yong isang baso ng juice at isang baso pang baso na walang laman. Nasa tabi no'n ang pitsel na may tubig.

Our Last Dance (CS1)Where stories live. Discover now