2

61 11 0
                                    

***

"Ano nanaman ba sinabi mo kay tita?" Tanong ni Liah habang nakasunod sa akin.


Hindi na lamang ako sumagot pa dahil alam naman n'ya ang dahilan kung bakit nakatayo at naglalakad ako sa unahan n'ya ngayon.



"Baby!!! I thought hindi ka sisipot." Agad na pagsalubong ni mommy sa amin ng makapasok kami sa isang boutique.


Pagkatapos kasi ng usap namin ni dido kanina, bigla na lang kumatok at pumasok si Seren sa kwarto ko para sabihing tumawag sa kaniya si mommy. Nasabi na pala agad ni moma kaya ayon, wala pang isang oras akong nakakahiga ay pinapunta n'ya agad ako sa boutique nila tita Thea, isa sa matalik at pinagkakatiwalaan niyang kaibigan.


Hindi ko pa siya nakikita, mapalitrato man o personal pero alam ko ang pangalan n'ya, hindi kasi ako sumasama kay mommy tuwing magpupunta s'ya rito.


Buti na lang din ay nasa bahay si Liah kaya nagpasama ako, wala rin kasi si Seren, umalis daw at tila ba nagmamadali. Ewan ko, hindi ko alam pero sigurado akong may gagawin nanaman ang isang iyon.


"Hello po, tita" pagbati ni Liah kay mommy, nagbeso-beso pa sila bago kami nagdiretso papasok.


"Oh, Irrah! Hindi mo nasabing pupunta ka!" Saad ng isang babaeng sumalubong sa amin, mahaba ang kaniyang buhok at nasa 40's ang edad. Mistisa rin siya at medyo singkit ang mata. Hanggang tainga n'ya lamang ako. "Ay, oo, Thea. Biglaan din kasi kaya hindi na ako nakapagsabi sa iyo." Paliwanag ni mommy.



So s'ya si tita Thea. Nagbeso-beso muna sila bago ako tinapunan ng tingin ni tita Thea. "So you are Shanelle? You're really pretty, Shanell—"


"Amber po." Sagot ko, i really hate it when someone call me Shanelle. Ewan, ang pangit kasi pakinggan. Katunog ng isang sikat na brand pero letter S.



Tumingin siya kay mommy na tila nagtatanong pero tinanguan lang siya nito na tila ipinahihiwatig na hayaan na. "So, let me assist you." Pag iiba n'ya ng usapan.


Nagkamustahan muna sila ni mommy habang naglalakad. Si Liah naman ay nasa aking tabi at tila tumitingin din ng mga damit.



"So here, kadarating lang ng mga ito kanina. It's really suits you, hija." Nakangiting saad n'ya sa akin.


Puro branded ang damit, hindi lang floral ang nandito dahil sobrang daming designs ang makikita. Meron din silang plain lang pero maganda ang dating.


"Owemji!! Amber, miloves, look at this. It's really pretty." Tumingin ako kay Liah na nakatingin sa isang tabi na may mga dresses na nakasabit. 'yong overskirt ang tinutukoy n'ya. It's silver at may slit sa kanang hita pababa. And i hate that, masyadong showy.


"Hija, try this." Muli akong nagbalik ng tingin kila mommy at tita Thea. They are holding two high low dresses. Isang plain blue at isang off shoulder na color red. "Sorry tita, but it's not my style po eh. Do you have something na simple lang?"


Nagkatinginan muna sila ni mommy na tila ba tinatanong ang isa't isa. "Just tell me kung meron kayo or wala kasi hahanap na lang po ako sa iba." Saad ko, dumarami na kasi ang tao. Ayoko no'n.


Our Last Dance (CS1)Where stories live. Discover now