AMBER
"Can I come in, Amber miloves?" hindi pa man ako nakasasagot ay agad nang pumasok ang isa sa pinsan ko. Palagi naman silang ganito kaya medyo nasanay na ako.
May pagkakataon nga na naliligo ako tapos pagmulat ko nasa tabi ko na sila at makikiligo na rin.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang panonood sa aking laptop ng "Encanto"
"Hindi ka ba nagsasawa sa palabas na iyan? Almost everyday mo na 'yan pinanonood eh." Saad ni Liah habang nakadapa sa aking kama at nakatingin sa aking pinanonood.
Hindi ako sumagot, pag sumagot kasi ako, hindi n'ya ako titigilan. Kesyo nakakaumay raw, o kaya naman boring na kasi halos memorize ko na ang nangyayari. Lagi ko na lang sinasabi sa kaniya na wala siyang pake kasi hindi naman siya 'yong nanonood.
Pero gaya nga ng sabi ko, ayoko magsalita kasi pag sinabi ko na wala siyang pake ay marami siyang masasabi kesyo pinsan ko raw s'ya kaya nangingialam siya gaya ng—
"Amber, miloves? Pahiram nga ako nitong damit mo—"
"No." Agad na sagot ko. Halos lahat ata ng damit ko nasuot na n'ya kasi hindi naman umaalis halos dito sa bahay.
"Ang damot naman, hindi mo nga halos ginagamit eh. 'Yong iba kebago-bago pero inaalikabok na." Paliwanag n'ya.
"Yes and that's why i don't want you to use it. Halos hindi ko pa nga nagagamit tapos bibinyagan mo agad?" Sarkastikong saad ko. Sumimangot s'ya subalit hindi pa rin siya nagpapapigil.
Naglakad siya patungo sa pinto at binuksan iyon habang bitbit ang dress ko na nakuha na n'ya mula sa closet ko. Plain lang 'yon na yellow off shoulder, favorite color niya.
"Ibabalik ko naman agad eh, alam mo, miloves. Kung hindi mo gagamitin ang ganitong kasuotan, ibigay mo sa nangangailangan." Saad n'ya habang lumalabas ng pinto.
Bumuntong hininga na lamang ako dahil wala na rin naman akong magagawa. Tama naman kasi siya eh, hindi ako halos umaalis rito sa bahay dahil wala naman akong mahalagang pupuntahan. Miski ngang pagbili ng sarili kong damit ay hindi ko magawa dahil namamahalan ako pag nag-online shopping pa ako.
Una, may shippiing fee, tas minsan scam at hindi pa kasya. Kaya halos si mommy na lang ang bumibili ng damit ko. Specially, those dresses and some casual and formal attires. Nagagamit ko na naman pag need talaga pero madalas nakatago lang sa damitan ko.
"Babyyyy!!!" Napapikit ako sa lakas ng tili na iyon. Hindi pala inilock ni Liah ang pinto kaya wala man lamang katok-katok na ginawa ang isang ito.
"Mom! Lower your voice." Saad ko, napakalakas kasi ng pagkakatili niya. "And please, stop calling me "baby"! I'm already 19 for god's sake!" Dagdag ko pa. Itinigil ko muna ang panonood at saka humarap sa kaniya.
"You're still my baby!! Isusumbong kita sa daddy mo, sasabihin ko you're hurting her queen!" Nagkunwari pa siyang naiiyak kaya naman bumuntong hininga na lamang akong muli.
I'm really thankful na kay daddy ako nagmana at hindi sa kanya. I can't imagine myself being so OA or kaya iyakin. Haist.
"What do you want?" Pag iiba ko ng usapan.
"Baby naman, pagpumunta ako rito ibig sabihin may kailangan agad?" Parang nahuhurt na tanong n'ya.
"Yes." Walang pag-aalinlangan sagot ko kaya naman nanlaki ang kaniyang mga mata na tila ba hindi inaasahan ang sagot ko.
"No, hindi ko kaya ginagawa 'yon."
" Mommy, you always did. Pupunta ka rito kasi nakalimutan mo kung saan mo naiilagay ang ilan sa mga gamit mo. Or kaya naman, pupunta ka rito kasi gusto ko akong pilitin palabas pero hindi ako pumapayag. At madalas, pumupunta ka rito para humingi ng favor, so— " Tumigil muna ako at tumingin sa kaniya ng diretso. " What do you need, mommy? Tell me while I'm still in mood"
Sumandal ako sa headboard ng kama habang inaantay ang sasabihin n'ya.
"Okay, fine" she let out a sigh before looking at me directly.
"I just want to ask you kung gusto mo bang sumama sa anniversary ng Dido at Moma mo?" Tanong n'ya. She already know the answer pero nagtatanong pa rin siya. Just making sure, ig?
"Theme?" Agad ba tanong ko pabalik.
"Masquerade ball, puro kilalang tao ang panauhin"
"Mom—" hindi n'ya ako pinatapos ng pagsasalita dahil agad s'yang sumingit.
"Oo, alam ko naman. I'm just trying to ask you kasi baka mamaya gusto mo palang sumama." Nakatungong saad n'ya. Napaiking na lamang ako dahil sa inaasal n'ya ngayon, para tuloy si Seren kaharap ko ngayon.
"I'll make sure na mababati ko sila." Nakangiting saad ko kay mommy ng magtaas siya ng tingin.
"Promise?"
"Ayoko magtampo sa'kin sila moma and dido dahil hindi ako pupunta, pero babatiin ko sila and yeah, promise" itinaas ko ang hinliliit ko tanda ng pangako.
——
"SEREN?" Katok ko sa pinto ng kwarto ng isa sa pinsan ko.
Tatlo lang kasi kaming magpipinsan na close kaya sila lang ang halos lagi kong kinakausap. Pero minsan, marami naman akong nakakasalamuha.
"Seren? Are you there?" Katok kong muli, kanina pa ako naririto. Maglilimang minuto na ako subalit walang sumasagot.
Magtatanong lang sana ako kung siya ang nanghiram ng charger ng laptop ko kasi wala namang paggagamitan no'n si Liah kaya sigurado akong hindi 'yon pakekelaman ng babaitang 'yon.
"Seren, papasok ako ha?" Pinihit ko na ang door knob at hindi na ako nagulat sa nakita ko.
Nagkalat ang mga laruan sa sahig at halos nakakalat ang ilang gamit tulad na lang ng— "shit, Leu!!!!" Sigaw ko at agad itong lumabas sa ilalim ng kama.
"Why are you here?" Agad na tanong ko at agad namang siyang yumakap sa akin.
"I just want to play lang po, ate Elle." Tinapik ko siya sa balikat at saka ko dinampot ang aking charger at ipinatong iyon sa kama.
"Sit here, I'll tie your hair." Kumuha ako ng suklay ay pamuyod bago 'yon inayos. Tahimik naman siyang nakaupo sa pagitan ng hita ko.
"Listen, pagkatapos kong mag-ayos ng buhok mo. Clean your mess huh?" Saad ko habang itinitirintas ang kaniyang buhok.
"But why po? I'm still playing pa po." Sagot n'ya habang nakatalikod at hindi pa rin naglilikot.
"Ilang oras ka nang naglalaro?"
"Almost half hour na po." Sagot n'ya, that's my point!
Matapos kong itali ang buhok n'ya ay umupo ako ng ayos sa kama "Humarap ka sa'kin." Bagay na agad n'yang ginawa.
"Your Ate Seren is babalik na mamaya. Pagnakabalik siya at hindi mo naayos 'yan, hindi ka na n'ya hahayaang maglaro ulit. You want that?" Tanong ko na ikinailing n'ya.
"I'll clean these things na po." Mabilis siyang umalis sa aking harapan at ibinalik sa dating pagkakaayos ang mga gamit.
Iniwan ko na s'ya roon dala ang aking charger dahil sa ano mang oras ay uuwi na si Seren.
Bumalik ako sa aking silid, napakunot pa ang aking noo ng mapagtantong bukas iyon, subalit iniwan ko naman iyong nakasarado ngunit hindi ko inilock.
Agad akong pumasok at gusto kong tumakbo palabas para umiwas sa matandang babaeng na prenteng nakaupo sa aking kama at tila hinihintay ang aking pagpasok.
"M-Moma." Saad ko dahil alam ko na kung saan patutungo ang magiging usapan namin.
——
YOU ARE READING
Our Last Dance (CS1)
RomansaCERRIDWEN SERIES #1 Si Shanelle Amber, nag iisang anak ngunit hindi tulad ng ibang only child o "unica hija/hijo" ng isang mayaman o kilalang pamilya, hindi n'ya nais ang atensyon na nagmumula sa ibang tao. Hindi niya ugaling makisalamuha sa iba at...