3

63 11 0
                                    


*

**

Mabilis na dumaan ang araw, bukas na gaganapin ang pinagkakaabalahan ng lahat. Tulad ng dati, nasa bahay lang ako noong nagdaang mga araw. Wala namang bago roon, lalabas lamang ako kung talagang kailangan o kaya kung gusto ko.


Ngayon, narito ako sa bahay nila daddy. I mean, bahay namin, pero yeah, bahay nila kasi sa kabilang village ang bahay ko. I have three house, bahay namin nila daddy, lugar kung saan ako lumaki, at bahay naman namin nila Seren, lugar kung saan ako tumutuloy ngayon. Dati pa lang kasi, desidido na akong humiwalay ng bubong kila mommy.


I want to be independent, madali ko silang napapayag dahil hindi naman ako 'yong tipo ng tao na nagloloko. And last, 'yong bahay ko sa kabilang village. Hindi naman kalayuan, nakahiwalay lang dito.


Yung tinitirhan ko kasi ngayon, kung saan tatlo kami nila Liah, nasa medyo unahan lang nitong bahay nila daddy. In short, para lang kaming magkakapitbahay. Kaya napagsdesisyunan kong nasa kabilang village 'yong isa ko pang tinitirhan para maiba naman.


Lumipat pa ako, kung halos nakikita ko rin sila araw-araw. Madalang ako pumunta roon, pag gusto ko lang mapag-isa. Mas tahimik kasi roon kaysa rito.


Nakaupo lang ako sa sala habang nanonood ng t.v. Wala pa sila mommy dahil nagpapatulong si moma sa pagpili. Ang alam ko ay mamaya pa sila uuwi kaya naman nanonood na lamang ako.


"Hija, ano gusto mong kainin?" Tanong ni yaya Melda. Siya ang tagapangalaga dito sa bahay lalo na kapag wala sila mommy. Dadalawa lang silang maid dito sa bahay, siya at saka 'yong anak n'ya na mas bata kaysa sa akin.


Bata pa lang ako ay narito na s'ya, s'ya ang lagi kong kasama kapag umaalis sila daddy patungong trabaho.


"Wala po, 'ya. Kukuha na lang po pati ako kung sakaling magutom ako." Nakangiting saad ko sa kaniya.


"Oh, s'ya. Alam ko namang ayaw mong pinagsisilbihan ka kaya kapag may hindi ka mahanap o makita ay naroon lang ako sa likod-bahay. " Tumango na lamang ako sa kaniya bilang sagot bago siya inihatid ng tingin patungo sa pinto.


Saka ko lamang ibinalik ang aking tingin sa t.v ng hindi na s'ya makita ng aking mga mata.






Dumaan ang umaga't tanghali ng napagsdesisyunan ko na bumili ng paborito kong tinapay. Magpapadeliver na lang sana ako kaso masyado akong naiinip kaya ako na lang ang pupunta roon para bumili.


Hindi naman iyon gano'n kalayo. Kalahating oras lang ang magiging biyahe ko kapag nagsasakyan ako, at isang oras mahigit naman kapag nilakad ko lang.


Hindi na ako gumamit ng kotse dahil hindi naman ako marunong magmaneho, nagpapahinga rin daw si Mang Pido sabi ni Yaya Melda. Isang pamilya silang nandito sa bahay. Si Yayang Melda, si Mel na anak nila at si Mang Pido na asawa n'ya.


Libre na rin ang pagkain at tinutuluyan nila, tanging paglilingkod lamang sa amin ang hinihinging kapalit nila mommy sa lahat ng naitulong nila sa pamilya.



Pumara ako ng tricycle at saka sumakay, sinilip ko muna sa shoulder bag ang wallet ko upang tingnan kong may nadala ba akong pera at meron naman.


500 pesos lang ang dala ko at kaunting barya, hindi ko ugaling magdala ng malaking pera dahil nagmumukha akong papansin sa harap ng iba. Baka rin maging target ako ng mandudukot edi napahamak pa ako.


Maigi sana kung pera lang habol nila e' paano kung mas masahol pa pala 'yon sa demunyo, di'ba?


Mga mapagkakatiwalaan at kilalang tricycle driver lang ang nakakapasok sa loob ng village, nasa sampo lang ata sila at ang iba hindi na pwedeng papasukin ng guard dahil baka raw magdulot ng di maganda.



"Ma'am Amber, sa tabi ho ba ulit ng palengke?" Tanong ni manong driver, ngayon ko lang napansin na s'ya pala 'yong palagi kong nasasakyan. "Opo, magkano nga ulit?" Tanong ko sa kaniya habang dumudukot ng barya sa wallet ko.


Medyo malayo pa naman ng kaunti pero nireready ko na ang pangbayad ko para hindi na hassle mamaya. "Bente singko lang po." Inabot ko sa kaniya ang trenta pesos na hawak ko. Wala kasi akong makuhang limangpiso, sa pipisuhin naman ay kulang ng dalawang piso.


"Kuya oh," abot ko sa kaniya ng bayad at akmang dudukot na s'ya ng panukli ng pinigilan ko s'ya. "Huwag na kuya, sayo na lang. Limang piso lang naman eh." Nagpasalamat s'ya sa akin at umalis na.



Nagtungo ako sa bakery ni Aling Susan, at nakita kong iisang piraso na lamang ang piyanono na nakikita ko. Wala namang ibang tao kundi 'yong nagbabatay kaya hindi na ako nagdalawang isip kung bibili ba ako o uuwi na.


Dali-dali akong lumapit sa harap ng nagbabantay at nagsalita.


"Kuya, kunin ko na 'yong piyanono."
"Kuya, bilihin ko na po 'yong piyanono."


Para akong natigilan dahil sa nagsalita, iisa na lang 'yong piyanono!!


"U-Uhh, sino po sa inyo ang gustong magpalit ng bibilhin kasi iisa na po 'yong piyanono e'." Tanong nung nagtitinda pero di ako umimik.


Hindi ko nililingon 'yong nasa tabi kong hindi rin nagsasalita. Pataasan ng pride?! Patigasan tayo dito?


"U-Uh? Miss? Sir?" Palipat-lipat ang tingin n'ya sa akin at sa katabi ko.


"Sa akin n'yo na lang ibigay, kuya. Suki naman ako dito." Saad nung katabi ko, suki rin naman ako dito eh! Mas close pa nga ata ako kay Aling Susan kaysa kay Liah.


"Okay lang ba, mis—"



"No!" Napataas ang boses ko dahilan ng pagkagulat n'ya. "I-I mean, no. Hindi okay sa'kin. I-I didn't mean to shout ha." Pagdepensa ko para sa sarili ko.




"S-Sir, bigay mo na kay Mis—"


"Ayoko." Tipid na aagit n'ya pero may diin.


Nilingon ko s'ya at saka ko lang napansin na nakatingin din pala s'ya sa akin. He looks familiar, nakita ko na ata s'ya dati pero hindi ko alam kung saan.


Bumuntong hininga ako at saka naglakad palayo. "K, fine." Kalamo kung sino, wala na talagang natitirang gentleman sa mundo.


Sasakay na sana ulit ako ng tricycle para makauwi ng biglang may tumawag sa'kin.



"Miss!" Lumingon ako pero hindi s'ya 'yong tiningnan ko dahil napako sa ibang tao 'yong tingin ko. Bumuntong hininga ako ng makita ko ang lalaking medyo matagal ko nang hindi nakikita.


Maling desisyon na lumabas pa ako ng bahay. Bibit ang isang bag plastik na kita kong piyanono ang laman ay patakbo s'yang lumapit sa akin at sinabi ang katagang....


"Shan-Shan my baby-beEeEyb~~~!"

****

Our Last Dance (CS1)Where stories live. Discover now