16

41 10 0
                                    


"KUYA KASI! PINAIYAK MO NANAMAN!!!"

"Ikaw naman, ate, ang rupok mo! Hindi na ikaw yung Shanelle Amber na nakilala ko!" Nagagalit na si Hestia kaya hindi mo mapigilang matawa sa gitna ng pag-iyak ko.

Nakasandal ako sa dibdib ni Eros habang umiiyak, kapag talaga nakita ako ni daddy, siguradong hihigitin ako palayo no'n.

.

Okay na kami ni Eros, napaliwanag na n'ya lahat. Mula sa pagpapanggap nila ni Psyche na mag-ex sila kahit hindi naman talaga.

Ang totoo palang pakay ni Psyche ay balikan siya ni Agape, hindi dahil sa Cupid ang name n'ya, kung hindi dahil bigla na lang daw mahal ni Psyche si Agape matapos n'ya iyong busteden.

.

He also told me na kaya s'ya pumunta sa Austrialia para sana dumalo sa kasal ni Marius pero bigla na lang daw naglaho ang binata. Si Hestia naman daw ay nasa gitna rin ng pagtakas sa problema nito kaya isinama na n'ya pag-uwi. Bahay n'ya pala ang nasa tabi ng tinatayuan ng bahay ko, kapag minamalas ka nga naman. 

Nasabi n'ya rin na hinahanap n'ya si Liah dahil baka may alam ito kung nasaan ang pinsan n'ya kaso tulad ni Marius, MIA rin ang pinsan ko.

Lumabas muna si Hestia dahil gusto n'ya raw ng ice cream.

.

"Eros" tawag ko sa kan'ya.

"Hmm?" sagot n'ya at ipinulupot ang kamay sa bewang ko.

"Yung sa bar-" hindi n'ya ako pinatapos sa pagsasalita.


"That one, I'm sorry. Lasing na lasing ako. Dagdag mo pa yung sinabi ni Psyche na magpanggap akong  rebound kita para raw makamove on ako sayo. Hindi raw kita deserve sabi n'ya." That girl, I really thought na nagbabait-baitan s'ya pero hindi. Mabait talaga s'ya, marami lang daw talaga iyon pakulo sa buhay para makuha ang gusto.

.

"Anyways, where's my necklace?" nagulat s'ya sa biglaang pagtatanong ko, mabilis s'yang may dinukot sa bulsa at inabot yun sa akin.

"Isuot mo sa'kin" bagay na agad n'yang sinunod.

Matapos n'ya iyong isuot sa akin ay mabilis kong hinanap ang button at halos mapatalon ako ng may tumunog sa leeg ni Eros.

.

Yung suot n'yang kwintas ang tumutunog at umiilaw pa. So that's why he's asking me to press that button? Connected iyon sa suot n'ya. 

"D-Did you just—wait, Elle, are you sure?" tila hindi s'ya makapaniwala.

He hugged me as tight as he can. I was about to kiss him ng biglang bumukas ang pinto.

.

"Ate, nandito sila tita- Omygooosh!!!!"

"My baby, I forgot our house ke-NICO!!!"

Halos magulat ako sa pagbagsak ni Eros sa sahig.

.

"GAGO KA!"

"MOMMY!!!! AWATIN MO SI DADDY!!"

"NICO! TAMA NA 'YAAAN!"

Nagpaikot-ikot kaming lahat sa loob ng bahay dahil sa namumulang mukha ni daddy, ayaw nya magpaawat. Kung malakas pa s'ya ay alam kong nagpang-abot na sila ni Eros.


MATAPOS ang nakakapagod na habulan at sigawan ay tahimik kaming lahat na nakaupo sa hapag. May gustong sabihin si Hestia sa akin pero hindi s'ya nagsasalita.

"Now tell me, Eros. Ano ba talagang pakay mo sa baby namin?" si mommy ang nagtanong, hinihika na kasi si daddy TSK TSK.

"Mahal ko po ang anak n'yo, pakakasalan ko po sya-"

.
"NIICO NAMAN, ANO BA?!" Galit na si mama, mabilis kasing nakadampot ng remote si daddy at binato 'yon kay Eros, mabuti na lamang ay nakaiwas s'ya. 

"Kasal?! Kasal?! Baka gusto mong sakalin kita?!"

.
"Mr. Cerridwen naman"

Kumalma si daddy bago ako binalingan ng tingin, "At ikaw naman, sa dami ng mamamana mo sa moma at mommy mo ay iyan pa! Iyan pang karupukan n'yo- Aray naman, mahal! Nagbibiro lang eh"

"Ayusin mo tabas ng dila mo, Nico. Kung ayaw mong isumbong kita kay mama." banta ni mommy, tumahimik naman si daddy

.

"Handa ka bang maghitay pa ng limang taon? 20 pa lang ang anak ko, 25 pa s'ya pwedeng mag-asawa." saad ni mommy na ininakurap ko.

"25? akala ko ba anytime?"

"Tumahimik ka, anak." si daddy na yun, ang sama ng tingin n'ya sa akin.

"Handa po ako, kahit po 30 pa ay ayos lang." pagkasagot n'ya no'n ay tumayo si daddy.

"Hoy, Vallejo. Labas, bumalik ka rito pagkaraan ng sampong taon, trenta na no'n ang anak ko." napailing si mommy at lalo namang sumama ang mukha ni Eros.

Wrong move.

.

Matapos yun ay nag-usap-usap pa sila, sinabi ni daddy na gusto n'yang makausap si Sir Ralf sa lalo't madaling panahon.

"Hoy, Vallejo. Umuwi kana! Sisilip kaming mag-asawa rito mamayang 12:00, kapag nakita naming dito ka natulog, hindi ka na magigising pa." banta ni daddy at umalis na.

---

"EROS, tulog kana?" nakahiga siya sa tabi ko, oo sa tabi ko. Hindi siya natulog sa bahay pero sa bahay n'ya ako natulog. Sigurado naman akong hindi na pupunta si daddy sa bahay ko mamayang 12:00 eh.

"Hindi pa, hindi ka ba makatulog?" humarap s'ya sa akin at ikinulong ako sa bisig n'ya.

"Yeah, hindi ko alam pero gusto lang kitang titigan ngayon." there's something wrong with me pero hindi ko alam, pakiramdam ko pagmulat ko bukas ay panaginip lang lahat ng ito. Na hindi talaga kami okay.

.

Sumubsob ako sa dibdib n'ya at narinig ko ang lakas ng kabog no'n.


"Eros"

"Hmm?"

"Mahal kita" naramdaman ko ang paninigas n'ya at paghigpit ng yakap n'ya.


"Mahal na mahal kita" saad n'ya. 

-

We're about to sleep ng biglang magring ang cellphone ko. It's Marius' number. Napatingin ako sa oras, alas-onse ng gabi.

"Hello?" bungad ko, niloud speak ko 'yon.


"[S-Si S-Sol]" umiiyak s'ya.

"Anong nangyari sa pinsan ko?!" is this the reason kung bakit hindi ako mapakali?

"[N-Naaksidente si Sol, Shan, anong gagawin ko?!]"

---☆---





Our Last Dance (CS1)Where stories live. Discover now