(A/N: This chapter have some spoiler ng kaganapan sa mga susunod na series o kabilang kwento.)—
TAHIMIK akong nakaupo sa garden, alas 9 pa lamang ng umaga. Mamayang 5 pa kami pupuntang magpipinsan sa bahay ni moma pero nauna nang umalis si Seren, I thought magpapahinga pa s'ya pero sabi n'ya ay may pupuntahan lamang s'ya sandali.
"Are you okay? Miloves, ang lalim ng iniisip mo" hindi ako sumagot, nanatili akong nakatingin sa mga paru-parong malayang lumilipad at dumadapo sa mga bulaklak.
Umupo s'ya sa aking tabi at niyakap rin ang sariling mga tuhod gaya ng ginagawa ko. "Alam kong tahimik kang tao pero nabobother ako sa katahimikan mo ngayon." dagdag na saad n'ya.
Naninibago s'ya dahil hindi ko s'ya binara kanina nung kumukuha s'ya ng dresses sa walk in closet ko. Ewan, nasisiraan na ata ako ng ulo.
"Bakit palagi kang wala?" pag-iiba ko ng usapan at s'ya naman ngayon ang natahimik.
"You're changing the topic"
"You're hiding something" bato ko pabalik. Parehas kaming natahimik muli.
Ewan ko ba, sabay-sabay ata problema naming tatlo. Lalo na si Seren, mas mabigat ata dala ng isang yun. Kung dati ay halos hindi s'ya nalabas ng kwarto, ngayon naman ay halos maya't-maya s'yang may lakad at tila aligaga pa sa pag-alis.
"I'm trying to forget him" pagbasag n'ya sa katahimikan. Kilala ko kung sino ang tinutukoy n'ya. Hindi ko s'ya tinapunan ng tingin pero nagsalita na rin ako.
"Do you love him?" tanong ko, hindi man n'ya sabihin pero alam ko ang sagot.
"Do I love him?" balik n'ya sa tanong. Nagkibit-balikat ako.
"I think I do, that's why I'm trying hard to forget him. I know that he-he's engange na. he told me that before s'ya umalis. " agad na nabaling sa kan'ya ang aking tingin. What the f?! I didn't know.
Nag-usap pa kaming dalawa bago s'ya nagpaalam na magpapahinga muna s'ya saglit dahil kulang ang tulog n'ya kagabi. Me too, halos hindi rin ako makatulog kagabi.
But before she left, I asked her something.
"Liah" tawag ko sa kan'ya.
"Hmm?" nakahilig s'ya sa aking balikat, hindi ko nga alam kong paano n'ya nagawang hindi umiyak habang nag-uusap kami kanina. Na para bang ang kailangan lang n'ya ay magvent.
"Paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao?"
—
"SABAY-SABAY na tayo, Tinawagan ko na si Mel at sinabing magpapahatid tayo sa tatay n'ya." sabi ko sa dalawa.
Si Liah ay nagkukulot na lamang ng buhok, nakabihis na s'ya. Si Seren naman, as usual, malalim ang iniisip pero alam kong nakikinig siya sa sinasabi ko.
Nagulat nga kami kanina na dumating s'yang bagsak ang balikat eh. Tila ba hindi nagkaayos ang inasikaso n'ya kanina.
Matapos yun ay nagpaayos na ako ng gamit sa shoulder bag ko. Suot ko rin yung kwintas na bigay ni Eros. Hindi naman s'ya dadalo kaya alam kong hindi n'ya makikita.
-
"HI, moma! I missed you!" bungad ko agad ng makarating kami sa dining area ng mansyon. Doon kami nagdiretso dahil sabi nila Dido ay naroon daw si moma. Nasa labas raw si mommy at nag-aasikaso ng ilang bisita.
YOU ARE READING
Our Last Dance (CS1)
Любовные романыCERRIDWEN SERIES #1 Si Shanelle Amber, nag iisang anak ngunit hindi tulad ng ibang only child o "unica hija/hijo" ng isang mayaman o kilalang pamilya, hindi n'ya nais ang atensyon na nagmumula sa ibang tao. Hindi niya ugaling makisalamuha sa iba at...