Chapter 23

18 6 0
                                    

.........

Tahimik lang ako habang pinapakinggan si Yvenex. Siguro pareho lang kami hindi nabigyan ng pag-asa na magpaliwanag. I never gave him the chance.Umalis lang ako ng walang paalam, naging duwag.




"Sorry" ;"sorry" magkasabay naming sabi. Natawa ako ng pareho kaming nagulat. I look at him smiling. Nakangiti rin siyang nakatingin sa akin. Iyong ngiting masaya at parang nakunan ng tinik sa dibdib. A smile of relief.





"Can I hug you?" he gently said. I look at him for a second before nodding. His smile grew wider and gently pull me closer to him for a hug.




Dahan-dahan ko siyang niyakap pabalik at tinapik-tapik ang likod niya. I heard him sighed bago hinigpitan ang yakap. Napangiti ako sa ginawa niya. Bibitaw na sana ako sa yakap ng maramdaman kong may tumulo sa bandang balikat ko.



"Let's stay like this for a minute" he said. I gently pat his back.



"I'm sorry for hurting you...for making you leave me... I'm sorry" he added. Tumulo ang luha ko ng marinig ko ang mga hikbi niya.



We should be called crazy dahil sa bilis ng pagbabago ng emosyon namin. We stayed like that, hugging each other, crying while saying sorry. Maybe all I need is this, his explanations.
Nauna siyang bumitaw sa yakap at pinunasan ang luha ko.


"Para tayong baliw haha" nakangiti niyang sabi.


"Oo nga e" I replied. Yumuko ako ng bahagya para punasan ang mga bagong luha na tumulo.



"Mahal kita" gulat akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.



"W-What?" gulat kong tanong.



"Mahal kita Amandine" tumulo ulit ang luha sa aking mata ng ulitin niya ang kanyang sinabi.



"Noon at ngayon" he added.


"Mahal din kita" I replied.



"Alam ko" he proudly said.


Parang nag backing ang luha ko at hindi na sila tumulo pa dahil sa sagot ni Yvenex. Inis ko siyang tinignan which made the latter laugh.


"Joke lang. Ayaw ko kasing makitang umiyak ka pa pero alam ko naman na mahal mo ko. Ako pa ba!"


Napairap ako ng hinawakan niya ang kanyang baba habang nakatingin sa akin na nakangiti. Tumayo ako at naunang umalis. May saltik yata ang lalaking mahal ko. Napangiti ako sa sarili ng maalala ang sinabi ko kanina.


" Huwag mo akong masyadong isipin" napairap ako ng marinig ko ang sinabi ni Yvenex.


Tinignan ko siya ng nakabusangot ang mukha. Nakangiti si Yvenex habang nakatingin sa akin. Umirap ulit ako bago siya sinikmuraan. Napabitaw siya sa pag-akbay sa akin at sinamaan ako ng tingin. Bumelat lang ako sa kanya bago tumalikod at naglakad ng mabilis.


"Hoy!" He said. Napangiti ako ng marinig ko siyang nagrereklamo sa likod.


Lumunok muna ako bago pumasok sa loob ng clinic. I look confused when all of them are arguing. Na para bang stress na stress na pero ang nakakainis lang si Jex ay natutulog lang.


"Kasi naman, pwede naman sigurong iba na lang ang partner ni Selene di'ba?" Ivy asked Kalkin.


Wait. They're talking about me?
I waved my hands to them para naman malaman na andito ako pero hindi nila ako napansin.

"May pinsan akong pwedeng maging ka partner ni Selene" Kalkin said.


"Sinong kapartner ni Amandine?" napatingin ako sa gilid ng maramdaman kung may umakbay. Si Yvenex, seryoso ang mukha habang nakatingin sa kanila.



I heard gasps. Dahan-dahan akong napatingin sa harap. Halos lahat sila gulat, nagising na rin si Jex. Ng makabawi, lahat sila nagngiting aso lalo na si Jex, may pa kindat pa ang mokong.


Napatingin ako sa gawi ni Yvenex ng maramdaman ang pagpisil niya sa braso ko. Seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin.


"Sa akin ka lang tumingin " he said. Halos sabay na magreact ang mga tao sa loob making me blush.


"Wala na pala tayong problema e!" Chance said.


"Ako meron!" Louise replied.


"O?.. Sayo na lang yan. 'Di kami interesado " Chance replied making us laugh.


Mas lalo akong natawa ng batuhin ni Louise si Chance ng tsinelas. Napatingin ulit ako sa gawi ni Yvenex when I feel his right hand holding mine. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa inilapit niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan ito.


"Ay, putcha!... Andaming langgam" Napatingin ako sa harap ng marinig ang boses ni Jex. Nakatingin sila sa amin habang nakangiti. I smiled back at them.



Nagkukulitan lang kami habang nakikinig sa mga plano ni Ivy. Matagal na daw'ng alam nila Louise pero review daw sabi ni Ivy. Ako lang pala ang hindi nasabihan dahil busy daw ako masyado at mahirap hagilapin.




Sabi ni Ivy tanging mga kakilala lang nila ang imbitado dahil ayaw daw nila ng maraming tao. They stayed longer than I expected , umabot pa ng gabi kaya sabay-sabay kaming kumain.



We played games minsan nauuwi sa away lalo na kapag si Louise at Chance na. Si Ellaine at Nikholo naman hindi nagpapansinan. Naawa na nga ako kay Jex dahil ang sama ng tingin nila Chance sa kanya kapag lumalapit si Louise o di kaya si Ellaine.



Napatingin ako kay Yvenex ng tumayo siya sa tabi ko. He showed me his phone at ng makitang mom ang nakasave I immediately nod. Sinundan ko siya ng tingin sa hanggang sa makalabas siya.



Napatingin ako sa gawi ni Jex. Kumunot ang noo ko ng kila Laicreshia at Pearlette madali ang tingin ko, sinundan ko kasi ang tingin ni Jex. Ibinalik ko ang tingin kay Jex kung tama ba ang kila Laicreshia siya nakatingin.




Well,it make sense hiniram ni Jex si Anubis iyong aso kong bigay niya tapos andami pang biniling shampoo dahil kakaopen lang daw ng pet shop malapit sa tinitirahan niya. I heard si Laicreshia lang ang nagopen ng pet shop na malapit sa tinitirhan ni Jex.


Napatingin sa gawi ko si Jex ng maramdaman ang titig ko sa kanya. I scoffed at him but he just raised his brow in return. Muntik ko ng ibato ang tsinelas ko sa kanya.


"I told you. Sa akin ka lang dapat tumingin" napatingin ako kay Yvenex. Nakakunot ang noo at mukhang pikon. I pinched his cheeks a little


"Seloso" I said smiling.



" Sayo lang" he replied.

Vivid Thoughts of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon