Chapter 8

55 7 0
                                    

Note:  You can listen to the song above while reading.
Song: Sway by Bic Runga
______________________________________________________________________________

"Ready?"Napatingin ako sa may pinto kung saan nanggaling ang tinig.I saw Louise na nakalusot ang ulo at nakangiti. Pumasok na rin siya sa kwarto kalaunan. 



Kumunot ang noo niya nang makita ang mukha ko. "Tsk. Mag-ayos ka nga!" Louise said, disgusted.



 Why? Pangit ba?


Pinaupo niya ako at kinuha niya ang brush tyaka sinuklay ang buhok ko. She then fix it in a half ponytail. Nilagyan niya rin ako ng konting cream at lip balm. Napangiti siya matapos niya akong ayosan.



"Wow!" namula ang pisngi ko ng biglang pumasok si Tita sa kwarto."Paalis na kayo?" dagdag niya pa.



"Opo" sabay naming sagot ni Louise. Natawa naman kaming tatlo.



"Louise, nabigyan na kita ng pera hindi ba?" Tita Felicy said.



"Yes my" Louise answered, smiling.


Tita nods. "Sige"


..........

Hinatid kami ni Tita hanggang makarating kami sa kotse nila, napatayo ng maayos si Kuya Ronald noong nakita kami at pinagbuksan kami ng pinto.




We waved at Tita bago pumasok backseat ng kotse, unang pumasok si Louise bago ako. " Mag-iingat kayo, Selene" sabi ni Tita matapos isara ni Kuya Ronald ang pinto. Tumago ako sa kanya at ngumiti. Nakita ko naman na umikot si Kuya Ronald sa driver seat.


Sobrang daldal ni Louise sa  byahe. Hindi ko na nga halos maintindihan sa sobrang bilis niyang magsalita. All I remember is, may orientation ngayon dahil first day. The rest is hindi ko masyadong nakuha.





Diretso kami sa may court kung saan doon ang venue sa orientation.


Louise introduced me to her friends and all I did is give them an awkward smile. Don't judge me, natatakot lang ako sa dami ng tao.I feel like I will vomit any time but she was very patient and caring. Telling me to relax and calm down.




Tatlo sa mga kaibigan niya ay kinakausap ako, isang lalaki at dalawang babae. Iyong iba, hindi naman daw magkaklase nila Louise.Actually, I remember their names.




Isa sa kanila ay nagngangalang Laicreshia Cainais,morena, matangkad din halos magkasing-tangkad kami, hanggang balikat lang ang buhok nito na medyo wavy. Mabait kung tignan at palangiti at gusto niyang tawagin ko siyang Laica dahil iyon daw nickname niya at tyaka daw mahaba ang pangalan niya...




 Pearlette Olson naman ang isa. Mukhang mataray, naka salamin at naka bun ang buhok, magkasing-tangkad lang sila ni Louise para siya 'yong "mother figure sa grupo".. 




Exvod Lean Ceballos naman ang pangalan ng lalaki. Palangiti, trip nitong inisin si Louise at Laica. Matangkad, medyo moreno tapos gwapo. May napapatingin ngang mga babae sa kanya pero hindi naman niya pinapansin.




Hindi rin nagtagal natapos 'rin ang orientation.Magkasabay kaming lima na naglalakad papuntang main building. Magkatabi si Louise at Exvod tapos nasa may likod naman kami ni Laicreshia at nasa unahan naming lahat si  Pearlette.



Pansin kong ang daming kakilala ni  Pearlette sa school. Maya-maya kasi kaming napapatigil dahil may babati sa kanya o kakausap...




Vivid Thoughts of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon