Chapter 3

77 9 0
                                    

You can listen to the song above hihi.
Song: When I look at you by Miley Cyrus
________________________________________________________________________

Pagkatapos ng nangyari kanina. Lantang-lanta akong umupo habang nakatingala sa may kisame.


"Ay! May gwapo ba sa taas?" Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko sa sobrang gulat. Nang tingnan ko kung sino si Louise lang pala, tawang-tawa  sa nangyari.

Inirapan ko siya tyaka ko kinuha ang libro sa table para ibato sa kanya. Sapol sa kanyang noo.

Buti nga!


"Aray! Grabe naman?!" Nagrereklamo niyang sabi habang hinimas ang kanyang noo. Hindi naman siguro 'yon masakit, manipis lang naman kasi ang libro.



"Tawang-tawa ka e no?" sarcastic kong sabi.


"Nakakatawa naman talaga"


Umupo siya sa upuan kaharap sa table ko. Nagtataka ko siyang tinignan pero iniwas niya lang ang tingin sa akin.



"Bakit?" I asked.


"Wala lang trip ko lang dalawin ka, 'di ka pa na nasanay"  Nakaiwas pa rin ang tingin niya sa akin. Nililibot lang ang tingin sa loob ng office. I know na she just want to cheer me up. 





"Yeah right. " I sarcastically said bago ibinalik ang tingin sa kisame. Randam ko ang pagtingin niya sa akin pero hindi ko siya tinignan pabalik.


"Nakita ko rin siya kaya alam ko kung bakit ka feeling nag stastar gazing kahit wala namang stars haha" tumatawa nitong sabi.




"But still, proud ako sayo kahit muntik ka nang tumakbo kanina" dagdag pa niya.



Napangiti ako sa sinabi niya. Yeah. Muntik na 'yon. Muntik na akong magpadala sa sarili kong emosyon. Dr. Sargen will probably scold me.

Dang!



"Yeah. thanks" I said, still looking at the ceiling.




"Sus. ako lang to!" mayabang sabi ni Louise.



Ngumiwi ako sa sagot niya. "Tsk. yabang"



Louise laughed. "Hahahaha. di ka pa sanay?" Ibinalik ko ang tingin kay Louise dahil may gustong akong itanong. Nagtataka niya akong tinignan bago tinaasan ng kilay.




"Bakit.." naputol ang sasabihin ko noong naramdaman ko na nag vibrate ang phone  ko. It's Doctor Alvarez, ang anak sa President ng Hospital at ang head surgeon. Seryoso masyado ang lalaking 'to kaya nagtataka ako kung bakit nagkagusto dito si Ellaine.





Sinagot ko ang tawag at sinenyasan si Louise na sasagutin ko muna ang tawag. Tumango siya bilang sagot. Tumayo ako para lumayo muna saglit tyaka sinagot ang tawag. 




"Hello"  pambungad kong sabi.
Sinulyapan ko si Louise and I saw looking at me like she want me to put on the speaker. Inirapan ko siya at tinalikuran. Hindi ko pa masyadong narinig ang sinabi ni Dr. Alvarez dahil kay Louise. 



"Pardon?" I asked, confused.



"I said, can you come to the office. May importante akong sasabihin sayo" Seryoso ang pagkakasabi kaya napakamot ako sa likod ng aking tenga. Tsk.


"Okay" I answered before ending the call. Ganoon lang kaikli. Sabi kasi sa inyo seryoso masyado. I mean hindi naman siya na parang hindi mabiro. Mabibiro mo siya oo, pero most of the time talaga, seryoso siya.

Vivid Thoughts of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon