Chapter 20

23 6 2
                                    









Matapos ng kadramahan ko kanina. Sabay kami ni Jex na naglalakad pabalik sa tent.







"Ano ba nakakainis ka naman e!" pikon kong sabi ng biglang hinablot ni Jex ang buhok ko.







"Hindi ka na naman naligo ghurl" maarte niyang sagot.







"Like duh!" inis ko namang sagot sa kanya.







"Liku dzuuh" maarte niyang sagot. Natawa ako ng umirap si Jex at nagkibit-balikat.







"Para kang bakla. hahaha" I said, laughing. Mas lalo akong natawa ng tinaasan niya ako ng kilay at nag flip ng imaginary niyang hair...Tumatawa lang ako hanggang sa makarating kami sa clinic.







"Aray! Bakit ba?!" Inis kong sabi habang nakatingin ng masama kay Jex.







Hinablot na naman kasi ni Jex ang buhok ko.  Sinundan ko ang tinuturo ng nguso niya. Napaayos ako ng tayo ng makitang nasa clinic rin si Yvenex. Iniwas ko ang tingin kay Yvenex.  Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita ang kasama ni Yvenex sa loob.









"Selene! Waaaaah!" napangiti ako ng tumakbo papalabit sa akin si Ivy at niyakap ako ng mahigpit. I hugged her back.







" Anong ginagawa mo dito?" I asked, smiling. 





Ivy giggled which made me raise my brows. I look at Kalkin na katabi lang ni Yvenex. Tinanguan ko siya at tumango naman siya sa akin pabalik. Naunang bumitaw si Ivy sa yakap. She clung her arms in my right arm and giggle.







"Nandito ako para ibigay ang invitation"  Ivy said, smiling.





"Invitation saan?" kunot-noo kong tanong.





"Sa kasal namin ni Kalkin hihi" she replied.





"Ikakasal ka na?!" gulat kong tanong kay Ivy.







"Yes" Ivy replied, giggling.







"Pe--"







"IKAW LANG NAMAN ANG HINAHANAP KO A!! BAKIT ANG INGOT MO?! "









Sabay kaming napatingin ni Ivy sa likod, rinig kasi sa loob ang sigaw ni Louise. Nagulat ako ng makitang si Chance pala ang kausap ni Louise. Chance look so shocked while Louise looked so pissed.  Napatingin sa gawi namin si Louise, natigilan siya ng makitang  andami palang tao sa loob.  Napayuko si Louise sa hiya at tumalikod.







"Ay, wait lang Louise!" binitawan ni Ivy ang braso ko para habulin si Louise.







"Trip talaga niyong mag bestfriend ang mag-drama noh?"  inis kong tinignan si Jex ng ibinulong niya sa akin 'yon.





"Suko na ako" natawa ako ng pakantang sinabi ni Jex ang kanyang sagot habang nakataas ang kamay sa ere.







"Kahit gaano kasakit" dagdag niya pa habang nakahawak ang kanyang kaliwang kamay sa may  bandang dibdib.







"Hahaha gago!" natatawa kong turan. Mas lalo lang akong natawa ng may pa suntok-suntok pa siya sa ere habang kumakanta.







"Dali na kasiiiii"







Sabay kaming napatingin ni Jex sa likod ng  marinig ang boses ni Ivy. Hatak-hatak ni Ivy si Louise na nakayuko. Napatingin ako sa likod nila Louise ng may nakitang pamilyar na mukha. Rinig kong napasinghap si Jex sa tabi ko kaya tiningnan ko siya. Kumunot ang noo ko ng makita seryoso itong nakatingin sa kasama nila Louise at Ivy. Anong problema ng lalaking 'to kay Laicreshia?







Vivid Thoughts of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon