Chapter 14

35 6 0
                                    


Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng katok. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Louise. Bahagya siyang napatalon nang makitang nakatingin ako sa kanya. Louise is holding her stuff toy, standing like a shy kid.



"Dito ako matutulog hihi" Louise said awkwardly.



Iniwas ko ang tingin sa kanya tyaka naglakad papalapit sa kama. I tapped the space near me. Naglakad naman si Louise sa palapit sa akin at umupo sa tabi ko... Kanina habang kumakain, tanging tawa lang nila Mama at Tita ang maririnig. Wala kaming imikan ni Louise hanggang sa makaalis sila Papa.



Louise faked a cough. "Sorry nga pala" she said,not looking at me. 


I stayed silent. Looking at her, poker faced. Napatikhim ulit si Louise nang makitang walang ekspresyon ang mukha ko.


"Ahh"  Tumikhim ulit si Louise.  "You know Chance right?"  Louise asked.


Hindi ako sumagot kaya napatingin siya sa akin.  "Di ba?"  dagdag niya pa.


Tumango ako sa kanya bilang sagot. Louise smiled.  "Alam mo ba 'yong pakiramdam na parang may nawala sa'yo na hindi mo alam kung ano?"  panimula niya.


"Si Chance naman parang gusto ko siya na parang hindi. Alam mo yon? Parang gusto ko siyang makita palagi pero kapag nandyan siya, napipikon ako sa kanya tapos kapag wala, hinahanap ko.Mommy would say na sinisigaw ko pangalan niya minsan kapag tulog ako...Hahaha magulo ba?" 


I stayed quiet. Yeah. Na experience ko na nga, tinawag  niya ang pangalan ni Chance. 


"Pero gusto ko rin si Exvod" Louise said.


Kahit na gulat nanatiling ganoon lang ang ekspresyon ko.  "Kaya nasaktan ako sa nakita ko." Louise added.


Iniwas ko ang tingin kay Louise. Hindi ko kasi alam kung ano ang mararamdaman ko. Should I say sorry? Ano ba! 


"Sorry" I said, helpless. Napatingin ako kay Louise. Nakangiti siya na hindi nakikita ang ngipin.


"No need to say sorry"  Louise answered.  "Wala ka namang kasalanan e"  she added.



Nag dive siya sa kama ko tyaka impit na sumigaw. Kumunot ang noo ko sa kanya. Bumuntong hininga ako tyaka tumayo para pumunta sa terrace.



"San punta mo?" I heard Louise asked.



Hindi ko siya nilingon pero tinuro ko ang terrace. I heard her move pero naglakad lang ako papunta sa terrace. I waited for Louise, baka kasi sumunod. Minutes later, no Louise showed up. Napabuntong hininga ako at tyaka tumingala...

Vivid Thoughts of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon