Chapter 7

56 6 0
                                    

Note: You can listen to the song above while reading.

Song : Start of Something Good by Daughtry

___________________________________________________________________________



"Lights on. Lights off?" Allura asked.



Hindi nga siya nagsinungaling nang sinabi niyang dito siya sa kwarto ko matutulog. Nag usap pa kami ng ilang oras. I mean, she shared things about herself, taga-kinig lang ako. 





May nilagay pa siyang skin care sa mukha ko. I want to complain pero mukhang nasasayahan naman siya sa ginagawa niya kaya hinayaan ko na lang. 





She did other things too. Parang mukhang ang saya niya talaga. Kaso ako napipilitan lang. Siya ang nag blow dry ng buhok kong hanggang bewang na medyo wavy. Siya pa pumili nang susuotin kong pantulog. Kulang na lang nga ata, siya na magpaligo sa akin e.





"Lights on"I answered.  Hindi kasi ako makatulog kapag walang ilaw.




Louise smiled. "Ay! Ako rin! Takot ako sa dilim e!" 



Nag dive si Louise sa kama. Nagdadalawang-isip pa ako kung tatabi ba ako sa kanya..

Grabeng babaeng to! Andaming tambak na energy.



Naguguluhan akong tinignan ni Louise. Tinapik niya ang parte ng kama na malapit sa pwesto niya...




Napakamot na lang ako sa tungki ng aking ilong tyaka dahan-dahan na tumabi sa kanya... 



"Alam mo. Ang saya ko ngayon" Louise said.




"Halata nga" I answered, looking at the ceiling.




I heard Louise chuckled. " Alam mo kahit ang ikli ng mga sagot mo. Nakakatawa ka pa rin. Para akong may kapatid na babae.."





Hindi ko siya sinagot. Hindi naman niya ako tinanong. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko doon?


Thank you ba? Tatawa ba ako? Yayakapin ko ba siya?...


Nakikipagdebate pa ako sa sarili ko pero natigil lang ng narinig ko ang mumunting hilik ni Louise sa tabi ko...



Napangiti ako nang tingnan siyang natutulog sa tabi ko. Bahagya pang nakabuka ang bibig niya. Mukhang pagod na pagod. Pagod siguro to kakadaldal.



Umiling ako at iniwas ang tingin kay Louise. Ang daming nangyari ngayong araw. Humikab ako nang makaramdam ng antok at tyaka unti-unting ipinikit ang aking mga mata.

..........................................



"CHANCE!"  

Nagising ako nang narinig ko ang sigaw ni Louise. Gulat ko siyang tinignan. May mga luhang umaagos sa kanyang mata. 

"Chance. Please. Wag kang pupunta diyan!"  Kumunot ang noo ko sa narinig. Chance? Sino si Chance?. Umupo ako at bahagya siyang inaalog para magising.



"Louise! Louise wake up! " 



Kinabahan ako ng bigla siyang humagolhol. Tinapik-tapik ko na ang kanyang pisngi. "Louise! You're having a bad dream. Wake up!"



Mas lalo lang siyang umiyak. Nahilamos ko ang aking kamay sa aking mukha sa sobrang pagkataranta.



Tumayo ako para tawagin si Tita pero hindi natuloy nang hinawakan niya ng mahigpit ang isang kamay ko.
Like, she's afraid to lose me or the person named Chance.



Vivid Thoughts of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon