Chapter 9

65 5 0
                                    


Nagulat ako nang makita ko ang familiar na mukha. Tinaasan ko nang kilay si Louise nang nakangiti siyang tumingin sa akin.  In my peripheral view, Ivy looks at me with question eyes.



"What?" barumbado kong tanong kay Louise.



Louise giggled. Nagtataka siyang tinignan ni Exvod. Tinignan siya ni Louise at tinawanan. "Okay ka lang ba?" he asked, scared.



Napatingin sila Laica sa kay Louise na nagtataka pero lumakas lang ang tawa ni Louise... Mas lalong natakot si Exvod at lumipat sa tabi ko.



Magkatabi kasi si Louise at Exvod. Si Laica at Pearlette naman nasa unahan. Nasa huli naman kami ni Ivy.



"Ayokong tumabi kay Louise, baka mahawa lang ako sa kabaliwan niya" Exvod said.



Iniwan ko na lang siya sa tabi ni Ivy at naglakad palapit kay Louise. Napatingin sa akin si Louise na nagtataka kung bakit ako na ang katabi niya.



" Umayos ka" matigas kong sabi kay Louise.



Rinig ko pa rin ang pagpipigil niya sa kanyang tawa. Pinagpalit niya pa kami ng pwesto. Pinanlakihan ko siya ng mata pero nag peace sign lang siya sa akin. Hindi kami masyadong napapansin nila Laica dahil masyado silang seryoso sa kanilang pag-uusap.



"Hi Pearlette" 


Napamura ako sa isip nang tawagin si Pearlette sa isa sa mga kasama ng lalaki kagabi. Putcha! Bakit kung saan pa nasa may gilid ko lang siya? Doon pa tinawag si Pearlette...Sabay na napatingin si Lacreshia at Pearlette sa tumawag. Biglang akong kinabahan. Alam ko kasing nakatingin siya sa akin. Mas lalo lang akong kinabahan dahil sa mga binubulong ni Louise.



"Nakatingin siya dito " natatawang bulong ni Louise.Sinamaan ko ng tingin si Louise pero tinawanan lang niya ako.



"Oy! Ikaw pala yan Nikholo!" Pearlette replied.



Umatras ako kaya napaharap ako sa kanya. Rinig ko ang impit na tili ni Louise...


Shit!


 Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at lumayo.Nagtatakang napatingin sa akin sila Lacreshia pero hindi ko sila pinansin at itinuon na lang ang tingin sa puno ng Talisai sa gitna ng campus...Matagal-tagal rin kaming nagtambay sa labas ng room nila. Rinig na rinig ko ang mga tawa nila pero hindi ako nakikisali. 



"Siya 'yong crush mo?" Gulat akong napatingin kay Exvod.

Vivid Thoughts of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon