Chapter 18

36 7 0
                                    




10 years later......






I graduated with honors sa Medicine and ranked second on the board exam. Jex and I become even more close lalo na't lumipat din siya ng school at sinamahan ako. Hindi ako pumayag but gagawin niya daw para makabawi. 







Nagulat rin ako ng makitang magkaklase kami ni Nikholo. Mas nakilala ko si Nikholo dahil doon. Well, andoon pa rin ang pagkailang, knowing that he's Yvenex friend pero sa loob ng ilang taon naging kumportable rin kami sa isa't-isa.









As I promised bumalik ako Maasin pero bago noon nag volunteer muna kaming dalawa ni Josh sa isang barangay malayo-layo ng konti sa Maasin. Iyong libre ang gamot at check- up.








Doon ko nakita si Chance kasi kailangan namin sumakay ng eroplano para makapunta sa lugar ng mas mabilis. Doon ko rin ulit si Kalkin at Ivy. Si Kalkin ang una kong naging pasyente doon.








At sa ilang buwan kong pananatili sa lugar na 'yon. Bigla na lang may kumatok sa bahay na tinutuluyan ko at sumalubong ang mukha ni Louise. Kaya noong nakita ko sila,  I felt overwhelmed lalo na't  I deactivated my social media accounts. Binali ko na rin ang dati kong sim. That's why  I never heard anything about my High School friends especially him. 







Until now...








"Dr. Salviz, nandyan na naman po si Mr. Tenzo" pormal na sabi ni Louise.








"Ano code Y na naman?" Jex added. 







Napabuntong hininga ako bago umalis. They name it code Y dahil kay Yvenex. Simula kasi na na'admit siya sa hospital,  palagi na lang  bumabalik.








Kahit na simpleng hiwa lang sa kamay, pumupunta na sa hospital. Ang nakakainis pa, ayaw magpagamot unless ako ang maggagamot sa kanya.Napairap ako sa hangin ng makita ang nakangiting mukha ni Yvenex.











 "Pwede ka naman magamot ng mga nurse." I boredly said.Yvenex chuckle.








"Gusto ko ikaw." nakangiting niyang sagot.Inirapan ko siya bilang tugon which made him laugh a little. Weird naman ng lalaking to.








"Wala na kami ni Desiree" Yvenex said after I put a band-aid on his pointing finger. May hiwa na naman. Minsan nga napapaisip ako kung sinasadya niyang sugatan ang sarili niya para lang makapunta dito. 








"Done. Makakaalis ka na" I replied, not minding what he said earlier.






Yvenex looked so shocked. Hindi siguro makapaniwala na wala lang sa akin ang sinabi niya.  Ano naman ngayon kung wala na sila? Kailangan e-share? Hilaw siyang tumawa at napakamot pa sa kanyang batok.








"Ahh haha." Tumikhim si Yvenex. "Narinig mo naman siguro ang sinabi ko diba?" Yvenex said while scratching the back of his head.








Tinanguan ko siya. "Oo, rinig ko" walang emosyon kong sagot. Mas lalo lang siyang nagulat sa narinig.






"I need to go. Excuse me" I formally said before turning my back at him.









"Ahh wala na akong trabaho" Napatingin ulit ako sa kanya, gulat sa narinig. Na suspend siya? Dahil ba doon sa aksidente? 








Vivid Thoughts of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon