Natauhan ako ng maramdaman kong kinagat niya ang ibabang labi ko. Mabilis ko siyang tinulak sa gulat. Yvenex looked so shocked. Umatras ako at umiwas ng tingin.Mariin akong napapikit at mahinang minura ang sarili. Kanina lang nag-aaway kami tapos ngayon naghahalikan. Pwede ba yon?... I jumped a little when Yvenex faked a cough.
"I'm sorry" nakatingin ako sa kanya . He looked so tired and scared.
"I'm sorry for hurting you" napaiwas ako ng tingin ng mamuno ang luha sa gilid ng aking mata. Why am I so emotional?
"Hinanap kita Amandine pero paano kita hahanapin kung ayaw mong magpahanap. Nahanap nga kita pero ayaw mo naman makinig"
"Ang daya mo naman. Umalis ka lang na hindi mo ako hinayaan magpaliwanag. Nasasaktan rin naman ako" mabilis ako napatingin sa kanya ng marinig kong pumiyok ang boses niya. Napanganga ako sa gulat ng makitang tumulo ang luha niya.
"Nasaktan rin ako. Nasasaktan pa rin ako " tumulo ang luha ko ng lumuhod si Yvenex at hinawakan niya ang kamay ko. I can feel his tears on my right hand.
"Pakinggan mo naman ako, parang awa mo na"
Iniluhod ko ang isang tuhod ko and hug Yvenex. Ramdam kong na tigilan siya."Makikinig ako... Makikinig na ako"
........ Yvenex POV......
Nagbabasa ako ng libro sa loob ng kwarto. Wala lang para kunyari advance reading.
"Kuya ang ganda ng nakatira sa bahay nila Tita Felicy. Hindi si Ate Louise ah. Ay, maganda naman si Ate Louise pero iba ang ganda ni Ate Selene" bumuntong hininga ako at walang emosyong tumingin sa kapatid kong lalaki. Bakit ganito ang mukha ng mokong na'to? Nakangiti habang nakalusot ang ulo.
"Ang laki ng ngiti a!" Sarkastiko kong sabi
"Siyempre Kuya, maganda e" he answered while wiggling his brows. Binato ko ng tsinelas ang mukha ng kapatid kong si Yexel ng lumawak ang ngiti.
"Mukha kang manyakis. Umalis ka nga, nag-aaral ako" inis kong sabi. Umismid lang siya.
"Mag-aaral daw. " di makapaniwalang sagot ni Jacob.
Sinamaan ko siya ng tingin. Napaayos naman siya ng tayo at mabilis na lumabas sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako ng malakas ng bumalik sa pagiging tahimik ang kwarto ko. Binuksan ko ang libro at bumalik sa pagbabasa.
"Kuya!!!!" Muntik akong mahulog sa upuan dahil sa biglaang pagsigaw ni Yexel. Uminit ang dugo ko ng marinig ang tawa niya.
"Hahahahaha grabe ang mukha mo kuya" tawang-tawa sabi ni Jacob. Huminga ako ng malalim bago tumikhim. Napatigil naman sa pagtawa si Jacob.
"Hehe joke lang kuya. Gwapo ka pa rin" kinakabahan niyang sabi. Tinaas ko ang dalawa kong kilay habang nakacross ang dalawang braso sa aking dibdib.
"Alam ko." confident kong sagot. Napaismid naman is Yexel sa narinig.
"Yabang"bulong ni Yexel.
"Anong sabi mo?"pikon kong tanong.
"Ah!.. haha... sabi ko magkatapat kayo ng kwarto ni Ate Selene, baka gusto mo siya kamustahin. 'Yon lang... haha.. bye!!" taranta niyang sabi bago sinarado ang pinto
Bakit sino ba 'yong Selene? Bakit halos lahat sila masayang makita ang babaeng 'yon. I even saw Tita Felicy and Louise looked so busy. Iniling ko na lang ang ulo para pigilan ang sarili na mag-isip pa ng tungkol sa kanya.
"Arrrgh. I can't focus!!!"
Nagpasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa inis. Palagi kasing bumabalik sa akin ang pangalan na Selene at ang mukha ni Jacob.
Inis akong lumabas sa kwarto para pumunta sa terrace habang dala-dala ang Phone. Bumuntong hininga ako ng malakas ng bigla kong naalala ang sinabi ni Jacob.*"Ah!.. haha... sabi ko magkatapat kayo ng kwarto ni Ate Selene, baka gusto mo siya kamustahin. 'Yon lang... haha.. bye!!"*
"Aiiish. Bahala na!"
Binuksan ko ang sliding door at umupo sa sahig. I opened clash of clans. Maglalaro na muna ako. Bumuntong hininga ako ng malakas ng sunod- sunod akong natatalo. Tumayo ako at tumingala sa langit.
Napangiti ako ng makitang andaming bituin sa langit. Feel na feel ko ang pagtingin sa langit. Mukha na siguro akong bakla pero bahala na. Sa gilid ng aking mata may nakita akong pigura ng tao kaya napatingin ako harap, sa bahay nila Tita Felicy.
I saw a woman. Sa hindi malaman na dahilan. Napatitig ako sa kanya. Napangiti ako ng makita siyang napangiti habang nakatingala.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin sa kanya kaya nataranta ako ng lumakas ang tibok ng puso ko.
I immediately looked away pero biglang natamaan ang paa ko sa upuan."Aray! Putcha!" Napahawak ako sa kaliwang paa ko at nagtatalon-talon sa sakit. Putcha! Bakit hindi ko 'to napansin?
Napatingin ako sa gawi ng babae kanina para lang makita kong nandiyan pa ba siya. Napaayos ako ng tayo ng makitang nakatingin siya sa akin. Napangiwi ako sa sakit pero ininda ko lang para hindi ako maging katawa-tawa.
Nakatingin lang ako sa kanya, ganoon rin siya sa akin. Walang emosyon ang mukha pero sobrang ganda. Gusto kong umiwas ng tingin lalo ang bilis na nang tibok ng puso ko pero ayaw kong maging bakla na kahit nahihirapan, nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya.
Nakatingin parin kami sa isa't-isa, naputol lang ang tinginan namin ng biglang lumabas si Louise. Right, nasa kanila pala nakatira 'yong Selene na na tinitigan ko kanina.
Nakatingin lang ako sa dalawa na ang-uusap at nagbibiruan. Si Louise lang ang madaldal. ' Yong Selene, halatang masyadong seryoso. Napatingin sa gawi ko si Louise at napangiti.
"Hi, Yvenex" nakangiti bati ni Louise habang kumakaway. I smiled back and wave back.
Napatingin ulit sa gawi ni Louise si Selene, looking so confused while talking. Siguro nagtatanong na to kung magkakilala ba kami. Kumunot ang noo ko ng biglang sinundot ni Louise si Selene sa tagiliran.
Napasinghap ako ng hangin ng makitang ngumiti si Selene. Maganda siya kahit seryoso ang mukha pero mas maganda siya kapag nakangiti. Nakakahawa ang ngiti ni Selene kaya napangiti na rin ako.
Sa ganitong sitwasyon, papasok na dapat ako pero parang mas gusto ko siyang titigan. Kahit pa umirap siya at naunang pumasok sa loob. Timingin sa akin si Louise na nakangiti while wiggling her brows.
"Yvenex, crush ka daw ng bestfriend ko. Ingatan mo siya ha?" Louise said. Natawa ako sa mukha ni Louise dahil alam kong iniinis lang naman niya si Selene.
Napatigil ako sa pagtawa ng mabilis na lumabas si Selene habang pinipilit pakalmahin ang sarili. I saw how her shoulders move like she's trying to calm down. May sinabi siya kay Louise which made the latter regret.
Okay. Noted. Huwag gagalitin si Selene.

BINABASA MO ANG
Vivid Thoughts of the Past
Roman d'amourWe believed that time will heal but when sometimes time isn't enough to heal. Maybe all I need is more than just time but.... What is it?