CHAPTER 9Mahimbing akong nakatulog at para bang hinihigaan ko ay ang makakapal ng ulap.
Nagpagising lang sa'kin ngayon ang sinag ng araw galing sa veranda ko at ang walang awat na pagtunog ng aking cellphone. Hay, kay aga-aga kung hindi lang talaga ako good mood ay baka binalibag ko na ang phone ko.
Bumungad sa'kin ang malakas na boses ni Crystal sa kabilang linya.
"Celain! Wake up! Gising kana ba?! Naku! Tignan mo 'yung balita dali!"
Kinukusot ko pa muna ang mga mata at hindi ko naintindihan ang sinasabi niya dahil kakagising ko palang.
"What's with the news?" I sluggishly asked.
"Nasunog kagabi yung buong bahay nina Jenina!"
Nang dahil sa sinabi niya ay napabalikwas ako at napa-upo ako sa hinihigaan.
Wait! Did I hear it right? Ano bang pinagsasabi ne'tong babaeng ko? Eh ando'n ako kina Jen kagabi paanong nangyaring may sunog?!
"Hello?! Celain! Nakita mo na ba? You better see it right now!"
Dali-dali kong kinuha ang laptop tsaka ko binuksan ang facebook dahil paniguradong nasa mga social media ang mga balita ngayon.
"At bali-balita rin na ikaw daw ang may pakana, Celain! What the hell! Ano bang nasa mga utak nila at dinadamay ka pa?!"
Tila ba naging hangin lang ang mga narinig ko kay Crystal dahil sa hindi ako makapaniwala sa mga nababasang headline.
Naturang 34 ang napuruhan at 2 ang namatay sa sunog na naganap sa Hacienda Escoto.
Napasapo ako ng bibig nag marealize na bahay nga iyon nila Jen. Bakit hindi ko alam 'yon? How did that happened? Ang dami kong katanungan sa isip ko kaya mas nagbrowse pa 'ko baka sakaling malaman ko pa kung saan nanggaling ang sunog.
"Mga utak talangka talaga ang mga tao ngayon!" Crystal ruled the line. "Inggit lang ang mga 'yon, Celain!"
I bite my lower lip when I check all the comment sections.
Puro ako ang binabato nila at ako ang laman ng comments. Parang sigurado sila na ako nga ang may kasalanan sa lahat ng nangyari kagabi. Bakit ba ako ang sinisisi ng lahat?
Hindi na ako magugulat kung sino gumawa niyan! #KickOutHerAss
True! Sarili nga niyang birthday nagpa-ulan ng mga bala HAHAHAHA kriminal utak non e lols.
#GoatishSpeakerCriminal
Ala tlga puso yang si Celain!!!! Inggitera na nga mukha pang garapata,,,
BINABASA MO ANG
Guarding The Lost Heather[ON-GOING]
ActionNOTE: CONTAINED EXTREME EMOTIONS, LANGUAGES, FLAWED CHARACTERS, UNREALISTIC EVENTS & ROLLERCOASTER PLOT. SO, READ AT YOUR OWN RISK. [R-18] Sa ating paglalakbay, maaari tayong maligaw, mawala, o di kaya'y mapunta sa lugar na walang kasiguraduhan. Pe...