TEN: Flirty Bodyguard

65 6 0
                                    


CHAPTER 10


"I'll make her life suffer and unworthy. To the point na ayaw niya nang huminga pa sa mundong 'to."

Nagmistulang echo ito sa aking pandinig habang naririnig ko ito sa mga speaker na nakasabit sa hallway ng campus.

Umaatras ang mga students sa'kin tuwing napapatingin ako sakanila. Nagbubulungan na naman sila pero tumitiklop kapag napapansin ko rin. Puro takot ang nabalot sakanila ngayon. Habang ako, hindi ko alam bakit nagkakaganito ang ikot ng sitwasyon.

They thought... I did everything purposely when in fact everything was just twisted.

"Ms. Villaruel, is it true?" Malalim na tanong ng Direktor ng school namin. "Don't be afraid to tell us..."

"Bakit ako matatakot? Eh wala naman akong ginawang masama?"p

I rolled my eyes and gritted my teeth. He shifted his seat and fake his cough. Mukhang nagtitipi lang siya ngayon.

Napapikit muna siya bago muling magsalita, "Rest assured, Ms. Villaruel. Just tell us everything. Basta sabihin mo lang ang totoong nangyari kung bakit mo ginawa 'yon sa pamilyang Escoto?"

"Bakit ba tingin niyo ako ang may kasalanan ng lahat? Grabe, ha! This is discrimination!"

Napasapo naman siya habang nakasandal sa swivel chair. Nagsigising ang mga wrinkles nito sa noo dahil sa pagkakakunot.

He clasped his hands, "Look, Ms. Villaruel. Binalikan ko ang records sa chairperson ng department mo, at nakita ko na puno ang pangalan mo sa record book at gano'n din sa mga files. And do you know what are your cases? I'm not going to mention dahik sa sobrang dami baka hindi tayo matapos. Kaya to make it short, kahit pa mayaman ang pamilya mo hindi ko matatanggap na may estudyante rito na mamamatay tao."

Mamamatay tao?! That's too much!

"Pardon, Sir?"

Nag-iba na ang tono ng boses ko. Teka, parang mali naman atang pati siya pagbintangan ako gayong wala naman matibay na ebidensya.

"Are you calling me a criminal? A fucking murderer?!"

Pagturo ko pa sa sarili.

"Yes!" He aggressively tapped his table which made me flinched and closed my eyes.

"Hindi pa ba sapat na narinig mo ang recorded tape na may balak ka talagang pagtangkain ang buhay ng anak ng mga Escoto?! You are a disgrace---"

Hindi natapos ang sasabihin ng Direktor nang may biglang bumukas na pintuan.

"Shut it. You shouted her twice, that's enough." Walang-hiyang pumasok si Uno- my most functual bodyguard ever. Argh!

Sinabi niya 'yon sa isang kalmadong boses na parang hindi naman nabigla sa pagsigaw ng Direktor ng school namin.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at walang-hiya rin ang katawan ko dahil nagparaya naman.

Guarding The Lost Heather[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon