CHAPTER 13Pimunasan ko agad ang laway ko. Ano 'yon? Imagination lang?!
Andito pa pala kami sa harap ng pintuan niya at ang lahat ng 'yon ay nasa imaginat---
Wait, ayoko nang ituloy. You're humiliating yourself, Porcelain!
"Ano 'yan hawak mo?" Bumalik ako sa katinuan nang nagtanong siya.
He tilted his head like he was examining the side of my hand. Umigting ang panga niya. I don't know what was it but I don't care.
I cut off the silence.
"Ahh f-first aid kit." Nice, I even stuttered. I can't even look directly at his eyes. Ganto ba ang pakiramdam ng ma-inlove?! Hell no.
Hindi ko na alam ang next step kase ngayon, gusto ko nalang magpalamon!
Dumapo ang tingin ko sa likod ni Uno dahil sa may nagsalita sa loob ng kwarto niya.
"Jeez! I knew it. I finally found the recording tape! Come here, Agent---"
"Shut up, Demie!" Pagpigil bigla ni Uno.
Nanlaki ang mga mata ko nang tumalikod si Uno at sumigaw sa loob ng kwarto niya.
Hindi ako makapaniwala nang bigla kong nakita si Demie sa loob ng kwarto niya. Kunot-noo na parang nabadtrip sa pagsigaw ni Uno. Ngunit nang magtama ang mga mata namin ay kulang nalang ay lumuhod siya sa harapan ko at humingi ng tawad.
"Uh-oh..." she looked away.
Napasapo siya ng bibig habang may hawak-hawak na flashdrive. Hindi ko magawang makapagsalita at nakanga-nga lamang ako sa mga lumilipas na segundo.
Lumapit na siya sa may pintuan at bahagyang sinuntok ang braso ni Uno. "Goodluck hehe."
She now faced and smiled at me. "Hi, Celain!"
Nginitian naman ako ngayon ni Demie tsaka kumarapas nang takbo sa hallway.
Suddenly, my blood rush up in my cheeks until it reached my head.
Binalingan ko nang tingin si Uno. Walang pag-aalinlangan niyang hinila ang kamay ko papasok sa kwarto niya.
Nagulat ako dahil bigla niya nalang ako hinila.
Gusto kong itanong sakaniya kung anong ginagawa ng babaeng 'yon dito? Umaapoy ang mga mata kong nakatitig kay Uno. At ngayon ako naman ang pinapasok niya?
"You'll going to treat my wounds, don't you? But I don't have one." he said.
I rolled my eyes.
"Baka ngayon magkaroon ka," bulong ko habang inalis ko na ang tingin sakaniya.
Ayokong magsalita habang nakatingin sakaniya. Lalo na ngayon na galit ako. Baka bumigay ako at wala sa sarili kong masabi na "kiss me Uno."
Argh! Falling inlove is a tough battle.
"Look at me," napalunok ako sa boses niyang nakakalunod sa lalim.
Para naman akong tutang napasunod niya na walang pag-aalinlangan.
Nanlamig ako nang lumapit siya sa sakin. Pati ang mga pagtitig niya ay nakakalunod! Hindi ba siya aware na marurupok ako pagdating sa mga gwapong lalaki? Lalo na sa mga mala-adonis ang katawan? Gosh! Ni wala siyang damit pang-itaas! Huhu reward ko po ba 'to o pagdurusa?!
All of a sudden, my knees started to tremble and butterflies become alive when he suddenly held my hand.
"Aww!"
BINABASA MO ANG
Guarding The Lost Heather[ON-GOING]
ActionNOTE: CONTAINED EXTREME EMOTIONS, LANGUAGES, FLAWED CHARACTERS, UNREALISTIC EVENTS & ROLLERCOASTER PLOT. SO, READ AT YOUR OWN RISK. [R-18] Sa ating paglalakbay, maaari tayong maligaw, mawala, o di kaya'y mapunta sa lugar na walang kasiguraduhan. Pe...