CHAPTER THREE
Masaya akong sinalubong ng mga barkada ko sa loob ng bar. Nakipagbeso sila sakin at sabay-sabay binati ng happy birthday si Drix. Pansin kong iba makangiti mga tao dito sakin ngayon ah? Ano kayang meron?
Nalingat lang ako sandali nakita ko na si Eros na pinagkaguluhan kausapin ng mga barkada naming babae na medyo nakainom na. Alam niyo namang late kami dumating.
Feeling close na yung mga tropa ko kay Eros kasi naman kilala na nila to. Sikat naman kasi si Eros sa campus namin. At oo alam nila ang tungkol samin, that he is my ex and is now my step brother. Na-awkward sila nung una and then eventually natanggap din nila yun at medyo nasanay na. They think we're cool lalo pa't magkasama ulit kami ngayon.Lumapit sakin si Caramel at makahulugang ngumiti. Mapula na ang kanyang mukha dahil sa nainom niya. "Hey, nagkabalikan ba?" Tumawa lang ako at umiling sa kanya. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay.
Si Drix naman, he knows everything as well because he's one of my tropa. Kung ano alam ng isa. Alam ng lahat. Ginala ko paningin ko kasi bigla nalang nawala tong si Eros. Nahagip ko nalang siya sa dance floor at may kasamang mga babae. Bakit ngiting-ngiti ka naman diyan sa mga babaeng yan Eros ha?
Nakakainis. Bahala nga siya mag enjoy diyan. Buti nga eh para naman malaya ako dito. Tumagay ako ng isang shot, dalawang shot, tatlo boom straight. Kwentuhan ng kung ano-ano di ko na alam bakit ako tawa ng tawa.
"Erin? Ayos ka lang? Wag ka naman masyadong magpakalasing may exciting pang mangyayari mamaya eh. " Bulong ni Drix sakin.
"Mangyayaring exciting? Ano naman?" Puno ng kuryusidad kong tanong. Lumawak yung ngiti niya saka inakbayan ako.
"Secret... Basta. Malalaman mo rin maya-maya lang. "
****
"Cheers !!!" Sabay lagok ng alak. Mariin akong napapapikit sa tuwing nanunuot sa lalamunan ko yung lasa. Nasusuka ako kaya tumayo ako para maghanap ng restroom nang bigla nalang ako nawalan ng balanse, buti nalang at may sumalo sakin. Lasing na ba ako?
"Erin? Okay ka lang ba?" Tanong ni Drix sakin na medyo nakainom na rin.
"Ah yeah I'm fine." Antok kong sagot at ngumiti para di na siya mag-alala.
"Punta lang akong rest room ha." Paalam ko sa kanya na di parin mawala ang pag aalala sa mukha. As if ngayon lang ako uminom eh. Kaya ko pa naman sarili ko.
"Samahan na kita." Inakbayan niya ko saka naglakad na nung tinawag naman ako nung kaibigan kong si Caramel tas binigyan pako ng isang shot. Ayaw na sana ni Drix saka ayaw ko na din sana kaso nagpumilit tong Caramel nato. Last shot na daw.
Akmang tatanggapin ko na yung baso nung may biglang kumuha nun sa kamay ni Caramel sabay lagok. Straight. Tas pabagsak niyang nilapag yung baso sa mesa. Buti nalang di nabasag. Tinignan ako ng mapupungay na mata ni Eros. Nakainom na din to alam ko kasi namumula na din pisngi niya. Bat ang gwapo niya ata ngayon?
Nakita kong sunod na dumapo ang tingin niya sa braso ni Drix na nakaakbay sakin at ilang sandali lamang, wala na yung braso ni Drix sakin. Nakakulong nako sa mga braso ni Eros para maalalayan. Nakita ko ang pagngiwi ng labi ni Caramel at ng iba pa naming kakilala habang nakatingin samin.
"Let's go home lasing ka na." He said. His voice just sound so plain. Di ko maramdaman kung galit ba to o naiinis kasi lasing ako.
Buti pa nga siguro umuwi na kami kasi inaantok nako at pagod na din ako. Di birong magsayaw sa dance floor kanina ha.
"Hey bro, I'll bring Erin home. Mauna kana lang umuwi kasi may gagawin pa kami." Pagpigil ni Drix samin. Ako nakapikit na kasi inaantok na. Di ko na kayang buksan yung mga mata ko. Ang bigat.
BINABASA MO ANG
My Step Bro is my Ex
RomanceThis is the unedited and the original version of My Step Bro is my Ex. From: Ebook version copyright 2017